7

5.4K 148 2
                                    

Ako at ang Emperor ay nasa dining Area. Nag-aagahan. Dalawa lang kami kumakain dito. Maraming mga Maid ang nasa gilid at naghihintay lang sa utos ng Emperor

While si Bessie ay nasa tabi ko at pinapakain ako. Nakasanayan kona rin ang kumain kasama ang Emperor, mas ok nayun dahil masasarap ang mga pagkain dito

Pansin ko lang na wala nakong nakikitang Seafoods dito, good for me, na trauma pa naman ako sa huli kong kain ng Seafood

Ang saklap lang dahil Favorite ko yun tapos ngayon hindi nako pwedeng kumain. Ang fragile talaga ng katawan na to

"I'm leaving" biglang sambit ng Emperor, napatingin ako sakanya

So?

"For 7 days" dagdag nya

Bakit naman sinasabi sakin ng Emperot na to? Nakinig lang ako at hindi tumugon

"So... behave!" Sabi nya pa

Kung magsalita sya parang ang Misbehave ko ahh, sa nakalipas ngang ilang araw ay wala pa kong ginawang kalokohan

Pero ano kayang gagawin nang halimaw nato? At namamaalam na? Inalala ko kung anong Meron ngayon. Kung hindi ako nagkakamali ay pupunta sya sa Venomous kingdom para makipagkasundo sa Hari

Ang Venomous Kingdom ay ang pinakamalakas na kaharian sa mundong ito. Pangalawa ang Archan (our kingdom) marami sa kaharian nila ang makapangyarihan at mababangis, balita ko ay mga makamandag na ahas halos lahat ng nakatira doon

Makipagkasundo ang Ama ko na hulihin ang mga Yakuza pero embis na magkasundo ang dalawang panig ay naging magkaaway pa ito

Aksidente kasing napatay ng Male lead ang nag-iisang prinsipe ng Venomous. Yeah, nandoon din ang Male lead sa Venomous Kingdom ng makipagkasundo ang Emperor. Nandoon sya para kumuha ng Chalia

Ang chalia ay isang uri ng bulaklak na tanging lunas sa tuklaw ng isa sa pinakamakamandag na ahas

Doon lang makukuha ang Chalia sa Venomous Kingdom kaya doon nagpunta ang Male lead. Kailangan nya kasi yun dahil natuklaw ng ahas ang Female lead

Ang sweet diba? Hahaha. Pero sa kasamaang palad ay nagkasalubong sila ni Mathias (prince of Venomous). Tinangkang patayin ni Mathias si Steve dahil mayroon syang Golden Bracelet. Self defence lang ang ginawa ng Male lead at hindi nya sinasadyang mapatay si Mathias

That mistake cause a big chaos between Arcan and Venomous. Nagkaroon ng malaking digmaan

Yun naman talaga ang plano ng mga Yakuza, ang gawing magkaaway ang dalawang panig para mas madali na nilang mapabagsak ang Archan clan

And i won't let that happen. Aba wala nakong pakealam kung masira ang plot ng estorya nato. Mag gyerahan nalang sila kapag nakalabas nako ng kwentong ito

So my first step is to save Mathias from death

"Wag kang gagawa ng kalokohan, kitten" babala ng Emperor sakin, tumango tango naman ako at ngumiti.

Talagang hindi ako gagawa ng kalokohan, father!

Tinignan nya pako na para bang naghihinala bago punasan ang bibig nya ng tissue at umalis sa hapag

While naghahanda ang Emperor sa pagpunta sa First Kingdom, naghahanda naman ako kung paano makakasama sa kanila ng hindi nya nalalaman

•••

Pinagkasya ko ang sarili ko sa isang box. Magkaiba ang Kalwaheng sinasakyan namin ng Emperor. Eng karwahe nato ay pinaglalagyan ng mga ginto, pilak at ibat iba pang kayamanan ng Emperor

This karwahe is different. Masyadong mabilis na dinaig pa si Flash

Sosyal diba? Nakasilip kasi ako sa maliit na butas kaya nakikita ko ang dinadaanan namin

Ilang oras din ang binyahe namin, nagpipigil nalang ako ng antok, tapos ang init init pa dito sa loob. Hyst!

Bumagal ang pagtakbo ng karwahe kaya napasilip ako, nasa bayan na kami ng Venomous, parang ordinaryong mamamayan lang naman sila, pero karamihan sa kanila ay kakaiba ang itsura

Parang si Valentina!

malapit na kami sa patutunguhan ng Emperor. Tanaw na tanaw kona ang Palasyo

Dang! Pati ang Palasyo ay nakakakilabot pero maganda, isang tingin palang ay alam mo ng mapanganib ang mga tao dito--kung tao paba sila

Agad akong lumabas sa box at maingat na binuksan ang pinto ng karwahe, at ng makaseguradong walang makakakita sakin ay bumaba nako at agad nagtago

Nakasuot ako ngayon ng damit na commoner, para hindi nila mahalata na isa akong Prinsesa

Naglakad lakad ako at hinanap ang Male lead. Nasa gitna parin ako ngayon ng mga Taong nagtitinda ng kung ano ano. Dito magtatagpo ang landas ni Mathias at Steve

Maya maya lang ay nakita kona si Steve. Nakasuot sya ng damit ng mga Venomousian, at ang mukha nya ay natatakpan ng suot nyang dark-blue hat

Of course makikilala ko sya! Hindi ko makakalimutan ang Sombrero nayan na parang hunter hahaha!

Napatingin ako sa unahan nya at malapit na silang magkasalubong ni Mathias. Nakasuot din ito ng commoner at Mask kaya hindi sya nakilala ng mga mamamayan nya. Pero nakilala ko sya dahil sa buhok nyang Violet

Agad akong tumakbo papunta sa gawi ni Mathias

Wala pakong plano pero bahala na!

Niyakap ko sya para matigil sa paglalakad at dahil maliit lang ako ay hanggang bewang lang nya ko

"What the hell!" Sigaw nya, hindi ko sya pinansin at nilingon ang gawi mi Steve, at malapit na sya!

Damn! Hindi sya pwedeng makita ni Mathias! Agad kong hinanap ang Golden-bracelet sa kamay ni Mathias. Pero wala! Sunod kong tinignan ang Leeg nya pero wala rin

"Anong ginagawa mo" sigaw nya. I look at him, tinanggal ko ang mask nya at hindi naman ako nagkamali dahil sya nga si Mathias, meron syang Ash-gray na mata na tanging sya lang at ang angkan nya ang Meron

Nagulat pa sya, hindi ko alam kung dahil sa pagtanggal ko ng Mask nya o dahil sa pagkakita nya sa mukha ko

Nakakuha na kami ng atensyon pero wala na kong pake. Nagpatuloy lang ako sa paghahanap sa buong katawan nya habang sya ay tulala parin sakin

"Nasaan nayun?" Bulong ko habang nakakunot ang noo

Wala talaga ehh! Hindi kaya... natanggal na nya? Pero ang nangyari sa kwento ay meron sya non

Bigla nalang may humawak sa dalawang braso ko at nilayo ako kay Mathias

"Prince Mathias" sabay sabay na wika ng mga kawal at nagsiyuko. Labing dalawa sila at ang dalawa ay ang nakahawak sakin. Napatingin ako sa paligid at nakahinga ako ng maluwag nang makita kong umalis na sa gawi namin ang male lead

Pero paano naman ako? Dang!

Hindi pwede to, pag nalaman ng halimaw kong ama ay patay ako. Sh*t

"Welcome back your highness! We're glad that your safe" wika ng kawal na syang leader yata. Hindi ito sinagot ni Mathias at nakatitig lang sakin

Kanina pa to ahh? Kunti nalang iisipin ko nang na love at first sight sya sakin

"Don't worry your highness, we will kill this mortal for what she did" kawal

I froze, ano raw? Papatayin ako?

"Let her go" malamig na sabi ni Mathias sa dalawang kawal na nakahawak sakin. Nagulat pa ang dalawa pero sumunod naman

Nagtataka akong napatingin kay Mathias na ngayon ay walang emosyon naglalakad papunta sa gawi ko. Pagkalapit nya ay hinawakan nya ang kamay ko at hinila pasakay sa Karwaheng dala ng mga kawal

Reincarnated As The Unwanted Child Of Emperor (Completed)Where stories live. Discover now