Katorse

78 10 3
                                    

Third Person's POV

"Anne gising na!" pag gising ni Klay sa kapatid nito.

"Hmm, limang minuto pa po Aya" sabi ni Anne sa Aya niya.

"Ay sige pero hindi ko na ibibigay ang regalo mo ah" biro ni Klay sa kapatid.

"Joke lang Aya!, ito na po gising na gising na!" masiglang sabi ni Anne.

Ngayon kaarawan ni Anne. Anim na taong gulang na ito at ngayon ay gugunitain nila itong mag kakamag-anak sa isang beach resort. Ang unang plano nila ay mag hahanda nalang sila sa bahay nila kaso ang mga tita nito ay nag insist sa isang beach resort nalang.

"Gising na ba ang Birthday Girl?" sabi ng Mama nila Klay ay Anne.

"Happy Birthday anak!" bati nito sa anak na bunso.

Bigla namang dumating ang mga kaibigan ni Klay na may dala na kanya kanyang bag at mga nasa bilao. Si Jester may dalang isang bilaong Puto Cheese, samantalang ang mag kasintahan na sila Jp at Tine ay may dalang isang bilao na Palabok. Sa hindi katagalan na oras dumating na ang tita at tito ni Anne na kapatid ng yumao nitong Ama.

"Asan na ang Birthday Girl?" tanong ni Antonia na panaganay sa mag kakapatid.

"Titaaa!" masayang bati ng Bata sa tita nito.

"Happy Birthday Little Princess" sagot ng tita nito.

"Happy Birthday Anne!" bati ng tito nitong si Anton.

"Tita, Tito!" masayang bati ni Klay sa kanila habang pababa na ng hagdan dala ang mga gamit nito.

"Klay iha jusko ang ganda at ang fresh mo ngayon ah!" bati ng tita niyang si Antonia.

"Naku Tita nambola pa" sagot ni Klay sa tita nito.

"Sabihin mo iha may kasintahan ka na ba? aba'y kung wala pa eh may ipapakilala ako sa'yo, Matipuno, Makisig, Mabait at higit sa lahat may lahi" sabi ng Tito niyang si Anton.

"Naku 'yang si Klay ewan ko ba hanggang ngayon hindi pa nag kakaroon ng kasintahan maski 'yung kababa niyang Ivan na halatang may gusto sa kanya hindi niya tipo." sambit ng nanay ni Klay.

"Speaking of the devil" sabay-sabay na wika ng mag ka-kaibigan na sina Jester, Jp at si Tine.

"Ang totoo po niyan meron na po" masayang sambit ni Klay sabay lumapit sa kakarating lang na si Ivan.

"Ma, at sa lahat na naririto, Si Ivan po kasintahan ko!" masayang sabi ni Klay sa harap ng pamilya at mga kaibigan nito sabay kapit sa kamay ni Ivan.

"HUH?!" malakas na sigaw nina Jester, Jp at Tine.

"Kelan pa nak? hindi mo man lang sinabi sa akin" singit na tanong ng mama niyo.

"Last week lang po" saad ni Klay.

"Aguy bro ikaw hindi ka nag sasabi sa amin" saad ni Jester.

"Magandang umaga po!" bati ni Ivan sa magulang at tita, tito ni Klay.

"Aba'y kay pogi naman ng napili mo iha, mas pogi pa ito sa ipapakilala ko sana sa iyo" sabi ng tito nito.

TRANS SERIES ll: Ikaw at Ikaw [TransxMan]Where stories live. Discover now