18

4.7K 127 1
                                    

STEVE'S POV

"Kevin nandito ang Emperor" balita sakin ni Shun, hingal hingal ito dahil sa pagtakbo

Sya ang kaibigan ko, sya lang ang nakakaalam dito na ako ang First prince

sumeryoso ako at iniligpit na ang mga hinuli naming baboy ramo. Kailangan kong lumayo habang maaga dahil kahit hindi nya ako makita seguradong maamoy nya parin ako

Ayaw kong sumama sakanya, ayaw kong bumalik sa Palasyo at gawin nyang susunod na Emperor. Galit ako sa kanya dahil parang weapon lang ang tingin nya sakin

mas lalo lang nadagdagan ang galit ko ng malamang patay na ang Ina ko tapos parang wala lang sa kanya

Gusto ko nalang tumira dito sa bago kong pamilya ng habang buhay. At sana wag na nya akong guluhin dahil kahit ama ko sya hindi ako magdadalawang isip na labanan sya

"Nandoon sila sa pamilihan nina Nanay Lucy" dagdag pa ni Shun na nagpatigil sakin

hindi kaya alam na nya na kina Nanay lucy ako nakatira? Hindi maari, bago nya pang saktan ang pamilya ko ay papatayin kona sya

agad akong tumakbo papunta sa bayan, iniwan ko don si Shun na tinatawag pa ko.

That old man, subukan lang talaga nyang idamay sina Nanay Lucy. Lalong lalo na si Milla

pagkarating ko sa bayan, lahat ng tao ay iisang dereksyon lang ang tinitignan. Nagtago ako sa likod ng isang bahay at sinilip ang tindahan ni Nanay Lucy. Nakita ko doon ang Ama ko, isang bata at anim na kawal

napakunot ang noo ko ng mapagtanto ang ginagawa nila. Inabot ni Milla ang isang cellophane na may lamang barbique sa batang babae at binayaran naman ito ng Emperor

napatitig ako sa batang babae, Kamukhang kamukha nya ang aking Ina.

Danesa Circe Archan

I thought she dead?

pero ang ikinagulat ko ay kung paano sya tratuhin ng Emperor. Kahit kaylan ay hindi ko naisip na bibili sya sa ganyang tindahan at mas lalong hindi ko naisip na bibilhan nya ng pagkain ang Babae kong kapatid

kahit sakin ay hindi nya gagawin yan, sa nakababata kopa kayang kapatid na Babae?

that child is really something

pinagmasdan kopa silang umalis sa tindahan, nakita kong inalot ng kapatid kong babae ang pagkain sa Emperor at walang pag aalinlangan namang kinuha ito ng Emperor at kumain

napansin kong parang nag-aaway na sila dahil sa Barbique. Gusto ng bawiin ng kapatid ko ang Barbique pero ayaw naman itong ibigay ng Emperor hanggang sa sumakay ang Bata sa likod nya

Akala ko pupugutan na nya ng Ulo ang nakababata kong kapatid dahil sa ginawa nito pero nakakapagtakang binaba lang nito at wala ng ginawa

"Is he still the Emperor?" Mahinang bulong ko

Aalis na sana ako ng biglang tumingin sa gawi ko ang Emperor, kahit napakalayo ko ay parang sa akin sya nakatingin

Nakaramdam ako ng takot at agad na umalis. Kung alam na nyang nandito ako ay bakit hindi pa sya kumikilos?

•••

Umuwi lang ako ng maggabi na. Kailangan kong makasegurado na wala na sa bayan ang Emperor, para narin ito sa kaligtasan nina Nanay Lucy

Natagpuan ko si Nanay Lucy na sinasara na ang tindahan nya

"Oh hijo, bakit kayo ginabi?" Nagtataka nyang tanong. Nagmano muna ako sa kanya bago sumagot

"Kunti lang po kasi ngayon ang mga baboy ramo sa gubat kaya nahirapan kaming makahuli" palusot ko

"Magandang gabi po Nanay" bati ni Shun at nagmano narin saka ibinigay kay Nanay Lucy ang mga nahuli naming baboy ramo

Reincarnated As The Unwanted Child Of Emperor (Completed)Where stories live. Discover now