Chapter 02: Short

20 1 0
                                    

Chapter 02: Short

Lumapit si Thea saken kasabay ng mga kaibigan nya pa. Nakatayo lang si Lenarj, nanonood sa gagawin ng girlfriend nya.

"Hawakan sya, girls." Utos ni Thea mabilis na lumapit sila at hinawakan ako sa magkabila kong braso. "It's payback time, Ezra." Ngumiti si Thea at marahas na hinalbot ang buhok ko! Ginupit nya ito sa mismong harap ko!

"Please... huwag, Thea!"

"To late, Ezra!"

Ang haba ng mga nagupit na buhok saken halos hanggang balikat nalang ito. Sobra ang iyak ko dahil mahal na mahal ko ang buhok ko. Matapos akong gupitan ng buhok ay sinampal ako ni Thea ng paulit-ulit at pabato akong binitawan ng kaibigan nya. Nagtatawanan sila habang papalayo. Hindi ko alam ang gagawin ko, iyak ako ng iyak habang nakatingin sa buhok ko. Hindi ko alam na nandito pa pala si Lenarj. Binigyan nya ako ng panyo at hindi ko alam bigla nalang akong natawa habang umiiyak.

Taksil din pala ang puso ko. Minsan bumibilis ang kabog ng puso ko noong nakasabay ko si Lenarj sa trycicle ngayon wala na ang baliw na tibok kong puso. Sayang, nanghihinayang dahil hindi pala deserve ni Lenarj itong nararamdaman ko. Weird, nagustuhan ko agad sya. Umiling ako at tinulak ang kamay nya palayo saken.

"P-please... from now on stay away from me." Malamig kong tugon at tumayo ng kusa tumalikod na ako at iniwan sya doon. Kusa nalang bumagsak muli ang panibagong luha dahil sa nangyare saken. Paniguradong lagot ako nito kay mama. Humihikbi akong naglakad pabalik ng room at kinuha ang bag ko. Nakasabit ang bulaklak na kinuha ko kanina galing sa table ko. Umiling ako at binitawan ang bulaklak at nahulog ito sa sahig. Umalis na ako habang umiiyak. Sumakay ako ng trycicle pauwe sa bahay.

Naabutan ko si mama sa sala ng bahay at ng makita nya ang itsura ko sa halip na tanungin ako kung anong nangyare sa akin iba ang natanggap ko mula sa kanya.

"Anak ka ng! Anyare sa buhok mo!? Alam mo namang dyan tayo kikita ng malaki! Anong pinaggagawa mo!? Pinagupitan mo pa talaga ang buhok mo!? Lintek kang bata! Pano na yan! Ezra! Wala ka talagang nagawang tama! Ano ba!? Tatangatanga ka ba talaga!? Bobo ko ba Ezra! Matalino ka naman diba!?" Sobrang dami pang masasamang salita ang narinig ko kay mama pero pinagsawalang bahala ko nalang iyon.

Nilagpasan ko lang si mama. Dumeretsyo ako sa kwarto at doon ay umiyak. Umiyak ng umiyak dahil iyon lang naman ang magagawa ko. Paulit-ulit ng tumunog ang cellphone ko pero hindi ko iyon sinasagot. Videocall galing kay Arielle. Hindi ko alam kung nasan ba si Arielle ng nga oras na kailangan ko sya. Kailangan ko ng tulong.

Hindi ko alam nakatulog na ako sa kakaiyak. Umaga na ng magising ako. Walang buhay akong bumangon. Naabutan ko si mama sa harap ng pinto ng kwarto ko.

"Bilisan mo, magpapagupit tayo." Matapos sabihin yon ay iniwan na ako ni mama. Gaya nga ng sinabe nya pinagupitan nya ako. Pinaayos nya yung buhok na nawala ko. And it's turn to short hair. Hanggang balikat, may ilang hibla para sa bangs at hindi na gaya ng dati. I miss my long hair. "Okay na yan."

Pumasok na ako ng school at nagpapanggap na walang nangyare.

"She's still look gorgeous."
"So pretty always."
"Bagay sa kanya yung short hair!"
"Ganda wews!"

"Ezra!" Mabilis na lumapit si Arille saken at nagulat sya sa ayos ko. Pilit akong ngumiti. Mabilis nya akong niyakap at umiyak napaiyak nalang ako dahil naalala ko parin yung nangyare sa buhok ko. "I'm sorry, bess... wala ako sa tabi mo... im sorry!"

Wala akong nagawa kung hindi tumango nalang.

"Ezra, huwag kang matatakot okay? May papanood ako sayong video."

"Ano yon?"

Hinarap nya saken yung cellphone nya. Mas lalo akong nagulat dahil naroon ang video kung saan ginugupitan ang buhok ko. Nakaluhod, umiiyak, ginugupitan ang buhok, pinagtatawanan. Kalat na kalat na ang video ko.

Center of Attraction [Melody Series 1]Where stories live. Discover now