Chapter 2: Boss

10.3K 327 52
                                    

Maria Angela's POV

Nang umuwi si Elsa kinagabihan, siguro mag-alas diyes na, hindi parin ako natutulog. Hinatid lang siya ng kanyang asawa at bumalik na muli ito sa trabaho. Halos 24 hours ang trabaho ng kanyang asawa at tuwing Sunday at Monday lang umuuwi ito.

Pinagbuksan ko siya ng pintuan bago pa man nito mabuksan gamit ng susi niya.

"Oh, Angge. Gising kapa?" nagtatanong ang mga mata nito habang papasok sa loob saka nito isinara ang pinto at inilock mula sa loob.

"Hindi pa kasi ako inaantok," mahina kong sagot.

"Iniisip mo na naman sila no?" Ipinatong nito ang kanyang isang kamay sa aking balikat saka ako iginiya hanggang sa sofa.

Hindi nalang ako umimik.

Ipinatong nito ang bag sa maliit na lamesahan na nasa harapan namin.

"Kumain kana?" tanong ko.

"Wag kang mag-alala sa akin. Maraming pagkain sa pinagtatrabahuhan ko." Tinapik tapik nito ang aking likod.

Napatango nalang ako.

"May maganda pala akong balita," masayang sabi nito.

"May interview ka bukas kay Sir Kristoff. Sunduin ka daw ni Doming bukas ng maaga," sabi nito. Bigla namang lumobo ang aking dibdib sa sobrang saya.

Sana lang maipasa ko ito.

"Salamat, Ate," nahihiyang sabi ko habang nakangiti rito.

"Wag kang mag-alala, I'm sure bibigyan ka ni boss ng trabaho. Mabait iyon," pag-papagaan nito sa aking loob.

Tumango naman ako bilang pasasalamat. Ipinatong ni Ate Elsa ang kamay nito sa aking magkalapat na palad sa aking hita at saka pinisil ito.

"Wag mong masyadong isipin ang problema sa probinsya, Angge. Darating ang araw na makakatulong karin sa kanila," ngumiti siya sa akin saka ito tumayo. Kinuha nito ang bag at muli, binigyan niya ako ng isang tingin. "Matulog kana, may interview kapa bukas," saka ito tumalikod na at nagtungo sa kwarto nila ng asawa.

Ako nama'y mabilis na tinungo ang kwarto ng aking pamangkin at natulog.

Dahil sa sobrang saya ko, agad akong nakatulog.

Kinabukasan...

Alas sais palang, nakaligon na ako at nakabihis. Ginamit ko ang pinakamalinis at plantsadong pantalon ko. Kupasin man ito ngunit malinis pa namang tingnan. Pinareha ko ito ng medyo bago kong pang-itaas. Pero dahil medyo tumaba ako ng konti sa nakalipas na taon, ang pantalon ko, parang pangalawang balat ito, hapit na hapit sa akin, pati narin ang pang-itaas ko. Kahit medyo nakakaasiwa ang pagkakahapit ng damit, wala akong magagawa kasi ito lang ang damit kong medyo okay pa. Halos lahat kasi ng damit ko, kupas na kupas na. Siguro, magtatlong taon narin itong pantalon ko.

Mabuti nalang, maganda ang hubog ng aking katawan. Hindi naman sa pagmamalaki, marami ang nagsasabing napakaseksi ko raw. Dati tinawatawanan ko lang, pero mula sa malaking salamin, nakita ko ang katawang dati hindi ko pinagtutuunan ng pansin.

Malapad na beywang na siyang kadalasang rason ng panunudyo ng aking mga pinsan na kesyo palahian daw ako. Minsan nakakairita, pero ng tumatagal, iniignora ko nalang. May maliit din akong beywang, at aking dibdib, medyo may kalakihan. Hindi rin naman nalalayo ang tangkad ko kay ate Elsa. Nasa lahi kasi namin.

Ilang beses narin akong naimbita sa mga beauty pageants sa Sagada, pero lagi ko itong tinatanggihan, wala naman kasi kaming pambili ng damit, at lalong wala akong panahon sa ganuon.

Billionaire's Den (Black Omega Psi Series 4)Where stories live. Discover now