Disiotso

53 8 0
                                    

Klay's POV

"Ang aga mo naman ata ngayon iha?" tanong sa akin ni Manang Imelda dahil siya ang nag bukas nga gate.

"Naman Manang ako pa HAHAHAH anyways tulog pa po ba si Ivan?" tanong ko sa kanya habang papasok na kami sa loob.

"Oh Klay naparito ka? anong ganap?" bungad naman na tanong ni Tita Marie sa akin habang naka upo at nag babasa ng news paper sa sala.

"Morning po Tita! susurpresahin ko lang sana si Ivan" bangit ko sa kanya sabay beso.

"Bakit anong ganap?" curious na tanong ni Tita sabay tiklop ng news paper.

"Madam, kaarawan ng anak niyo ngayon!" pag paalala ni Manang Imelda kay Tita.

"Ay hala ganun ba? jusko naka limutan ko na sa rami-rami ng iniisip ko jusko" saad nita Tita sabay umayos sa pag kaka upo nito.

"Sige na Tita at Manang aakyat na po ako baka magising pa siya" paalam ko kay Tita at Manang sabay beso kay Tita.

Umakyat na ako sa hagdan sabay kumaliwa  at dahan dahan na binuksan ang pinto ng kwarto ni Ivan buti na nga lang hindi ito naka lock eh kaya naka pasok ako agad. Nakita ko si Ivan na ang sarap ng tulog naka nganga pa talaga pero ang lamig lamig ng panahon naka topless 'tong natutulog. Kaya naman hinawi ko sa mag kabilang gilid ang kurtina na itim sa may bintana ng kwarto niya para naman lumiwanag alas otso na kasi ng umaga tapos tulog pa ang damuhong 'to pagod siguro kahapon kasi nag Over Time ba naman tsaka buti nalang Holiday ngayon kaya walang pasok ang mga OJT's hays. Tumabi na ako sa higaan ni Ivan sabay hinahawi ko ang buhok nito.

"Ivan gising na!" mahina kong batid sabay pinipindot ko ang ilong nito.

Ang ganda siguro ng panaginip nito kaya hindi pa nagigising ay sinasabi ko na kapag babae ang panaginip nito mabubuhusan ko 'to ng malamig na tubig eme lang.

"Mr. Chuaaaa!" malambing kong tono.

"Hmmm" tanging reaksyon niya lang sabay yumakap sa akin.

"Birthday boy, gising naaa!" pag gising ko sa kanya.

"5 minutes paaa!" sagot nito sa akin sabay nag taklob ng kumot sa ulo niya.

Ah ayaw mo gumising ah sige. Kaya naman hinalikan ko siya sa mag ka bilang pisnge niya para magising ito.

"Gising na hmmm" wika ko sabay halik sa pisnge nito.

Bigla naman akong niyakap ni Ivan ng mahigpit kaya nagulat ko sabay dilat ng mga mata nito na naka tingin sa akin. Nakita ko ang repleksyon ko sa mga mata nito sabay ngumiti si Ivan.

"Morning! gising na po ang asawa mo!" bungad niyang sabi sa akin.

"Well, Happy Birthday Ivan!" sambit ko sabay halik sa labi nito sabay kumawala ako sa pag yakap niya at naupo nalang sa higaan nito.

Pero bigla niya akong hinila kaya naman napahiga nanaman ako sa higaan niya at siya ang nasa ibabaw ko. Tinitigan ko nalang siya ng masama.

"Anong ginagawa mo?!" tanong ko sa kanya.

"Opening my present, why?" sabi nito sabay halik at pinapasok niya ang kamay niya sa loob ng suot kong damit.

Nagulat nalang ako sa ginawa niya at muli siyang bumalik sa pag kaka halik sa labi ko. Hanggang sa naging malalim ang pag hahalikan namin pati ako bumigay na rin. Hanggang sa pababa na ang halik niya sa akin na ang dating nasa labi pababa na sa leeg ko sabay ang mga kamay nito ay nasa loob pa rin ng damit ko napayakap nalang ako kay Ivan at alam kong nararamdaman niya ang pag kalmot ko sa likod nito.

TRANS SERIES ll: Ikaw at Ikaw [TransxMan]Where stories live. Discover now