13

4.8K 125 7
                                    

Nakahiga ako sa puting kama habang ginagamot ng isang lalaki, hindi parin ako maka move-on sa nangyari kanina. Akala ko talaga tinamaan na ang puso ko tapos yun na ang katapusan ko, buti nalang daplis lang pala

Kami lang ng doctor ang narito, pagkahatid kasi sakin ni Lotus ay umalis din agad

"Hindi ako makapaniwalang pinagtanggol ka ni King" malamig na sabi ng doctor

"Ako rin" sagot ko nalang. He giggle

"Kakaiba ka nga, Bakit kilala mo ba sya?" He ask, tumango tango naman ako. Syempre, mas madami pa nga akong alam kesa sayo eh

"I can't blame him"

Bigla nalang pumasok si Lotus, kasama ang isang lalaking walang mukha. What the...as in walang ilong walang mata walang bibig. Paano sya nakakahinga nyan?

"Leave" malamig na sabi nya sa doctor bago naglakad papalapit sakin, nagbow ang doctor bago lumabas

Hinawakan nya ang damit ko at itinataas na sana pero agad ko itong hinawakan

"Why?" He ask. Damn!

Ang bastos talaga ng lalaking to, joke! Over reacting masyado ang utak ko

Eh bakit ba? Nakakahiya, kahit bata pa ang katawan ko ay matanda naman ang pag-iisip ko, para hayaan ko syang hubaran ako. Enebe!

Hinuburan naman ako ng doctor kanina pero magkaiba sila, at saka namalayan kona lang ay wala nakong damit kanina

"Don't" sabi ko at tinampal ang kamay nya

"What's your problem?" Kunot noong tanong nya pero maya maya lang ay ngumisi ito at humalakhak

"Stop making me laugh Little doll" tawang tawa nyang sabi. Edi sya na masaya, sinamaan ko sya ng tingin pero mas lalo lang lumakas ang tawa nya

Ang babaw talaga ng kaligayahan ng lalaking to

"copy her face, make a clown and bring it to the Emperor" sabi ni Lotus doon sa lalaki

What? clown? Ang ibig nila bang sabihin ay gagawa sila ng clown saka papatayin at dalhin sa Emperor para palabasin na patay na ko? Ganito rin ba ang nangyari sa Original Story? So possibleng buhay pa si Danesa pagkatapos non

Bakit hindi ko alam???

Hindi ito nakasulat sa storya

"Yes my lord" sagot ng lalaki. nakakapagsalita kahit walang bibig(‧_‧?)

Pwede ba yun?

kinuha ako ng lalaki at dinala sa kwartong puro salamin, sumunod samin si Lotus

Pinahiga ako ng lalaking walang mukha sa mesang salamin saka sya lumayo ng kaunti. napansin ko sa kaliwa ang isang batang wala ng buhay, nakahiga din sya sa mesa katulad ko.

Itinaas ng lalaki ang kanyang dalawang kamay sa ere. May biglang lumitaw na Magic Circle sa ibabaw ko, malaki sya, magkakasya ako. Naramdaman ko ang unti unti kong paglutang sa ere hanggang sa napasok ako sa loob ng Magic Circle

Kitang kita kopa rin sa ibaba sina Lotus at ang lalaking walang mukha. may ginagawa sya sa Magic Circle

Mainit dito sa loob at pakiramdam ko ay binabalatan ang buong katawan ko. Napansin ko na wala na pala akong saplot kaya agad kong tinakpan ang private part ko at dibdib

Mahirap na, may nakatingin sakin!

Pansin kong lumiliwanag pala ako dulot ng bilog na circle na to. Maya maya lang ay humihina na ang enerhiya ng Magic circle. Nawala narin ang liwanag sa katawan ko, nakakahinga na ako ng maluwag

Naramdaman kona lang ang malamig na mesa. Bumalik na sa dati ang lahat, nawala na ang magic circle at nakahiga narin ulit ako sa kama pero wala parin akong saplot

Namula ang mukha ko sa hiya dahil nakatingin parin sakin ang dalawa. Wala palang mata ang isa kaya hindi ko alam kung saan nakatingin

pansin ko lang, nakakahinga sya kahit walang ilong tas nakakapagsalita sya kahit walang bibig tapos nakakakita rin sya kahit walang mata....( -_ - ;  ) bat ganon??

"Pfft!" Binato ni lotus sakin ang Coat nya at dali dali ko naman yun sinuot, nagsilbi itong dress sakin dahil sa sobrang laki at liit ko. pagkatapos ay bumaba nako sa mesa pero sa kasamaang palad ay sumubsob ang mukha ko sa sahig, dang! Bigla kasing umikot ang paningin ko

"Silly girl!" Naiiling iling na sambit ni Lotus, kapal din ng isang to eh, kung sya kaya ang ipasok sa magic circle?

Tumayo nako muli at pagiwang giwang na naglakad, inakbayan ako ni Lotus at giniya palabas

Langyang lalaking to, alam na nga nyang nahihilo ako tapos aakbayan pako eh ang bilis nyang maglakad. Nagpadagdag pa sa hilo ko ang braso nyang mabigat

Naiwan namin ang lalaking walang mukha sa luob dahil may ginagawa sya sa batang bangkay. Seguro yun na ang gagawin nyang clown ko

Kawawa naman ang batang yun, pinatay ba sya ng mga to para maging clown ko? Tsk mga demonyo nga

Wag naman sana ako matulad doon, Amen!

Reincarnated As The Unwanted Child Of Emperor (Completed)Where stories live. Discover now