Chapter 3: Oil

13.7K 399 111
                                    

Maria Angela's POV

Napanganga ako sa narinig. Hindi naman sa hindi na ako nakakita ng lalakeng nakahubad, kaya lang, boss ko siya. Tsaka bakit naman kasi nadulas ako.

Ba't kailangan ko pa kasing sabihin na para akong nakuryente? Pahamak talaga itong bunganga ko. Syempre, may damit bang may kuryente?

Tanga ka talaga, Angge.

Gumalaw ito, at bago pa man ako makapaghinde, inalis na nito ang pang-itaas niyang mamahalin. At sa paghugot nito paitaas, naamoy ko ang natural nitong amoy at parang nagkaroon ng tutubi sa aking tiyan. Napakabango naman niya.

"Ah Sir," mahinang tawag ko bago pa man nito maalis ng tuluyan ang damit.

Pero hindi yata ako narinig dahil tuluyan na nitong inalis saka itinapon sa mesa nito.

Nilingon nito ako at mahinang napasinghap ako. "Ayan, okay na ba?" tanong nito.

Pasimpleng lumunok naman ako sabay tango.

Forty thousand yan, Angge. Isipin mo kung anong magagawa mo sa forty thousand. Matutulungan mo na si inay, sa kaloob-looban ko.

Binigyan nito ako ng isang simpleng ngiti at nagrigodon ang aking puso. Lumabas ang malalalim nitong biloy at mas lalo itong naging kaakit-akit.

Lalo naman akong nahiya sa mga negatibong pumapasok sa aking isip.

Lumunok ulit ako at ng bumalik ito sa pagkakaupo, medyo nagdadalawang-isip pa akong idinantay ang aking magaspang na palad sa balikat nitong napakasolid na puro yata masel.

Medyo napakislot ito ng dumaiti ang aking palad sa makinis nitong balat.

"Okay kalang po, Sir?" alarmang tanong ko.

Baka kasi nakaramdam din ito ng kuryente.

"Okay lang," medyo mahinang sabi nito sabay sandal sa kinauupuan nito. "Sige, ituloy mo. Masarap sa pakiramdam," sabi nito at kahit ilang man, pikit mata ko nalang itong minasahe.

Ang init ng balat nito tsaka matigas.

Minasahe ko ito, pilit iniignora ang magandang pangangatawan nito.

Naranasan ko naman ng nagmasahe. Pag sinasalakay ng sakit na rayuma ni nanay, minamasahe ko ang mga binti nito. Ang pagkakaiba lang nila ni nanay, parang bakal ang katawan nito, samantalang kay nanay ay parang gamit na gamit nang dede.

Mayamaya pa'y nakakarinig na ako ng mahihinang ungol na nanggagaling sa kanya at parang gusto ko ng tapusin ang ginagawa ko. Pero parang wala rin lang naman sa kanya. Siguro ako lang ang nag-iisip ng masama.

"My whole body hurts," mahinang ungol nito pagkatapos ng ilang minuto.

Napatigil ako sa pagmasahe sa balikat nito. Medyo mahirap pa naman padaanin ang palad ko dahil malagkit na ito, dapat kasi may langis eh.

"Would you mind continuing it in my room?" Sabi nito at sumikdo ang aking dibdib.

Nang tingnan ko naman ito, naisip ko, ako lang yata nag-iisip ng masama. Sa guwapo niyang iyan, hindi na niya kailangang manggahasa.

"It's okay if you are tired, Angge. Just let me know," sabi nito sabay tayo.

Syempre, bago lang ako, kailangang kunin ko ang loob ni Sir. Sayang ang forty thousand.

"Ay hinde Sir!" biglang sagot ko, baka kasi magbago ang isip nito at kumuha nalang ng iba.

Wag ng mag-inarte, Angge. Kung sakali mang may hindi siyang magandang motibo sayo, guwapo naman siya at mayaman. Keri na!

Billionaire's Den (Black Omega Psi Series 4)Where stories live. Discover now