Chapter 05: Meet my parents

14 1 0
                                    

Chapter 05: Meet my parents

Tahimik kaming kumakain at pasimple akong natingin kay Lenarj kung okay ba sya. Nahihiya syang kumuha ng nakahain kaya ako na minsan ang nagsasandok ng ulam sa kanya. Napapabaling sya sa akin habang nakaawang tumango lang ako sa kanya. Pasimpleng natingin si papa at si mama, umiiling si mama at iniismiran lahat ng actions ko.

"Anong nagustuhan mo kay Ezra?"

"M-ma!" Namula ako at nagulat na lumingon kay Lenarj dahil bigla itong nabulunan at sunod sunod na umubo. Kumuha agad ako ng tubig at inabot sa kanya. Hinagod ko ang likod nya na lalong nagpaubo sakanya.

"O-okay na ako," mahinang sabe ni Lenarj tumango ako at inalis na ang kamay kong nasa likod nya. Naiilang ata sya. "A-ano nga pi ulit yung tanong nyo?" Ngumiti si Lenarj, sobrang galang nya.

"Ano kako ang nagustuhan mo sa anak ko?"

"Hm, marami po eh. Alin po ba doon?"

"Ano!?" Galit na tugon ni mama.

"I'm sorry po, madami po kasing dahilan para magustuhan ng isang lalake si Ezra. Kung hindi nyo po natatanong, marami na po ang gustong sumubok na ligawan sya kaso humaharang ako." Natatawang tugon ni Lenarj.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong naman ni papa.

"Tinatakot ko po yung mga gustong manligaw sa kanya. Sorry po alam ko pong masama yon, pero ayoko pong maunahan ako ng iba sa anak nyo. Sobrang dami po ang humahanga sa anak nyo... kabilang na po ako."

"Maganda ba ang anak ko?" Tanong ni papa.

"Sobra po, nagmana po sa inyong dalwa."

"Tama sa pangbobola kina mama at papa, kumain ka na." Singit ko sa usapan nila. Tumango si Lenarj at hinayaan ko ng kumain.

"Ezra, usap tayo." Tumayo si mama sa gitna ng paglain namin. Nagtaka ako pero agad din akong sumunod.

"Excuse me," paumanhin ko kay Lenarj.

"Sigi na, Ezra. Ako na bahala sa bisita mo."

Kinabahan agad ako sa paguusapan namin ni mama. Naabutan ko si mama nasa labas ng bahay nakatayo habang nakatitig sa mga halam nya.

"Ilang months ng nanliligaw yan sayo?"

"D-days palang ma..."

"Kung ganon, bastedin mo na." Humarap si mama sa akin habang nasama ang tingin. "Bago palang pala eh," napaawang ang labi ko sa gulat, hindi makapaniwala sa narinig ko.

"A-ano?"

"Bingi ka ba!? Bastedin mo na sya kako! Sagabal sya sa pangarap ko sayo!"

Unti unti akong napaatras sa mga sinasabe ni mama. Sobrang sakit ang nararamdaman ko habang pinapakinggan ang sinsabe nya. Ganyan ba talaga si mama? Kaya nyang gawin ang lahat para sa kapakanan nya? Kahit na ikasira at ikadurog ng anak nya? Sya ba talaga si mama?

"B-bakit kayo ganyan?" Mahina kong tanong kay mama. "Bakit kailangan nyong sabihin pa yan! Wala na ba kayong kahihiyan!?"

"Bakit? Mahal mo na ba ang lalake na yon? Sya ang sisira sa pangarap mo!"

"No ma!" Umiling ako habang lumalayo sa kanya. "Kayo ang sisira saken, hindi sya." Mabilis akong tumalikod makailang tawag ako ni mama pero hindi ko na sya nilingon. Sobrang sakit yung marinig galing kay mama na ayaw nya kay Lenarj. Hindi pa nga nila nakikita ang tunay na Lenarj. Ang mabuti at caring na Lenarj. Hindi sya ang sisira sa akin. Baka ako pa, ako pa ang sisira sakanya.

"Oh? Asan mama mo?" Tanong ni papa tinuro ko lang ang labas. Bumaling ako kay Lenarj.

"Labas muna tayo," sabe ko sa kanya at nauna ng umalis. Umakyat muna ako ng kwarto ko para magpalit ng damit. Dinala ko rin ang cellphone ko at wallet incase na may bibilhin ako.

Center of Attraction [Melody Series 1]Where stories live. Discover now