Chapter 12: Anong nangyayari?

902 48 5
                                    

Warning: Ang tema ay para lamang ho sa may edad 17 paitaas. Enjoy!


Maria Angela "Angge" POV

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanatili ako sa aking pagkakatayo. Ah hindi pala, sa pagkakasandal sa malapad at matigas na dibdib ni sir, habang ang aking isip ay abala sa pag-iisip. Sinusuri kung anong nangyayari.

Ang aking mga binti at tila tubig, at kung hindi parin nakahawak ng mahigpit sa aking beywang si Sir, baka babagsak ako sa sahig.

Naramdaman ko ang mainit na likidong tumagos sa tela ng aking short.

At hindi naman ako sobrang inosente para hindi alam kung ano iyon, lalo pa't umungol ng malakas si sir, at ang aking pangalan ang dinadaing nito na tila sinasamba.

Naparalisa ako sa nabuong kaisipan.

Pinagnanasahan ako ni Sir. At ang pinapagawa nitong masahe, pati ang ari nito ay para makapanantsing.

Ngunit bakit tila may kilig akong naramdaman sa aking puso na dumaloy hanggang tiyan, at bigla akong namasa.

Dapat magalit ako.

Magwala at sampal-sampalin siya dahil inisahan niya ako. Ginawa niya akong tanga, pinaglaruan.

"Masyado kang overacting, Angge!" kastigo ng isang bahagi ng aking isipan.

"Fuck!" narinig kong ungol nito at malapit na malapit ang bibig nito sa aking leeg, at ang mainit nitong hininga at humahaplos sa aking balat, at lalong nakakaramdam ako ng init.

Hindi ko narin napapansin na napapahigpit ang aking pagkakahawak sa kamay nito, at ang aking mga kuko ay tumutusok na sa kanyang balat.

"I'm done fighting this, Angel. Tell me you felt it too," bulong nito sa aking leeg, sa paungol na tinig, na tila nahihirapan habang ang bilis ng paghinga nito, saka hinalik-halikan muli ang aking leeg. Alam kong may naiwan na mga hickey ito sa aking balat dahil kanina habang panay ang pagkiskis nito ng kanyang pagkalalake sa aking puwitan, sinisipsip nito ang aking balat, na tila gigil na gigil.

Gusto ko siyang pigilan, pero ang mainit at masarap na sensasyong dulot ng mainit nitong dila at labi, lahat ng aking pagprotesta ay tuluyang nilipad ng hangin. Lahat ng tinong naiwan sa aking utak, nilamon ng sensasyong dulot ng ginagawa nito..

Ang aking katawan ay gustong-gusto ang kanyang ginagawa. Lalo ko pa ngang hinihikayat ito ng hindi ko nalalaman. Dinuldol ang aking puwitan sa bukol na bukol nitong ari. At ramdam ko rin ang bahagyang basa sa pagitan ng aking hita.

At sa isiping iyon, bigla akong dinaluhong ng hiya.

At ang mainit na likidong tumatagos sa aking short ang biglang nagpagising sa naglalayag kong isipan. O sa tamang salita, sa utak kong lumalangoy sa masarap at makamundong sensasyon.

Agad kong inalis ang kamay nitong nakapulupot sa aking beywang na tila sawa. Hindi naman ito nagprotesta, at hinayaan akong lumayo sa kanya.

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, at ramdam ko rin ang sobrang init ng aking pisngi. Hindi ako magtataka kung tila kamatis ang aking mukha sa pula.

At kung bakit tila nasa kalan ako sa sobrang init na aking nararamdaman. Ramdam ko rin ang pagdaloy ng aking pawis sa aking noo at likod.

Dali, lumabas kana, Angge bago pa lalo kang malugmok sa kahihiyan! Sigaw ng isang bahagi ng aking isipan.

Sa wakas, nanalo ang aking katinuan at mabilis ang aking mga galaw. Umikot saka tumakbo. Ngunit bago pa man ako makatatlong hakbang, matigas na kamay ni boss ang pumigil sa akin.

Billionaire's Den (Black Omega Psi Series 4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora