Disisais

44 4 0
                                    

Klay's POV

"Anne!" pag tawag ko sa kapatid ko.

Pag baba ko ng hagdan nakita ko siya na masama si Mama na nanonood sa sala.

"Oh wala kayong OJT ngayon?" bungad na tanong ni mama sa akin.

"Hello Ma, Special Non Working Holiday ngayon no so wala talaga" sagot ko kay mama sabay bukas ng ref at kinuha ang gatas na iinumin ko.

"Mars!" rinig kong boses na mula sa labas ng bahay.

Si Tita Marie lang pala. Wala siguro siyang trabaho abroad kaya napa rito siya.

"Klay, Anne!" pag tawag niya sa amin. Kaya naman lumapit na ako at nag mano nalang samantalang si Anne siya nalang ang bumeso nakaka hiya naman na bumeso bagong gising lang ako eh.

Katatapos ko lang mag mumog at ayun nag timpla na ako ng gatas na iinumin ko tapos nag lagay nalang ako ng dalwang pirasong tinapay sa toaster. Habang hinihintay ko na umangat ang tinapay sa toaster ka chat ko si Ivan na inaaya akong lumabas mamayang 10 para mag date pumayag naman ako 8 am palang naman eh.

"Nga pala Klay ito para sa'yo Gucci 'yan kaha mahal 'yan!" pag sabi ni tita sa akin sabay bigay ng paper bag.

"Hala si tita nag abala pa sana dinalawa niyo na ay hala biro lang pero salamat po!" pag sabi ko kay Tita sabay beso na.

"Tsaka pinapasabi ni Ivan na lalabas daw kayo mamayang 10" sabi nito.

"Opo nasabi niya na po sa akin" sagot ko.

"Ay siya nga pala Klay, kumusta naman ang OJT mo saan ka pa nag oojt ngayon?" tanong ni Tita sa akin.

"Diyan po sa may C Company, 'yung one time big time na Company po shala nga eh dun pa kami nag ojt" sagot ko sa kanya.

Napatingin nalang ako kay Tita na tila namutla siya tapos nakatingin nalang sa akin.

"Anyare sa'yo Marie? ano bang meron sa C Company?" tanong ni Mama.

"Wala naman nabalitaan ko lang na basta, pero Klay mag iingat ka nalang sa mga tao ron ako na nag sasabi sa'yo mga mapanakit sila" saad ni Tita.

Binigyan ko nalang ng isamg tango at ngiti si Tita kasi hindi ko naman alam pinag sasasabi niya mag ingat? eh ang babait nga nila sa mga ojt na gaya ko eh. Ano bang meron?

Natapos ko na ang almusal ko kaya naman nag laba nalang muna ako ng mga marurumi kong damit.

Ivan's POV

"Hello?!" sagot ko sa tawag.

"Is this Ivan Chua?" tanong ng boses sa kabilang linya.

"Who's this?" tanong ko.

"Son..." i froze when i heard he called me Son.

Agad kong pinindot ang end call dahil sa ayoko ng makarinig ng kahit anong salita na nag mumula sa kanya. Fuck.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at ayos na ang suot ko ngayon nag pabago na ako at lumabas na ako ng kwarto ko. I saw manang Aida cleaning the livung room.

"Manang mauuna na po ako" wika ko kay manang sabay kuha ng susi ng motor ko sa may lamesita.

"Mag iingat ka sa pag mamaneho iho" saad nito sa akin.

Binuksan ko na ang gate at inilabas ko na ang motor ko. Si manang na nag nag sara at ako naman ay umalis na patungo sa bahay nila Klay. Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila bumusina na ako at ilang sandali pa lumabas na si Klay na naka suot ng Demin Pants tapos 'yung Butterfly top na binigay ni mama. Shett.

TRANS SERIES ll: Ikaw at Ikaw [TransxMan]Where stories live. Discover now