Chapter 14: Duda at pangamba

990 39 4
                                    

Warning: Mature content po. Please be warned.

Angge's POV

"Aanhin ko lahat ng mga damit na ito?" tanong ko kay Kristoff. Pangalawang araw na naming walang kasama sa bahay.

Araw-araw may dumarating na mga damit at lahat ng mga iyon ay pamilyar sa akin. Lahat ng mga damit na ito ay aking sinubukan ng dinala niya ako sa mall.

Punung-puno na ang closet ko na dati'y pwede akong matulog sa loob dahil sa laki ng espasyo. 

Ngayon, halos hindi na ito makahinga dahil sa dami. At nagsisiksikan na ang mga hanger. Ang iba pa nga, inilagay ni Kristoff sa loob ng walk-in closet niya. 

"E di gamitin mo? Tsaka huwag kang mag-alala, siguradong ang iba diyan minsan mo lang magamit?" nakangising saad nito at may kalokohang kumikislap sa mga mata nito.

Napailing nalang ako.

"Ang mamahal ng mga ito kung minsan ko lang gamitin," turan ko, saka muling pinaraanan ng aking palad ang mga mamahaling damit. Iba't-ibang kulay at kaakit-akit.

Ang aking isip ay muling naglayag sa mga panahong halos hindi ako makabili ng aking panloob. 

Ang aking tatlong pantalon na ilang taong ginamit ko ay halos hindi ko labhan upang tumagal lang ito dahil mas may importanteng bagay kaming pinaggagastahan.

Nawala ang ngiti sa aking labi, at muli'y dumaan ang lungkot sa aking puso. Dati-rati, naninibugho ako tuwing nakikita ko ang aking mga kaklase na laging may bagong damit. At lahat nagpapaligsahan ng ganda at kung sino ang laging may bagong gamit.

Ngayon, kaya ko naring makabili ng gamit. 

Hindi mo binili ang mga iyan, Angge. Binigay sa iyo. Pagpapa-alala ng isang bahagi ng aking isipan.

"Hindi binigay iyan. Bayad iyan ng bawat paggamit niya ng iyong katawan." Pagkaklaro ng kabilang bahagi ng aking utak. At muli, nag-init ang aking mga pisngi dahil sa paggapang ng kahihiyan mula sa aking mukha at dumaloy sa bawat parte ng aking katawan. 

Magkakahalong pangamba, takot, at kahihiyan ang pumuno sa aking dibdib, ngunit hindi ko makapa ang pagsising binigay ko ang aking sarili sa kanya.

Sabi nga ni bakla, swerte ko raw dahil ang nakauna sa akin ay alam ang ginagawa at pareho kaming nasiyahan. Ngunit, hindi parin nawawala ang pangamba sa aking dibdib.

At tuwina'y, tila may anghel at demonyo sa magkabilang bahagi ng isip ko at nagdedebate.

"Hindi ka niya ginagamit. Katipan ka niya. Mahal mo siya." Pagprotesta ng kabila.

"Mahal kaba niya?" balik ng kabilang isip ko.

Pumikit ako ng mariin. Ang aking isipan ay may malaking pagdududa pero lagi kong iniignora dahil sa aking puso alam kong may halaga ako sa kanya.

Sabi nga ng kaibigan ko, wala daw iyon sa salita. Nasa gawa.

At lahat ng pinapakita ni Kristoff sa akin ay larawan ng totoong nararamdaman nito sa akin.

Lagi itong nag-aalala sa akin. 

Iyon ang gusto kong paniwalaan. At iyon ang itinatak ko sa aking isipan. Dahil iyon ang gustong paniwalaan ng aking puso. 

Naramdaman ko ang matitigas na bisig nitong pumulupot sa aking beywang, saka ako hinalik-halikan sa leeg. "Anong iniisip mo?" malambing nitong tanong at lahat ng pangamba sa aking puso't isipan ay nawala. 

"Wala," mahinang sagot ko, ngunit walang kabuhay-buhay ang tinig ko.

"Alam kong mayroon, babe. Bigla ka nalang nalungkot? Miss mo na ba ang nanay at kapatid mo?" tanong nito, at saka ako hinawakan sa magkabilang bisig at unti-unting inikot upang magkaharap kami. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Billionaire's Den (Black Omega Psi Series 4)Where stories live. Discover now