Kinse

89 8 5
                                    

Ivan's POV


"Yuck, tama na kaka halik hindi ka pa nag mumog kadiri ko naman" pag angal ni Klay.

"Fyi Misis Chua, kanina pa ako nag sipilyo sabay pa kami ni Anne" sabi ko sabay kumawala sa pag kaka yakap.

Last night nag kayayaan ng inuman kaming mag babarkada rito sa bahay nila Klay. Si Jp na ang nag insist dahil sa OJT na namin kaya nag aya na dahil baka magiging busy na ang schedule namin soon.

"Bangon na love birds! nag hahain na ng almusal si Tita sa baba" pag tawag ni Jester sa'min.

Kaya naman bumangon na si Klay sa kina hihigaan nito sabay nag unat unat ng buto sa katawan. Sabay na kami humaba at si Klay ay nag mumog na sa may lababo. Tinulungan na ni Tine si Tita na mag lagay ng mga kutsara't tinidor sa plato samantalang sina Jester at Jp ay kasama si Anne sa sala na nanonood ng Princess Movie.

"Halina't mag sikain na kayo baka lumamig pa ang pagkain" pag aaya ni Tita. Kaya naman lahat kami ay nag si upo na at nag kanya kanya ng kuha ng niluto ni Tita. Samantalang si Klay ay nag titimpla ng maiinum niyang gatas.

"Naku Klay maupo ka na at baka maubusan ka pa nila bahala ka" wika ni Tita.

Kaya naman naupo na si Klay sa tabi ko at itinaas pa ang paa nito at pinatong sa inuupuan niya.

"Kuya Pogi pa abot po ng ketchup!" pag sabi ni Anne. Kaya naman iniabot ko ang ketchup tutal nasa tapat ko naman.

"Naku Anne dahan dahan lang sa pagkain mamaya mabulunan ka" pag sabi ni Tine.

"Ay nga pala bukas na ang OJT niyo? saan ba kayo mag o-OJT?" Tanong ni Tita.

"Kami po ni Ivan sa may Sacred Heart sa Cabaruan City po medyo malayo nga lang" wika ni Jester.

"Ayos lang may sasakyan naman si Ivan maki sakay ka nalang para hindi ka na magastusan ng pamasahe mo" sabi ni Tita.

"Eh kayo Klay? Jp? saan?" tanong ni Tita.

"Wala pang sinasabi sa amin Ma kung saan ang pag kakatanda ko pupuntahan nalang namin kasama si Prof Isaac." tugon ni Klay

"Eh ikaw Tine?" tanong ni Tita.

"Sa may Huxley Restaurant po Tita 'yung sikat na Restaurant" pag sabi ni Tine.

"Ano po 'yung OJT?" Anne asked.

"OJT anak ayan 'yung parang mag tra-trabaho na sila pero for practice palang ganun kaya magiging busy na sila" sabi ni Tita.

"Edi hindi ko na po kayo makaka laro?" tanong ni Anne.

"Makaka laro mo pa rin kami Anne, pero hindi na nga lang araw-araw" sabi ni Jester.

"Ganun po ba?" tanong pa nito.

"Don't worry Anne, your Kuya Pogi will here to play to you" i said.

"Talaga po?" tanong niya.

"Yup!, so finish your food na" i said.

"Huwag mo naman masyadong i-spoiled si Anne mamaya umasa 'yan grabe pa naman kung mag tampo 'yan" bulong ni Klay sa akin.

"Ako ng bahala kaya kumain ka na rin at baka ikaw pa ang kainin ko" i said. Hindi ko naman alam na narinig ni Tita ang sinabi ko kaya naman nabulunan ito.

TRANS SERIES ll: Ikaw at Ikaw [TransxMan]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα