33

43 2 0
                                    

"A-ate Lauren! Handa kana ba??"

Natatawang umiling-iling si Lauren ng marinig ang matinis na boses ni Anita mula sa ibabang floor ng Bahay. Sinipat niya kong anong oras na and it's two in the afternoon.

Pinasok niya sa dalang bag ang two piece suits bikini niya saka pinusod ang buhok. Pinagpag niya rin ang maong short niya dahil nagusot iyon dahil sa kaniyang pag-upo. Saka niya pinatungan iyon ng beach dress.

Kinuha niya na rin ang Cellphone niya na naka-charge kahit kakasaksak lamang non saka siya bumaba.

"Ate read-"

"I'm ready Ani.."She answered while laughing.

"Wow! Ang ganda po mo talaga!!" Hirit nito.

Pabiro niya itong kinurot sa tagiliran. Masaya siya na hindi na masyadong naiilang ang Dalagita sa kaniya. At least she's getting comfortable to her presence.

"Thanks. You're too, nagpaalam kaba ng maayos sa Lola mo?"

"Opo, syempre papayag yun kahit di na ako magpaalam. Gusto din kasi ni Lola na mag-enjoy ka dito.."Nakangiti nitong tugon.

Pagkatapos kasi nilang gawin ni Mang Rudy ang ginagawa nito kanina ay dumating ang Apo nito, nagdala ito ng tanghalian. Pinagsaluhan nila iyon, niyaya naman siya nito na maligo sila sa Dagat pagdating ng hapon.

At first she was hesitant dahil baka magalit ang Boss niya. Pero naisipan niyang hindi naman siguro masama, magpapaalam na lang siya mamaya sa message.

Sabay na silang lumabas. Nadoon narin sa labas kong nasaan ang beach chairs ang ginawa nitong sandwiches, snacks and drinks sa may kaliitang cooler.

Tinulungan niya ito sa mga dadalhin nila."Hindi ko alam na ang dami mo palang pakulo.."

Humalakhak ito."Siyempre naman po para talaga mas masaya..."

Bago tuluyang umalis ay nag-iwan siya ng mensahe sa Boss niya. Pagkatapos ay niyaya na niya itong tumuloy na. Lumakad lamang sila sandali. Hindi naman kalayuan ang paliliguan nila. Natatanaw parin naman nila ng tingin ang Bahay ni Santiago kahit maliit na ito tingnan. Nagmistula na nga itong Island Hotel sa sobrang garbo at laki.

Lalo pa at nag-iisa lang ito dito sa Isla.

Inilapag nila ang dala, naglatag narin si Anita ng sapin para hindi malagyan ng buhangin ang mga pagkain. Tumulong din siya sa pag-aayos. Ng mahusto ay pumalakpak ito at nilingon siya.

"Dito ka po maupo Ate. Mamaya pa rin naman tayo maliligo dahil mainit pa.."Umupo siya sa beach chairs ganoon din ang ginawa nito.

Tama ito.

May init pa nga pero hindi naman nila ramdam iyon sa kani-kanilang mga balat dahil malamig ang simoy ng hangin. Idagda pa ang payapa ng paligid. Mabuti na lang at nandito si Ani, kahit papaano ay hindi siya nakakaramdam ng bored.

Magandang ideya rin itong naisip ng Dalagita na maligo sila. Mas maganda ring maligo sa Dagat na hapon na. Gustong-gusto niya kasing makita ang paglubog ng araw sa karagatan. Kahit sa Pilipinas ay ganoon ang ginagawa nila ng Daddy niya noon.

Nakakalungkot lang isipin na dati sinasamahan siya nito. Pero ngayon ay iba na ang kasama niya.

"M-may problema po ba?" Nag-aalalang mukha ng kasama ang bumungad sa kaniya ng lingunin niya ito."Hindi mo po ba gusto rito?? Puwede naman ho tayong lumipat.."

"No! I mean I like it, just don't mind me. Katunayan nga, gustong-gusto ko ang ganito. May naalala lang ako buti it's fine.."

"Anong naalala mo??"She laugh softly. She didn't know that Anita is so nasty like this.

BEYOND LUSTWhere stories live. Discover now