Tres

179 22 0
                                    


Klay's POV

"Madeerrr naka uwi na akoo!" sabi ko sabay pasok ng bahay. Kaso wala palang tao may nakita akong piraso ng papel na nasa lamesa sa sala kaya binasa ko ito. Namalengke lang pala sila mama kasama si Anne.

Kaya naman gumawi na ako sa kwarto ko at nag palit na ng damit dahil sa pawisan ako. Pag katapos e lumabas na ng kwarto para makapanood ng tv. Kaso pag labas ko ng kwarto ko may nag tatao po sa labas kaya naman nilabas ko na muna saglit para malaman kung anong naparito nila.

"Yes po?" malumanay kong tanong. Kita ko ang isang babae na ka edaran ni mama maputi siya tapos naka terno na sunflower ang suot na damit. Tapos may hawak itong parang tray na ewan ko kung anong laman naka takip kasi e

"Naka tira pa ba sila Susana riyan?" tanong nito. Hinahanap nila si Mama?

"Wala po si mama rito namalengke po, bakit ho kasi?" tanong ko

"Mama?" pag tataka nito

"Ang alam ko walang anak na babae si Susana..." Curious niyang batid

"Marieeee!!" rinig kong wika ni mama na pababa ng tricycle. Kaya naman sinalubong ko na siya habang kinuha ang mga pina malengke niya. Bago ako pumasok kasama si Anne nakita ko na nag beso beso pa sila.

Dinala ko na sa Kusina ang mga pinamile ni mama tapos si Anne ayun nasa sala dahil tinawag ni Mama. Sino ba 'yung babaeng 'yon at tila ba e ang tagal na nilang hindi nag kita. Jusme at baka rito pa kumain ay jusko bahala kayo mag hugas.

"Klayy!" rinig kong tawag sa akin ni mama. Kaya naman napatayo ako sa kina uupuan ko sa kusina habang nag seselpon.

"Bakit ma?" tanong ko. Kita ko naman na hinead to toe ako ng babae na kasama ni Mama. Jusko ano lalaitin mo pa ako? Ay 'te mali ka ng bingga mo.

"Siya na ba si Clyde?" gulat na reaksyon nung babae at talagang sa totoo ko pang pangalan ako tinawag nito ah aba sino ka ba?

"Kilala po ninyo ako? at ano po call me Klay nalang po mas prefer ko po 'yon" pag papakilala ko sabay bigla nito akong niyakap.

"Aba'y dalagang dalaga ka na ah iho este iha, kamukhang kamukha mo ang iyong inay nung kabataan niya. Jusko ka nagulat ako sa'yo Klay ang laki na ng pinag bago mo literal na malaki mas malaki pa ata 'yan kesa sa akin ah" wika nito sabay turo ng mga mata niya sa dibdib ko.

"Ah eh ewan ko po hehe" mahiya kong batid.

"Si Marie 'yan nak, 'yung sinasabi mo kahapon na umuwi na sila ang pamilya Chua sa tapat ng bahay nila aling Nenita." saad ni mama

"Ah kayo pala ang sinasabi ni mama na si Aling Marie, nice to meet you po" pag saad ko.

"Tao po~" rinig naming apat na nasa loob ng sala na may tao sa labas.

"Hala sige ayan na 'yung anak ko pupuntahan ko lang" saad ni Aling Marie.

Kaya naman lumabas ito para salubungin ang anak niya.  Bigla namang tumayo si mama at tumabi sa akin sabay bumulong.

"Makikilala mo na 'yung bff slash fiance mo nak" wika ni mama.

"HUH!?" gulat kong reaksyon.

Nakita ko na naunang pumasok si Tita Marie pero biglang kumati ang mata ko kaya inalis ko muna ang suot kong salamin sabay kamot sa mata ko pag katapos ay isinuot ko na ang salamin ko sabay pumasok ang isang lalaki na naka suot ng puting top tapos black cargo pants then may dalang bouquet ng bulaklak na mix flowers. Kung pag mamasdan mo 'yung lalaki may piercing ito sa isang tenga niya malinis ang mukha, maputi ang kulay ng kutis, singkit ang mga mata tapos saktuhan ang hugis ng mukha. Teka siya ba 'yung sinasabi ni mama na bff slash fiance ko?

