Chapter 9: Ghosted

847 50 3
                                    

Tagalog Synonyms:

Balagat - clavicle, collarbone

.........

Angge's POV

Anong nangyayari?

Katapusan naba ng mundo?

Kanina lang, ang malakas at nakakarinding ingay ng pagkapunit ng aking pantalon at tila pa iyon slow motion at tila tumigil ang mundo, o ang aking paghinga ang aking naaalala. Pagkatapos, bigla nalang nasa mall na kami at hawak pa nito ang aking kamay na tila may ugnayan kami.

Na boyfriend ko ito kung makaakto.

Nananaginip lang ba ako?

Para parin akong nililipad sa bilis ng pangyayari. 

Hindi ko alam kung dapat ba akong masaya, pero hindi ko mapigilang kiligin. Hindi ko pa naranasang itrato ako ng ganito ng isang lalake.

At ang aking boss pa.

Gwapo at mayaman.

Ang kalahating parte ng aking isipan ay natatakot dahil alam kong hindi imposibleng mahulog ako sa aking boss kung palaging ganito siya kabait.

Sana'y palagi nalang itong masungit.

Iniiwasan kong mapatingin kay kuya Domeng. At sa isiping baka akalain ng mga ito na iba ang aking tinatrabaho sa aking amo, nag-init ang aking mukha at buong katawan sa kahihiyang unti-unting tumutupok sa aking katauhan.

Bakit ka mahihiya, Angge? Wala kang ginagawang masama! Pagkakastigo ko sa aking sarili.

Hindi ko na napansin na tumigil na pala ang sasakyan sa harap ng bahay ni boss Kristoff.

Agad itong bumaba at mabilis naman akong umibis ng sasakayn, saka kinuha mula kay kuya Domeng ang mga bag na pinaglalamanan ng mga pinamili ko. 

Ko, dahil babayaran ko ito sa kanya.

Iniwasan kong salubungin ang mga mata ni kuya, kahit na walang bahid panghuhusga.

"Ingat," tanging turan nito sa tinig na ako lang ang nakakarinig. At hindi ko siya masisisi. Alam kong ang tipo ng aking boss na marami itong mga babaeng pinaiyak. 

Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid sabay iwas agad ng tingin.

Naunang pumasok sa loob si boss at nagpahuli ako. Naramdaman siguro nitong nagpahuli talaga ako, at umiwas na mapalapit sa kanya.

Nararamdaman ko ang tingin ni kuya sa amin, at ayaw ko ring mag-isip ang mga katulong niya sa kanyang bahay na sinasamantala ko ang kabaitan ni boss Kristoff.

Pagkapasok ko sa loob, napatigil ako ng marinig ko ang boses ng isang babae.

Malambing iyon at nakakahalina sa pandinig. 

"Hi, Handsome! Glad you're home. I've been calling you," sabi nito, at kung bakit tila parang may sumakmal sa aking dibdib. Naninikip ito. At ng patakbong sinalubong ng babae at napag-alaman kong si Jillian, iniwasan kong mapatingin sa kanila.

Agad akong dumiretso sa hagdanan ng hindi sila nililingon.

Ramdam na ramdam ko ang mga matang nakasunod sa akin, pero hindi ako nagtangkang sulyapan ang dalawa.

Bitbit ang mga pinamili ni Boss Kristoff, dumiretso ako sa kwartong nakalaan sa akin.

Malaki iyon at may malaki ring kama. At sobrang malambot. 

Ngunit sa oras na iyon, hindi ko mapahalagahan ang kalambutan at bango ng kama.

Agad kong isinubsob ang aking mukha sa unan, at wala narin akong pakialam na itinapon nalang sa isang gilid ang mga bag. Kung bakit naninikip ang aking dibdib at gusto kong umiyak.

Billionaire's Den (Black Omega Psi Series 4)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin