Chapter 06: Grand Ball

12 1 0
                                    

Chapter 06: Grand Ball

Nag rent pa si mama ng magaayos sa mukha at buhok ko. Inayusan nila ako mula sa make up ko hanggang sa buhok ko. Dapat ako dawang mag shine sa gabi na iyon. Ako daw dapat ang tatanghaling Quenn of The Night na award para sa babae. Napailing nalang ako sa sinasabe ni mama. Sobrang taas na ng tingin nya sa akin lalong higit sa sarili nya. Porket kilala na ako dahil sa mga commercial na beauty products ganon nalang nya ipagmalaki ang sarili nya. Kesyo maganda sya kaya maganda din ako, talented syang tao kaya talented daw ako. Namana ko daw lahat ng magandang katangian nya.

Ganon sya sa tuwing may bagong nakikilala. Pinagmamalaki nya kung gaano syang naging mabuting ina sa akin. Tumatango nalang ako pilit na tumatawa o ngumingiti. Masabihan lang na sang ayon ako sa mga sinasabe nya. Ilang oras din akong inaayusan. Light make up lang ang gusto ko, ligth pink na lipstick, perfect na ang mukha ko. Natuwa ang mga make up artist na nagpaganda sa mukha ko. Lalo pa daw akong gumanda ng naayusan na ng todo. Ngumiti nalang ako. Messy bun ang hilig kong style sa buhok perp ang ginawa nila ay nakalugay ang buhok ko at kinulot nila ang dulong bahagi ng buhok ko. Nilagyan din nila ako ng bangs at ilang hibla sa gilid ng buhok ko.

Tumango ako sa magandang kinalabasan ng ginawa nila. Pinapasok na ako sa dressing room ng parlor shop para magpalit ng damit. Sinuot ko na ang napili kong gown. Kuminang ang mata ko dahil sa ganda ng ayos at pananamit ko. Napangiti ako habang nakatitig sa salamin. Kinuha ko ang phone ko at nag mirror shot ako doon. Lumabas na ako ng dressing room at lahat sila ay napaawang ang labi at natigilan sa naging ayos ko.

"Ahh! Ang ganda mo na!" Napatili sila dahil proud sila sa nagawa nila. Napangiti din ako dahil maganda naman talaga ang naging kinalabasan. "The crown is yours!" Peke nyang nilagay ang korona sa buhok ko! Natawa ako sa actions nila.

"Thank you po," nahihiya pa ako dahil papuri ang natatanggap ko mula sa kanila.

"Ayy ang humble ng beshy ko!" Tumili na naman sila. Nahihiya na talaga ako! Hindi ako sanay sa papuri at lalong hindi ako sanay na pinapalaki nila ang ulo ko dahil sa mga papuri nila. Pinapanatili ko kung saan lang ang limitasyon ko. Kung saan lang dapat ako lulugar wala sa isip ko ang mga ganitong papuri.

"Oh sya mga bakla, salamt sa pagpapaayps sa anak ko. Mag ball pa syang pupuntahan!" Tumango ako at nagpasalamat ulit sa kanila bago lumabas ng parlor shop. "Sinong maghahatid sayo sa venue?" Tanong ni mama.

"K-kikitain ako ni Arielle mama dito," pagsisinungaling ko. Tumango sya kahit alam kong hindi sya naniniwala.

"Oh sya aalis na ako, ikaw na bahala sa sarili mo." Tumalikod si mama at iniwan na ako sumakay na sya ng trycicle paalis ng wala man lang pa good luck or enjoy the night. Napailing nalang ako at binalewala nalang iyon. Napabaling ako sa isang busina ng white Mercedes Benz na tumigil sa harap ko. Nagtaka pa ako dahil tumigil ito sa harap ko. May lumabas na isang lalake at binuksan ang pinto ng sasakyan sa back seat.

"My lady," tawag sa akin ng lalake. Tinuro ko ang sarili ko at tumango sya.

Kumunot ang noo ko at hindi umalis sa kinatatayuan ko. Napabaling ang mata ko sa kabilang side ng Mercedes Benz ng bumukas ang pinto nito. Lumabas si Lenarj na nakaputing tuxedo at lumapit sa akin. Napaawang ang labi ko sa gulat.

"Hindi ko kayang lumabas... nahuhumaling ang mga mata ko sa kagandahan mo eh." Napapailing nyang tugon. Namula ang pisngi ko, nakakailang at ang cringe ng mga linya nya.

"T-tss," naglahad sya ng palad sa harap ko agad ko naman iyong tinanggap at sumabay ako sa kanyang maglakad. Pumasok na muli yung lalake sa driver seat habang ako ay inaalalayan ni Lenarj papasok ng sasakyan. Napabaling ang mata ko sa kanya ngumiti sya sa akin.

Center of Attraction [Melody Series 1]Where stories live. Discover now