Nwebe

106 15 3
                                    

Ivan's POV

"Hmm.." impit na ungol ko

Bumangon na ako sa kinahihigaan ko para ako'y maka ligo na maaga pa naman pasadong Ala Sais palang ng umaga at Alas Otso ang klase ko. Naging mabuti na rin ang makiparamdam ko salamat sa maalaga kong nurse na si Klay nung nakaraang Miyerkules kasi meron akong trangkaso tapos siya ang nag alaga sa akin non wala si Nay Imelda nun nung nag kasakit ako sumunod siya kay Mama kasi kailangan siya nun . Bumaba na ako para mag almusal at nakita ko si Nay  Imelda na nag luluto ng umagahan naming dalawa.

Ako'y naupo na sa hapag kainan matapos kong mag timpla ng kape ko. Nang biglang may mag tao po kaya sabi ko kay Nay Imelda na ako na ang titingin kung sino kaya naman lumabas na ako at pag bukas ko ng gate si Tita Susana lang pala ang Mama ni Klay. Kaya naman pinapasok ko na siya at inaya na mag kape kaso tumanggi ito katatapos niya lang daw.

"Napa rito po kayo Tita?" ang tanong ko sa kanya. Sabay pina upo sa sofa.

"Ku-kumustahin sana kita iho dahil sa nung nakaraan nag ka trangkaso ka" wika ni Tita.

Si Nay Imelda naman ay may inilagay na Tinapay at juice sa lemisita sa gitna nating dalawa ni Tita.

"Ayos na po ako Tita 'wag na kayong mag alala, tsaka maalaga naman 'yung nag alaga sa akin nun e" biro ko.

"Sus, ay nga pala favor lang sana iho" saad ni Tita.

"Sure ano po 'yon?" tanong ko

"Kaarawan ni Klay ngayon at kung maaari sana eh 'wag muna kayong umuwi ng maaga ang balita ko kasi half day lang kayo eh kaya sana kung maaari libangin mo muna si Klay habang ako eh nag hahanda sa bahay surpresa ba kung baga" saad ni Tita.

Kaya naman napatingin ako sa cellphone ko at tinignan ko ang date January 22 pala ngayon so July ang birthday ni Klay.

"Sure Tita, just leave it to me nalang ako ng bahala kay Klay" pag payag ko.

Napa haba-haba na rin ang kwentuhan namin ni Tita at na una na siyang nag pa alam. Kaya naman ako pag ka alis ni Tita ay naligo na ako dahil sa papasok pa ako. Napag kwentuhan lang namin ni Tita ang mga gagawin niya sumama na rin si Nay Imelda sa pag tulong sa pag luluto sa handa ni Klay. Ngayon ay aalis na ako at nag pa alam na kay Nay Imelda at sa Motor nalang ang gagamitin ko pag pasok ng school. Kaya binuksan na ni Nay ang gate para maka labas na ako at maka alis na rin.

Habang pinapa init ko ang motor nakita ko si Klay na kaliliko lang sa kanto at mukhang nag aabang ng masasakyan kaya naman pinuntahan ko na siya.

"Hop on" wika ko

" 'Wag na nakaka hiya" wika niya

Kita ko sa mukha niya na parang nag tatampo ito. Hindi ko naman na masisisi kasi nasa plano ni Tita na hindi niya batiin at mamaya nalang.

"Sige na" ikli kong bansag

Kaya naman naka sakay na siya at sinabi ko na kumapit siya kaya naman kumapit nga pero sa likod naman.

"Sa akin ka kumapit para mas safe at hindi ka mahulog" saad ko habang nag mamaneho

"Hindi na mas safe kapag dito ako kumapit" saad niya

TRANS SERIES ll: Ikaw at Ikaw [TransxMan]Where stories live. Discover now