Disisyete

31 7 2
                                    

Third Person's POV

"Ay hala totoo po ba?" mahinang bulong ni Klay kay Aling Imelda.

"Oo iha kaya mag isip ka na ng pwede mong iregalo" bulong din ni Imelda sa dalaga.

"Anong pinag bubulungan niyo?" wika ng binatang si Ivan habang pababa ng hagdan nito.

"Nothing much, ano tara na?" pag aya ni Klay sa binatana.

Bukas, April 18 kaarawan ng binatang si Ivan kung saan mag dadalawangput lima na ang binata. Ngayon patungo ang mag kasintahan sa Sacred Heart kung saan nag oojt si Ivan samantalang si Klay naman ay walang pasok sa kadahilanang may inaayos sa kompanya at lahat ng intern hindi pwede pumasok sa araw na 'to. Kaya naman napag desisyonan ni Ivan na isama si Klay kung saan ito nag oojt. Isang oras ang byahe nila at kasama na nila si Jester na kung saan dinaanan nila kanina.

"Naku Klay sinasabi ko na sa'yo marami kang kaagaw kay Ivan mamaya" wika ni Jester sabay patong ng kamay sa salamin ng sasakyan at tingin sa kanya.

"Marami lang ah anong magagawa nila eh ako ang pinili ni Ivan kaya i feel bad for them HAHAHA" pang aasar na sabi ni Klay sabay tingin sa rear mirror.

Nakarating na sila sa Sacred Heart ngayon ay kasama na nila si Klay na nag lalakad sa hallway at pinag titinginan sila ng mga tao. Si Ivan ay nasa left side si Klay ay nasa gitna samantalang si Jester ay nasa right side.

"Dami naman palang tao" wika ni Klay sabay lagay ng kamay sa likod.

"Mas marami kapag gabi" sagot ni Jester.

Pumasok sa sila sa ojt room kung saan ang kwarto nila. Pag pasok nilang tatlo may iilang mga trainee na rin ang nasa loob.

"Bagong trainee?" tanong ng babae na naka green na damit.

"Nope" malamig na tono ni Ivan.

"Then who's she?" sabi ng isang gay men na kasama nila sa room.

"Girlfri--" hindi natapos ang sinabi ni Jester ng sumagot si Ivan.

"She's my wife!" sabay sara ng locker nito.

"Hiii!" tanging sabi nalang ni Klay sa hiya niya sabay kaway.

"Tara sa labas?" aya ni Ivan sa kanya.

Lumabas ang dalawa at iniwan nila si Jester sa ojt room. Nag lakad ang dalawa kung saan nakarating sila sa nurse station.

"Sakto Ivan papunta palang ako sana sa room niyo pwedeng ikaw na muna ang mag check ng mga patient sa room 106? busy lang ako!" wika ng babaeng nurse.

"Yeah sure give me the list" sagot ni Ivan.

Kaya naman inabot na ng nurse ang list sabay kiss kay Ivan sa pisnge kaya naman nagulat si Klay sa nakita nito. Samantalang ang nurse na humalik kay Ivan nagulat din dahil nakita niya sj Klay na nasa likuran ni Ivan.

"Sino siya?" tanong ng nurse.

"My wife!" malamig na sagot ni Ivan sabay punas ng pisnge nito kung saan humalik ang babaeng nurse.

TRANS SERIES ll: Ikaw at Ikaw [TransxMan]Where stories live. Discover now