Chapter 07: Meet his parents

11 1 0
                                    

Chapter 07: Meet his parents

Tanghali na ako nagising kinabukasan. Sobrang pagod ko dahil 12am na natapos ang event hindi ko akalain na nakakapagod pa pala ang grand ball na oyon kesa sa mga shoot ko na tumatagal ng 2am. 10am na ako nagising. Medyo litang ako tuwing umaga lalo na at kulang pa ang tulog ko. Tumayo ako sa pagkakahiga ko at umupo habang kinukisot ang mata ko. Napabaling ako sa study table ko ng tumunog iyon. Humikab muna ako bago tumayo at kunin ang cellphone ko.

"Hello?" Pikit mata kong sagot habang nakatayo. Medyo nalula pa ako sapagtayo na yon.

"Kagigising mo pa lang?" Nanlaki ang mata ko bago ko tignan kung sino yung tumatawag! Lenarj! Si Lenarj ang tumatawag!

"L-Lenarj?"

"Hi Ezra, good morning."

"Sorry na late ako ng gising." Nahihiya kong tugon.

"Remind ko lang baby. 12oclock kita pupuntahan dyan." Napakunot noo ako sasinabe nya.

"Huh? Anong sinabe mo?" Litong tanong ko natawa sya sa kbilang linya.

"Meet my parents right?" Napaface palm ako sa gulat at hiya dahil nakalimutan ko after nga pala ng event pumayag akong sumama sa kanya papuntang mansion nila. Makikilala ko na ang mga magulang no Lenarj!

Matapos ang tawag na iyon ay naghanda na ako. Inayos ko na ang sarili ko. Nagsuot lang ako ng mga dress na nakalagay sa cabinet ko bago pa ang mga dress ko dahil suot ko sa mga shoot ko. Isang navy blue dress ang suot hanggang tuhod, hindi vulgar ang suot kasi magpapakita ako sa magulang ni Lenarj mahirap na baka pangit ang first expression nila sa akin. Halos 12 na at nandyan na ulit yung sundo ko wala ulit sina papa at mama kaya naman nagiwan lang ako ng notes at dinikit sa ref namin bago ako lumabas ng bahay. Muli akong pinagbuksan ni Tito Robert ngumiti ako sa kanya ganon din sya sa akin. Pumasok na ako sa bagong dala nyang sasakyan. Isang black na Mitsubishi Mirage.

Ngumiti ulit sa akin si Lenarj pagkasakay ko. Buti nalang may aircon ang sasakyan nila. Naka black long sleeve si Lenarj na hanggang siko ang gwapo nya sa suot nya na iyon. Ngumiti ako pabalik sa kanya. Nag kwentuhan ulit kami ni Lenarj habang nasa byahe. Tsaka ko na alala na wala pala akong dala para sa mama at papa ni Lenarj.

"Okay lang ba wala akong dala para sa magulang mo?" Nagaalalang tanong ko sa kanya. Natawa sya at ginulo ang buhok ko. Inis ko syang tinignan.

"Okay lang sa kanila iyon, ang mahalaga makilala mo sila." Muli syang ngumiti sa akin.

Tumango at hindi na nakipagtalo pa sa kanya. Kabado ako habang palapit na ng palapit ako sa mansion nila. Dulong bahagi iyon ng lungsod kaya naman konti nalang ang nga kabahayan na nasa paligid. Tanaw ko na ang malaking gate at pader ng mansion nila. Halos hindi ko matanaw ang first floor ng bahay nila sa pakiwari ko fourth floor ang mansion nila malawak iyon na para bang sila ang nagmamayari ng buong lupain. Tumigil kami sa harap ng gate, gate palang lumilitaw na ang kapangyarihan ng mga Alastair. Maraming bodyguards ang mga nasa labas ng gate at kahit sa bawat sulok ng pader nito. Puno ng mga cct camera ang gate ng mansion nila. Bumukas ang gate at muling umandar ang sasakyan. Huminto lamang ito sa harap ng pinto ng mansion nila. Naunang bumaba si Lenarj habang ako ay kabado hanggang ngayon... parang lalong lumakas ang kaba ko.

Naglahad si Lenarj at lumabas na ako ng sasakyan. Sobrang presko ng hangin sa labas ng mansion nila. Maraming mga nakatanim na puno at halaman sa bawat palagid. Bumukas ang pinto at nagsilabasan ang mga maid ng mansion pumila sila at sabay sabay na yumukod. Sunod na lumabas ang isang babaeng nasa edad 40 nakangiti sya sa amin ni Lenarj. Sa suot nyang Channel dress, kumikinang ang mga pearl na necklace and bracelet, a diamond ring kakikitaan mo sya talaga ng kapangyarihan at kayamanan.

Center of Attraction [Melody Series 1]Where stories live. Discover now