"Nak, tikom mo bibig mo" rinig kong bulong ni mama. Napag tanto ko na naka nganga na pala ako ng slight lang. Pinaupo na ni mama sila tita tapos ako pinakuha ni mama ng tubig tapos 'yung pinamili niyang makakain kanina sa palengke.

Matapos kong makuha e inilagay ko na sa lamesa na kung saan ay nasa tapat namin parehas. Aalis na sana ako kaso pinigilan ako ni mama.

"Ikaw na ba si Vannie iho?" tanong ni mama nagulat ako Bunny? kuneho? ano raw?

"Ah ako na nga ho, tita" saad niya sabay nag kamot ng batok nito.

"Naks ang laki na rin pala ng pinag bago mo Vannie binatang binata ka na" pag puri ni mama sa lalaking naka ni Tita Marie

Nakita ko naman na sinisiko ni Tita Marie ang anak nito na tila may gustong iparating.

"Ah Ivan Chua pala" wika nito sabay abot sa akin nung bulaklak na dala niya. Teka ako?

"Klay"  ikli kong batid sabay abot ng bulaklak niyang ibibigay "Salamat" dugtong ko pa.

"Ma, bakit si kuyang pogi may parehas na balat sa right hand? diba may ganung balat din si Aya sa left hand?" daldal na saad ni Anne

Kaya naman ay tinignan ko ang Right na kamay nito at meron nga ang sa akin kasi sa left arm ko e may kalahating puso na marka tapos itong sa kanya naman e sa right arm niya ganun din ang marka.

"Ah eto meron na sa akin ito nung bata palang ako i think when i was 5" wika niya na hindi pa ata niya sure HAHAHA

"Ano ka ba ikaw ang may dahilan ng balat na iyan kasi nung nag laro karo ni Klay nuon sa likod ng bahay ay pinakaelaman niyo 'yung isang bagay dun na hindi ko na mawari kung ano at ayan ang resulta parehas kayong may peklat pero kapag mag hoholding hands kayo tignan niyo kung anong ma bubuo" saad ni tita Marie

Kinuha ni mama 'yung kamay ko na may peklat tapos kinuha rin ni tita Marie ang kamay ng anak niya na may peklat tapos pinag hawak kamay kami't ayun isang heart shape ang lumabas. Pero sa pag kaka hawak kamay namin e saglitan akong may naramdaman na tila isang kuryente na dumaloy sa mga ugat ng katawan ko patungo sa puso ko. Hindi ko mawari kung ano 'yon.

Matapos ang mahabang kwentuhan na naganap sa bahay ay ayan dito na rin sila kumain ng hapunan. 6:30 nang mag simula kami kumain at natapos kami ng mga 7:15 nalaman ko na sa Green Hills University si Ivan na papasok. At kanina ko lang na realized na siya pala ang tinutukoy nila Alex at James kanina jusme. Hindi naman sila nag ka mali pogi nga talaga itong si Ivan. At Medical Doctor ang course niya and sa China nga sila tumira ewan ko habang kumakain kaming lima sila mama at tita inuungkat ang nakaraan namin ni Ivan na hindi ko naman matandaan ewan ko lang siya kung natatandaan niya. Sinabi pa ni mama na nag Propose kaming dalawa ni Ivan sa isa't isa tapos sa kwintas kami nag sumpaan nakita ko na parehas nga kami ng kwintas ni Ivan.

At hindi lang 'yon dahil si Ivan pala e isang Ramp Way Model sa China. Nagulat ako nung sinabi ni tita 'yon edi sikat siya kung gayon. Sanaol Sikat.

Umuwi na sila tita at ako naman ngayon nasa kwarto ko nag seselpon dahil sa pagod sa chismisan na naganap. Dahil sa curious ako kung sino talaga itong si Ivan Chua sinearch ko sa fb ang ngalan niya.

_____________________________________________

📍Press the '☆' below if you like this chapter and mag comment na rin kayo para malaman ko ang mga thoughts niyo about this story siyempre EXPECTS some ERRORS, i'm still learning palang kasi and don't forget to FOLLOW me to easily received an updates. ENJOY READING<3.

~yuriiiverse

TRANS SERIES ll: Ikaw at Ikaw [TransxMan]Where stories live. Discover now