Chapter 15: Lenarj Part 2

3 0 0
                                    

Chapter 15: Lenarj Part 2

"Kaya galit na galit ako sayo! All this years! Ikaw parin! Kahit na anong gawin ko! Ikaw at ikaw parin! Ano bang meron ka na wala ako!? Anong ginawa mo para mahalin ka nya ng ganito?!"

"L-Lenarj..."

"Say something, Lenarj! Risk something! Choose, Lenarj! Choose between me and her!" Sigaw ni Thea.

Bumaling silang lahat saken. Naghihintay sa pipiliin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako. Takot sa lahat. Takot kay Ezra. Takot sa iisipin nya.

"Lenarj!"

"Tama na Thea! I choose Ezra! So stop acting like you didn't use me after all!" Tumalikod ako at iniwan sila. Marahan kong inumpog ang ulo ko sa pader.

Tahimik ako at hindi ko alam ang gagawin ko. I never imagined this kind of confessions. Hindi ganito yung nabubuo kong scenario sa isip ko. Hindi ganitong kagulo at ka kumplikadong situation.

---

"Lenarj, anak. Busy ka ba?" Marahan akong napabaling sa pinto ng kwarto ko ng pumasok si Mommy.

"What's wrong mom?" Takhang tanong ko.

"I'll need your help lang. Birthday kasi ng daddy mo kaso busy sya sa city hall. Balak ko sanang dalhan sya ng pagkan."

Marahan akong tumango at hinintay sasabihin pa ni Mommy.

"Pwedeng favor? Pwede mo ba akong ibili ng cake para sa daddy mo." Marahan akong tumango at tumayo sa gaming chair ko. Binigay ni Mom pambili ng cake at umalis na ako. Favourite ni Daddy ang flavour na Black Forest Cake. Malapit lang yung cake shop kaya pwede naman akong bumili. Nababagot na din ako sa bahay lang.

I need air. Para naman makapag isip ako sa susunod kong actions. After kong bumili agad ko ding biniga kay Mommy yung cake. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang dalhin ni Mommy yung cake sa City Hall pwede namang sa bahay nalang nya isurprise si Daddy. Hinayaan ko na lang si Mommy sa gusto nyang gawin.

---

Next day. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Ezra. Pag dating kasi sa kanya. Nanghihina ako. Pagdating sa kanya natatakot ako. Ewan ko ba, kahinaan ko ang maamo nyang mukha. Naglibot lang ako habang free time pa at nakita ko syang nakaupo sa isang bench. I was argue to myself kung lalapit ba ako o hindi. Kakausapin ko ba sya o hindi. Nalilito na rin ako.

But of course, I'll let my feet walk towards her.

"Hi, Ezra..." Napakamot ako sa batok sabay umiwas ng tingin. "Yung nangyare kahapon..." Panimula ko. Kabado.

"I'm sorry..."

"Tungkol saan? Bakit ka nagso-sorry?" Nabigla ako dahil sya pa ang nag sorry sa akin.

"Sa mga nasabe ko..."

"Okay lang, I'm sorry din. Sa lahat ng mga nagawa kong mali sayo. Sa pagiging mahina at duwag ko pagdating sayo. I know. Magmumukha akong tanga kung aamin ako sayo habang magkaaway kayo ni Thea. I'm so being jerk everytime. Takot ako eh, takot ako sayo." Mahina akong natawa.

"Hindi ko akalain na may natatakot pala sa mukha ko." Biro nya pa. Mahina akong natawa kagaya nya.

"Sinong hindi matatakot? Sa ganyang mukha, nakakapanlambot ng tuhod at nakakapag-urong ng tapang." Seryosong sinabe ko.  "I really like you. There, I confess my 4years of liking you from a far. I hope we can be friends first? To know me more. To know you more."

"Friends." Nabunutan ako ng malalim na tinik.

"Ano pala yang binabasa mo? Kanina pa kita tinitignan eh." Napansin ko yung papel na hawak nya na kanina pang tinititigan. Mabilis nya yong tinago at halatang ayaw ipakita o ipagsabe sa iba.  "Okay lang," ngumiti ako at hindi na sumagot pa.

Center of Attraction [Melody Series 1]Where stories live. Discover now