Chapter 03: Date

17 1 0
                                    

Chapter 03: Date

Maaga akong nagising para sa pagpasok sa school. Maganda ang gising ko dahil napasarap ang tulog ko. Maaga pa naman kaya nagayos na ako ng mga gamit ko. Naghanda na ako para sa pagpasok sa school.

Bumaba na ako ng kwarto dala ang bag ko papunta sa kusina para kumain. Naabutan ko si papa na nagkakape. Inalok ako habang si mama ay nagluluto pa.

Umupo na ako habang nakatitig sa cellphone ko. Paulit-ulit kong binabasa ang mga chats namin ni Lenarj, hanggang ngayon napapangiti ako ng palihim. May kilig at saya akong nararamdaman habang binabasa ko ang kakulitan nya. Napaayps lang ako ng upo ng tumikhim si papa.

"Bakit nakangiti ang anak ko?" May pangaasar nyang tanong. Bumaling ako sa kanya ng nanlalaki ang mata. "Bago yan, sa tuwing pupunta ka dito sa kusina ay lagi kang nakabusangot. May nagpapasaya na ba sa anak ko?"

"Naku papa wala po," kabado kong tugon baka kasi mahuli ni mama p marinig baka pagalitan ako.

"Sabe mo eh, tahimik lang ako Ezra. Support ako sa kung ka masaya." Ngumiti si papa at nawala lahat ng alanganin sa puso ko. May taga support na ako. Okay na sa akin kahit si papa lang.

Palihim akong nagpasalamat kay papa at umayos na ng upo ng dumating si mama dala ang umagahan namin. Toast, egg, bacon and fried rice.

"Konting kain lang, Ezra. Baka manaba ka papangit sa image mo."

Tumango nalang ako kay mama. Maka image naman parang sikat ako o celebrity eh. Kumain nalang ako at hindi na muna tinignan ang phone ko. Nagaayps na ako ng gamit ko ng tumunog ang cellphone ko.

Lenarj:
Asan kana? Andito ako sa tapat ng bahay nyo.

Nagulat ako sa nabasa kong message galing kay Lenarj! Andito sya! Sa tapat ng bahay namin! Lagot! Hindi ko alam ang gagawin ko habang nagaayos ng gamit.

"Anak, may nangyare ba? Halatang tuliro ka ah." Lumapit si papa at bumulong. Nasa kusina parin si mama at nagliligpit ng kinainan namin.

"Andito po kasi yung kaklase ko..."

"Lalake ba o babae?" Takhang tanong ni papa.

Alanganin akong ngumiti. "Lalake po..."

"Sigi na, umalis ka na. Ako na bahala sa mama mo." Tumango ako at nagpaalam na. Sumigaw din ako kay mama na aalis na ako. Tinapik ako ni papa sa balikat. "Huwag kang uuwe ng late okay?"

"Opo papa, salamat po!" Humalik muna ako sa pisngi kay papa bago takbuhin ang labas ng bahay namin.

Naabutan ko si Lenarj na nakatayo sa labas, nakasandal sa gate ng bahay namin habang nakapamulsa. Mabilis akong lumapit at ng nakalapit ako ay ngumiti agad sya.

"Medyo maaga ata ang dating ko rito. Sorry nailang ka na naman."

"O-okay lang! Tara na!" Mabilis akong pumara ng trycicle at hinila si Lenarj papasok ng trycicle baka maabutan pa kami ni mama sa labas!

Sabay kaming pumasok ni Lenarj ng room kaya naman naging tampulan kami ng tukso. Umiwas ako ng tingin at pilit iniiwas ang sarili sa tukso. Sabay sabay pa nila kaming tinutukso napatingin naman ako kay Lenarj. Naroon ang mayabang nyang ngiti at taas noo pang naglakad. Sana may ganyan din akong confident sa sarili ko.

Naroon din ang masamang tingin saken gaya ng kaibigan ni Thea at ilang may gusto kay Lenarj. Nakangiti naman at tinutukso ako ni Arielle ng makaupo ako sa tabi nya.

"Kayo huh, anong meron sa inyo?"

"W-wala ha!"

"Maniwala! Namumula ka, Ezra!" Tinusok pa nya ang tagiliran ko kaya naman mahina akong nakiliti. "Huli ka balbon! Darating din tayo roon. Huwag mo akong kalimutan kwentuhan, Ezra." Nakangisi sya habang nginunguso si Lenarj.

Center of Attraction [Melody Series 1]Where stories live. Discover now