Dos

259 26 0
                                    

Klay's POV

"Hindi ko kineri ang pop quiz kanina vebs tapos ganun pa ang iqui-quiz 'yung hindi naman diniscuss parang timang din si Mr. Alvaro" inis kong bunyi, paano ba naman kasi grabe mag pa pop quiz. Umay

"Hayaan mo na ang mahalaga ikaw ang mataas ang nakuha" pang comfort na saad sa akin ni Jp.

"Gaga highest nga pero 1 lang nakuha ko gaga nito!" ya as in 1 lang nakuha ko the rest 0 na HAHAHA well ayos na.

"Ano g sa canteen?" pag aya ni Jp.

"GO!!" wika ko.

Kaya naman nagawi na kami sa Canteen at sakto lang ang tao kasi katatapos lang mag recess ng mga 1st to 3rd year eh kaming mga 4th year iba ang time ng recess namin sa kanila. Cream Donut and Soda lang ang kinuha ko tapos si Jp naman ayun as always dalawang burger at isang coke. Si John Paul naging kaibigan ko simula 1st year ako rito sa Green Hills University. Well hanggang ngayon naman partners in crime kaya kami. Si Jp straight guy siya as in straight pa sa straight itong damuho na ito wala namang kaso sa akin kasi wala naman akong feelings sa kanya. Ewan ko lang siya HAHAH hindi naman sa pag ooverthink pero kung itrato niya ako parang jowa niya e like alam niyo 'yung boyfriend material? ay mali husband material pala parang siya na as in. Pero sa totoo lang ni 1% wala akong nararandaman sa kanya sa true lang.

"Naka titig ka nanaman sa gwapo kung mukha hays, naiinlove ka na ba sa akin?" pag basag nito, ya naka tingin naman kasi ako sa kanya.

"Sira, tinitignan ko lang kulay ng mga mata mo" sabi ko

"Aysus palusot ka pa alam ko namang na gwagwapuhan ka na sa akin sa gwapo, sa kisig, sa mala tsokolate kong mga mata, sa kulot kong buhok, sa tangkad ko, sa~~" natigilan siya sa sinasabi niya dahil sumagot agad ako. Nakaka hiya kasi sa sabi niyang sa Gwapo at Kisig niya nag pose siya habang naka tayo sa upuan niya. Tapos sa Tsokolate niyang mata nilakihan niya mata niya. Sa kulot niyang buhok inayos pa niya tapos sa tangkad niya tumayo pa ng maayos.

"Sa payat mong iyan at sa sobrang hangin mo liliparin kana kaya kumapit ka sa lamesa daliii" pang aasar ko sa kanya. Hindi naman na sobrang layat ni Jp alam niyo 'yung sa saktuhan lang ganun ba.

"Aray ah!" reaksyon niya sabay upo sa kinauupuan niya na sa tapat ko.

"Nga pala alam mo na bang mag vovote na tayo later para sa homeroom officers?" wika ni Jp

"Ya, why??" saad ko

Kita ko naman na napangiti si Jp na tila ba't may binabalak na kung ano. Natapos na kaming mag Recess kaya naman pumasok na kami sa room namin na kung saan kami nalang pala ang hinihintay para makapag simula na. Nag umpisa na kami sa pag boto kung sino ang ilalahad namin na Presidente at nanalo si Joaquin sumunod VP at ang nanalo si Skyla. Hanggang sa nasa Muse na kami bigla namang nag taas ng kamay si Jp.

"I nominate Klay for our Muse" mahinahon na saad ni Jp. Kinang ina mo Jp 'yan pala ang balak mo ah humanda ka sa akin alam niya naman na ayaw ko sa mga ganito e.

"Aguyy, We second the motion, we closed the nomination!" tila sira ang mga kakklase ko na sabay sabay pa talaga sila. Wala na ako na tuloy ang Muse hays.

Tapos ang Adonis si Mark na tahimik lang. Kaya naman ang mga nai-halal na mga officers ay pinatawag sa harap at mag picture picture raw.

