16

4.8K 131 4
                                    

"Worried" sabi ng boses sa likod ng tenga ko

i froze. Hindi dahil sa lapit nito sakin kung hindi dahil sa pamilyar nitong boses, tinakasan yata ako ng kaluluwa. Multo?

Agad akong humarap sa likod ko at halos lumuwa ang mata ko ng makita kong ang Ama ko. Buo sya, hindi putol ang ulo at walang saksak sa dibdib. Paanong nangyari?

Agad akong napalingon doon sa Pinatay ni  Lotus. Nandoon parin ito pero unti unti ng naglalaho na parang bola.

Si lotus naman ay nakasarado ang kamao habang matalim na nakatingin sa likod ko

"Paano?" Tanging nasambit ko. Buhay pa sya at ito nakatayo sa tabi ko. So clone nya lang pala ang nakipaglaban kay Lotus?

Inalala ko ang Original Story kung meron ba syang ganong power. Pero wala naman akong naalala, seguro dahil sa nakafocus ang istorya sa Male at female lead kaya maraming hindi nasabi sa istorya tungkol sa Ama ko

langya, ano bang trip ng mga tao dito at ang hilig nilang magpanggap na namatay? Pero kahit inis ako ay aaminin kong nakahinga ng maluwag ang puso ko

tang*na! Pati ako ay naging corny narin

"I will not die easily, kitten" Saad ng Ama ko

"Oo nga pala mahirap mamatay ang masamang damo" mahinang sagot ko

lumutang nalang ako sa ere dahil kinuha ako ng Halimaw kong Ama at hinarap sa kanya. Pinakatitigan nya ako at ganon din ang ginawa ko. Ngayon ko lang natitigan ng matagal ang kulay dugo nyang mga Mata

"Not change, you're still ugly" sambit nya, napasimangit tuloy ako. Hindi rin sya nagbago, mapanlait parin. Sarap gilitan ang mukha nya para mawala na ang gwapo nyang pagmumukha

"You are more ugly" bawi ko

"Pfft!" Nagpipigil ng tawa si Mathias, napatingin tuloy ako sa kanya but he just wink at me. Ugh!

"I should punish you for leaving again" seryosong sabi ng Ama. Napatanga nalang ako, ano? Nakidnap na nga ako tapos yung punish punish nya pa rin ang nasa isip nya. Aba gago!

Inilagay nya ako sa balikat nya na parang jacket. Naalala ko tuloy ang unang beses nya akong kinarga. Kapag talaga lumaki ako at naging abugado ay kakasuhan ko sya ng Child- abuse

"Step back and you'll dead" biglang sabi ni Lotus kaya napatigil sa tangkang paghakbang ang Halimaw

"Are you threatening me?" Walang emosyong tanong ng Ama ko

"If that's what you think" Lotus

Hindi sya pinansin ng Ama ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nakakadalawang hakbang palang sya ng merong lumitaw na mga Anino. Marami sila at nakapalibot samin, lahat sila ay nakahawak na espada. Kakaiba sila doon sa mga unang nilikha ni Lotus. Ang mga ito ay masyadong mabilis at malakas. Ang tanging paraan lang para mapatay sila ay kapag natanggal ang Espada sa pagkakahawak nila. Pero masyado nila itong hawak ng mahigpit

so... magpapatayan naba talaga ang magkapatid na to? Kasi kung oo ay sana paalisin muna nila ko. Hindi dapat ako madamay dito!!!!!

"Monster, diba mabilis ka namang tumakbo. Sge takbo na para makauwi na tayo" mahinang sabi ko sa Halimaw kong Ama

"Try to call me Monster again and you'll see what monster really is" pagbabanta nya

napalunok nalang ako at hindi na nagsalita. Kusa nalang humawak ang kamay ko sa Leeg ko dahil nakatingin parin sya sakin. Yung titig na nakakapangliit. What if...kunin na naman nya ang dugo ko? No way! I won't let that happen again

"A waste of time" sambit ng Ama ko doon sa mga Anino "Sleep" baling nya sakin

"Huh?" Nagtataka kong tanong

ako matutulog sa gitna ng laban? May sayad ba sya?

"Just sleep or else..." Tumingin sya sa leeg ko. Agad ko namang pinikit ang dalawang mata ko at sinubsub ang mukha ko sa balikat nya. Naramdaman ko syang gumalaw pero maingat naman para hindi ako malaglag, naramdaman ko rin ang kamay nya sa likod ko

alam kong nakikipaglaban na sya sa mga Umaataking Anino pero wala akong paki, alam ko namang wala lang sila sa Halimaw nato, kaya...Babus, matutulog nako!

•••

Nagising ako sa malambot na kama. Dahan dahan kong minulat ang mapupungay kong Mata at natagpuan ang Sarili sa kwarto ko sa Palasyo

nakauwi na kami?

Nasaan na kaya ang Halimaw kong Ama? At ano na ang nangyari kay Lotus? Pati narin ang corning si Mathias?

Naramdaman kong may mabigat sa hita ko at pagtingin ko doon ay si Cookie pala at mahimbing na natutulog. Bumangon ako at niyakap sya, pinanggigilan ko talaga!

"Ack-meow!" Cookie

"How are you my little cuty kitty?" I said

"Meow" sagot nya

ang sabi nya ay ok lang daw Hahaha!

Ibinalik kona sya sa lap ko at hinimas himas ang balahibo nya

"Princess, your awake" sabi ng pamilyar na boses. Pagtingin ko sa kabila ay si Bessie pala

"Alam ko" pamimilusupo ko

agad syang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit

"Masaya akong malamang buhay kapa, Princess, ang akala namin ay patay kana" mangiyak ngiyak nyang sabi. Napailing nalang ako pero yumakap naman pabalik. Masaya rin ako dahil may naghihintay pala sa pagbalik ko

Pinaliguan na nya ako at pagkatapos ay dinala palabas, nagtataka pako kung saan kami pupunta pero nasagot naman yun ng mapamilyaran ko ang daan

Dinala nya ako sa Dining Area. Nandoon nang nakaupo ang Ama ko at nakatitig sakin. Yumuko si Bessie dito bago ako pinaupo sa katabing upuan ng Ama ko. Pagkatapos non ay narinig kona ang paalis na yabag ni Bessie,  nakayuko lang ako at naktingin sa mga daliri ko, nakatitig parin kasi sya sakin at hindi gumagalaw

ano bang problema nito sa mukha ko at hindi nilulubayan? Hindi ako komportable!

Tumingin nalang ako sa mga pagkaing nasa Mesa, hindi ko maiwasan ang pagliwanag ng Mata ko dahil matagal tagal narin ako ng hindi nakakakain ng masasarap. Doon kasi sa Kweba ay hindi special ang pagkain nila, basta't matatawag lang pagkain

kumalam ang sikmura ko na ikinayuko ko ulit dahil sa hiya, lalo pat ramdam na ramdam ko parin ang titig nya sakin. Ano bayan!

Syempre may hiya pa naman ako lalo pat ang tagal naming hindi nagkita

"Eat" monster

Reincarnated As The Unwanted Child Of Emperor (Completed)Where stories live. Discover now