45

44 1 0
                                    

Pagod na bumaba si Lauren sa Chopper. Si Santiago naman ay kausap pa si Gabriel. Napatitig siya sa mga mukha ng dalawa because they look so serious. Hindi niya alam kong ano ang pinag-uusapan ng mga ito pero alam niya at ramdam na seryuso iyon.

Ng makitang tinapik na ng Boss niya ang balikat ng Kaibigan nito ay umayos siya ng tayo. Lumingon sa gawi niya si Gabriel at kumaway ito bilang paalam dahil aalis na ito. Babalik na ito sa Siyudad dahil may kailangan pa raw itong ayusin na Trabaho tungkol sa kasong kasalukuyang hawak nito kasama si Santiago.

Ng makaalis na ang Chopper palayo sa Isla ay saka lumapit ang Boss niya.

"Are you tired??"

"Y-yes. Pasensya kana, gusto ko ng matulog.."Nahihiyang usal niya.

Tumango ang Binata. Halata din kasi sa mukha nito ang antok, sabay na silang bumaba sa ikalawang palapag kong saan ang mga kuwarto. Sinamahan niya lamang ito sa silid na inuukupa nito, inilapag niya sa kama ang mga nabili nila sa Milan. Nagpaalam narin ang Dalaga na magha-half bath lang bago matulog.

Bago ito makapasok sa banyo ay ginawaran niya muna ito ng matunog na halik sa labi.

Siya naman ay hindi na muna pumasok sa kuwarto niya. Instead, he go downstairs. He found himself in the bar counter, naghanap siya ng alak. He didn't even bother to on the lights dahil wala naman siyang balak na uminom doon.

Ng makuha niya ang whiskey ay lumabas siya. Sumalubong sa kaniya ang napakapreskong hangin mula sa madilim na karagatan. Tiningala niya ang dinaduyan ng hangin na dahon ng mga niyog na nakahilera. Naghubad siya ng sapatos bago bumaba at naglakad sa may buhangin.

He's sitting in front of the calm seas near to his House. Nakatingin siya sa malawak at tahimik na dagat, tanging paghampas lamang ng alon sa pampang ang naririnig niya.

Binuksan niya ang whiskey at tinunga. He need this, sa lahat ng nangyari sa buong maghapon ay naninibago siya but he's enjoying every minutes of it. Natatakot lang siyang masanay sa piling ni Lauren. Hanggang ngayon ay hindi niya parin maamin na gusto at mahal na niya ang Dalaga.

His obsession is back.

Pero dahil nakakulong parin siya sa una niyang pag-ibig ay hindi siya makalaya. There's an improvement but not fully okay. Gulong-gulong na siya sa nararamdaman niya. Masaya siya pagkasama ito, nagseselos siya kapag nagbibigay ito ng atensiyon sa ibang Lalaki. Gusto niyang maging madamot pero wala siyang karapatan lalo na kong di niya ito kayang mahalin pabalik sa pagkakaalam nito.

Napapikit siya dahil sa pait ng lalamunan niya dala ng ininom niyang alak.

Gusto niyang lunurin sa kalasingan ang sarili niya sa gabing ito. Ayaw niyang magkasala at magkamali noon at ayaw na niyang maiulit pa iyon ngayon. Napasabunot si Santiago sa buhok niya, iba na kasi ang sitwasyon ngayon. May puwede na ngayon na hindi puwede dati kaya napilitan siya o di niya alam dahil nagkusa naman siya sa desisyon niya noon.

Pero dahil ngayon na nandito ito ay bumalik lahat. Iba nga lang ngayon dahil walang maaapektuhan sa side niya dahil iniwan na siya ng taong yun.

May mainit na likidong tumulo sa kaniyang pisngi. Nakakabakla pero kailangan niyang panindigan, natawa siya ng pagak.

Bakit kasi sa dinami-dami ng puwedeng bumalik ay ang nakaraan pa?! Tapos na iyon, he let it go already even if it's hard for him dahil parang nababaliw siya sa tuwing sinusubukan niya.

Sinubukan naman niyang iwasan ito ng magkita sila pero mas nanaig ang kong ano ang dati. Dati na di naman talaga nito alam in the first place. Sometimes he can't help but to blame her. It's her fault, if she didn't show. Marahil ay siya parin iyong Santiago na nakakulong sa sarili niyang hawla.

BEYOND LUSTWhere stories live. Discover now