[129] •Narration

216 7 33
                                    

Ventures's Residence
December 24
22:15








"Anak, bakit hindi mo inimbita si Hira?"












Dahang napalingon si Eugene sa tatay nito habang pinapasa rito ang yelo mula sa fridge. Sabay sagot, "Nasabi ho sakin na kasama nya mama nya raw ho ngayon. Pa, pakitawagan po kapatid ko baka kasi di sumagot pag ako tumawag." Bilang sagot, tumango lang to.











"Tito sarap kamo ng kare-kare nyo 'no? Lalo na yung kasamang liempo. Pakiramdam ko tuloy, magmemeet and greet kagad kami ni lola pagkatapos ng pasko eh." Pinapanood lang ni Gene si Lee na binabati lahat ng handa nila habang nilalagay sa tupperware na dala nito. "Paborito to ni mama eh, Afritada." dagdag pa nito.












"Tanga, Mechado yan pre. May patatas oh!" Dagdag ni Timo habang nailing pa. "Tito, eto pa paborito mong kaibigan ni Gin? Di alam Mechado sa Afritada."














"May patatas din sa Afritada. Pinagsasabi mo?"














"Kaldereta talaga yan. Pa, bakit ba pinapasok mo 'tong mga to? Wala bang noche buena sa inyo?"














"Nangangapit bahay lang ako." Sagot ni Lee na mas kinatawa ng tatay ni Gene.











"Pinagsasasabi mo eh tatlong baranggay pa bahay nyo? Lumayas ka nga dyan." Sagot ni Gene sabay hawi kay Lee na parang lamok. Sunod netong tinignan si Timo na nagyayabang na kung paano makakuha ng libreng 100 pesos sa mga palaro sa gcash na kelangan pa maginvite ng ilang kaibigan para magkapiso laman sa kada nood ng ads, pero naka-isang buwan na at 12.00 pesos pa lang napupundar. "Pa, wag kang makinig dyan scammer yan eh. Ewan ko bakit di pa nahuhuli ng TDMU yan."












"Sino ba may sabing naniniwala ako? Tono pa lang netong kaibigan mo parang kasama na pyramid scam eh."












"Grabe ka 'to. Parang 'di tayo sabay magpagupit para libreng discount kasi napapanood ako sa tv ah?"













"Anong magpagupit? Gago ka ba eh kalbo tatay ko. Lumayo ka nga dyan." Alam na ni Gene na wala na syang magagawa sa mga kaibigan nya kaya lumabas na lang 'to bitbit yung yelong inabot ng tatay nya sa kanya kanina.
















Doon nya nakita si Dino na nanahimik masyado sa upuan neto. Holding glass on hand, then re-opening another liquor bago mapatingin kay Gene na kakalabas lang ulit. Sa mga kaibigan nya kasi, eto yung pinaka-unang pumunta out of the blue. Madalas talaga nakakagulat kasi mga walang pasabi kung pupunta pero welcome rin naman sa araw araw.

















"Gusto ko ng tattoo." That was random but the most realistic thing na pwedeng masabi ni Dino.














"Tattoo-an kita? Tanga, di ako marunong."














"Oh? Saan, pre? Braso mo puno na ah. Bakit di mo itry sa pisnge?" That was Timo talking out of nowhere.

Daylight [Epistolary]Where stories live. Discover now