46

49 1 0
                                    

Exactly seven in the evening ng lumabas si Lauren sa silid niya. Naabutan niya si Santiago na nakasandal sa hamba ng pinto, he's wearing a white polo shirt na dalawang butones lang ang sinarado and with gray pants. While she was wearing her white dress and her six inches high heels. Naka Oxford shoes naman ang Boss niya na guwapong-guwapo sa overalls outfit nito.

Nag-abot kaagad ito ng kamay na siyang tinanggap niya. Sabay silang bumaba sa sala, kinausap lang sandali ni Santiago si Gabriel tungkol sa Yate na gagamitin nila at siya naman ay hiyang-hiya na nilapitan niya si Anita. Naglilinis ito sa kusina.

"A-ate i-ikaw po pala!"

"Puwede ba tayong mag-usap sandali??"

Ngumiti ito saka siya tinanguan, nilapag lamang muna nito ang hawak na basahan saka lumapit sa kaniya.

"Ani. A-about what you saw this morning hind-"

"Naku! Ayos lang po, naiintindihan ko naman po saka p-promise wala po akong ibang nakita maliban doon s-sa pagluhod ni Sir..."Anita innocently said.

Huminga siya ng malalim. Parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil kahit papaano naman ay may common sense ang Dalagita. Kanina pa nga sana niya balak na humingi rito ng pasensya pero hindi siya nakatiyempo dahil busy ito kanina kasama si Manang Rosa. Ayaw rin naman niyang isturbuhin ang mga ito kaya ngayon lamang niya kinausap.

Nagpasalamat siya dito, at ng tawagin na siya ni Santiago para makaalis na sila ay nagpaalam na siyang aalis na. Pinagpatuloy naman nito ang nahintong paglilinis at sinabing mag-iingat sila at mag-enjoy.

Paglabas nila ay nakita niya agad ang napaka-eliganteng Yate. Aalis kasi sila, mag-iikot sila gamit ang private Yacht nito. Inalalayan siya ng Binata paakyat. Samantala si Gabriel naman ay nakatingin lamang sa Boss niyang naghahanda na dahil ito ang magpapaandar ng Yate. Hindi niya alam kong ano ang gagawin nila pero pinagbihis siya nito kanina dahil mag o-over night daw sila sa Yate and of course she's excited lalo na ng sabihin nitong sila lang dalawa.

"She's not good for you Baldivino..." Mabilis na napatingin si Lauren kay Gabriel.

What did he mean? Di niya alam kong sino ang ibig nitong sabihin. Tinitigan niyang mabuti ang ekspresyon ng mukha ni Santiago. Bigla siyang natakot dahil sa nakitang galit sa mukha nito na nasisinagan ng ilaw galing sa itaas ng Yate.

"S-Santiago..."Mahinang tawag niya sa pangalan nito.

Matagal pa bago ito lumingon sa kaniya. Bumuntong hininga ito at walang lingon-lingon na umakyat narin pasunod sa kaniya.

When she look at Gabriel, he already turned his back while his both hands was on his pockets. Dumating ito kaninang umaga dala ang Yate ng Boss niya, hindi parin ito umaalis. Sa pagkakaalam niya ay dito ito matutulog at magpapalipas ng gabi dahil maaga rin itong pupunta sa Farm mamaya para magcheck sa mga harvest, Gabriel's Family is also one of the buyer. Sa lahat ng inaani sa Farm ng Boss niya ay Pamilya ni Gabriel ang bumibili.

Hindi nga alam ni Lauren kong bakit alam nito ang tungkol sa Isla gayong sa pagkakaalala niya na sinabi ni Manang Rosa ay silang mag-asawa lamang ang nakakaalam tungkol dito. Or maybe he knows but Manang Rosa forget to include him.

Pinilig ni Santiago ang ulo niya. Nagtagis bagang siya at nasapo niya ang kaniyang ulo dahil sa gulo ng iniisip niya.

Not now!

Napasabunot siya sa kaniyang buhok at impit na umungol dahil bigla na lamang sumakit ang ulo niya. Everything started to show from the younger years 'ntil now.

"Santiago?!"Natigilan siya ng mabusisan ang tinig ng Dalaga sa kaniyang likuran."A-anong nangyari??"

Inayos niya ang sarili at tumayo ng tuwid. Hindi siya nito dapat na mahalata, pinikit-pikit pa niya ang mga mata para walain ang naipong luha doon. Hinila niya ito sa baywang at niyakap, he need her.

BEYOND LUSTOn viuen les histories. Descobreix ara