17

4.8K 145 4
                                    

Nabalitaan kong nanalo daw ang Archan sa nangyaring labanan pero may mga nakatakas paring Yazuka. Katulad nalang ng Hari nila na si Lotus

Alam kung hindi pa ito ang katapusan ng Yakuza, nagsisimula palang

"Princess, kailangan mo ng gumising" Bessie

hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtulog. Tang*na, ganda ganda ng panaginip ko sisirain nya

"Princess naghihintay na sa inyo ang Mahal na Emperor" Bessie

edi maghintay sya! Wala akong pake

"Princess pupunta raw kayo sa bayan"

Bayan?

Wait...bayan? agad nawala ang antok ko sa sinabi nya. Napabangon ako

"Pupunta kami sa bayan?" Pag-uulit ko sa sinabi nya. Nakangiti naman syang tumango tango

"Edi, let's go" hindi kona sya hinintay at patakbong pumunta sa Banyo

pagkatapos akong pinaliguan ni Bessie ay binihisan nya na ko ng bestida at hinatid sa hapagkainan. Pagkarating ko don ay wala pa ang Ama ko, seguro nagpapaganda pa. Aruhh!

Dinaig pa ang babae hahahha. Napaisip ako kung bakit hindi pa nag-aasawa ulit ang Emperor. Diba ganon naman sila dito kapag namatay ang kasulukuyang Empress ay hahanap ng bago ang Emperor. Pero lumipas lang ang taon at hindi pa sya nag-aasawa

wait.....hindi kaya...pupunta kami sa bayan ay para maghanap na sya ng Babae??? O to the M to the G, OMG!

Seguradohin nya lang na mabait ang pipiliin nya dahil kapag hindi ko nakasundo ay Ewan ko nalang. Syempre hindi ako magpapatalo sa magiging Madrasta ko

ano sya diamond?

Kasi ako gold (◞‸◟;)

Nagsimula nakong kumain kahit wala pa ang Emperor. Kahit naman kasi sya hindi ako hinihintay, kaya maging patas tayo

"Bad girl" saad ng bariton na boses. Napatigil ako sa pagsubo at napabaling sa Ama kong kararating lamang

nagmana po sayo!

Umupo na sya at nagsimula naring kumain. Tahimik lang kaming kumakain pero hinihintay ko talagang banggitin nya ang pagpunta namin sa bayan. Aba excited yata ako dahil kinukulong nila ko dito sa palasyo

Sino ako si Sleeping beauty?

"Ehem" tikhim ng ama ko. napatuwid ako ng upu, napangiti ako, sa wakas babanggitin nya na ang pagpunta namin sa bayan

"Pupunta ako sa bayan" panimula nya. Anong ako? Tayo! "stay here" dagdag nya na nagpawala sa ngiti ko

no way, nakapaghanda na nga ako tapos hindi nya ako isasama?. Unfair!

"Sasama ko" kontra ko. Tumingin sya sakin at tinaasan ako ng kilay. Taray!

"Dito ka lang" he said

"No, sasama ko" aba, ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang si ako...pfft

"I said stay here" mariin nyang sabi. Napasimangot nalang ako at yumuko, Mukhang hindi kona sya mapipilit. Bagsak ang balikat kong sumubo ng pagkain, kahit napipilitan. Wala na, boring na naman ang buhay (。•́︿•̀。)

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya

"Okay, sasama ka sakin" sabi nya, gulat akong napalingon sa kanya, tama ba ko ng narinig? "In one condition, stay by my side" dagdag nya

"Walang problema" agad kong sagot habang tumatango tango

•••

Pagkarating namin sa bayan, agad kong binuksan ang pinto at bababa na sana ng may humawak sa damit ko. Sino paba ang kasama ko dito? Edi ang halimaw kong ama

Reincarnated As The Unwanted Child Of Emperor (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora