[143]

112 5 0
                                    

iMessage
Echo

January 13
19:36

You:

Uuwi ka ba ngayon?

Ayos lang na pumunta ka sa mga kaibigan mo pero wag ka masyadong masanay na di nauwi sa bahay. Nagluto ako, kumain ka pagkauwi mo. Nilagay ko muna sa table pero kapag umabot na ng 9pm, ipapasok ko na sa ref baka mapanis. Ikaw na maginit.

Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sakin ha.
read.










January 14
14:05

You:

Pumunta ako sa school mo kasi di kita naabutan kaninang umaga. Ibibigay ko sana pangtuition mo kaya ako na pumunta sa school mo.

Bayad na raw tuition mo.
read.




14:26

Echo:

Nabarayan ko na

You:

Saan nanggaling pambayad mo?

Echo:

typing...

You:

Gusto ko lang malaman.

Kung huming kina papa, ayos lang yon. Walang problema ron. Hindi mo rin kinukuha mga iniiwan ko tuwing umaga kaya hindi ko alam paanong ipon ginagawa mo.

Huwag mo gutumin sarili mo.

Alam ko hindi tayo ayos pero wag mo hayaan sarili mo magutom. Hindi ko ibabalik lahat ng binibigay ko sayo kasi responsibilidad ko yon bilang kapatid mo.

Magluluto ulit ako pagkauwi ko. Kumain ka mamaya pagkauwi mo. Nasa kwarto ako kaya makakakain ka kung hindi ka komportable makita ako.
read.












January 16
16:21

You:

Late ako makakauwi hanggang 11pm pa duty ko sa hospital pero may pagkain sa ref.

Kanina pa yang tanghali bago ako umalis. Kumain ka sa tama.
read.



19:24

Echo:

Ang higpit ng pagkasara mo sa chicken oil

Di mabuksan ng ayos
😂

Di nakakatawa

You:

Di ako naghigpit nyan

Alam mong iritable tayo pareho magbukas ng garapon eh

Daylight [Epistolary]Where stories live. Discover now