President: Joaquin Suarez
VP: Skyla Domingo
Secretary: Jacob Sabado
Treasurer: Ernie Gaco
Auditor: Nora Quezon
P.I.O: Angel Fedid
P.O:John Paul Vera
Muse: Klay Lopez
Adonis: Mark Sarmiento

Kaya naman kaming mga na ihalal na Officers ay dapat panagutan ang mga posisyon naman. Madali lang naman ang muse HAHAH tamang paganda lang mga sis. Pero si Jp nasa P.O. e siya nga ang pasimuno nag gulo minsan jusko. Bahala siya riyan. Matapos ang picture picture ay Vacant naman kaya naman ayun tamang Nap time na muna itinali ko na muna buhok ko sabay inilagay ko ang salamin ko sa bulsa ng blouse ko.

John Paul's POV

"Ganda talaga 'yan ang definition ng Sleeping Beauty" wika ko.

"Aysus na iin love nanaman ang Jp niyo sa bff niya" rinig kong pang asar ni Heart na nasa likod ko

"Tarantado hindi nabibighani lang ako sa ganda niya no" saad ko dahil sa totoo naman e ang ganda niya 'yung tipong hindi mo mahahalata na isang Trans si Klay mas babae pa sa babae ang datingan niya e.

"Ganyan din kaya ako ka ganda kapag natutulog no" saad ni Heart

"Sira mag ka iba kayo ng ganda kapag natutulog, Si Klay kapag natutulog ang tawag dun Sleeping Beauty, ikaw kapag natutulog ka ang tawag dun Sleeping Chaka kaya mag hulus dili ka ang ka iba kayo ng girl best friend ko no" pang aasar ko

"Ahhhh!" sigaw ko dahil sa piningutan ako ni Heart "Oo na Sleeping Beauty ka rin biro lang naman e" pambawi ko sa sinabi ko kanina.

Lumabas na muna ako para bumili ng makakain ko dahil sa nagugutom nanaman ako well lagi naman e. Pag baba ng sa hagdan nakita ko si Dean na may kasamang mga tao ewan ko pero pansin ko sa isang kasama niyang lalaki e naka suot siya ng uniform namin baka transferree binati ko ng magandang umaga si Dean sabay bumaba na ako ng tuluyan. Nasa Canteen na ako at bumibili ng C2 ant Piattos ng makita ko ang mga gummy bears na nasa isang pack kaya binili ko para kay Klay favorite niya kasi ito. Like comfort food niya ba ganun. Binili ko na sabay pumunta na ng room namin at nakita ko nag chichismisan ang mga kakklase ko sa tabing room namin ewan ko kung bakit. Kaya naman nakita kong gising na si Klay kaya binigay ko na ang mga gummies niya.

"Ayownnn! salamattt" wika niya sabay bigay sa akin ng masayang ngiti.

"Naks wala 'yon tsaka nung nakita ko 'yan e ikaw na alala ko HAHAHA, eat well" saad ko

"Ang pogi niya no?" saad ni Alex na nakita ki nakiki chismis kanina.

"Klay nakita mo na'yunh bagong transferree?" tanong ni Alex

"Hindi pa e tsaka ano naman kung Gwapo? ano ba ang name niya?" tanong naman ni Klay

"Ivan ang name pero hindi ko alam ang surname" saad ni Alex

"Chua!" sigaw ni James

Siya siguro 'yung nakasalubong ko kanina sa hagdan na kasama ni Dean. Ivan Chua pala ang pangalan.

"Ah ok, Nung pake ko HAHAHAHA transferree lang naman e" saad ni Klay sabay nginunguya ang binili kong gummies.

"Mas pogi naman ang Boy best friend ko e!" saad nito sabay akbay sa akin

Ewan ko kung bakit tila napa ngiti ako sa sinabi niya tapos parang nag karoon ang ng butterfly in my stomach. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

*tug *tug *tug *tug *tug

_____________________________________________

📍Press the '☆' below if you like this chapter and mag comment na rin kayo para malaman ko ang mga thoughts niyo about this story siyempre EXPECTS some ERRORS, i'm still learning palang kasi and don't forget to FOLLOW me to easily received an updates. ENJOY READING<3.

~yuriiiverse

TRANS SERIES ll: Ikaw at Ikaw [TransxMan]Where stories live. Discover now