19

4.5K 125 4
                                    

DANESA'S POV

"Awwww!!!" (Wolf's howling)

Nagising ako dahil doon, Sa tagal kong narito ay ngayon lang ako nakarinig ng tumatahol na lobo dito sa palasyo. Syempre ang nakatira dito ay Vampire diba? At magkalaban sila

bumaba ako sa kama at nagpunta sa Veranda, sinalubong ako ng malakas at malamig na hangin. creepy!

Nanlaki ang mata ko ng mapansing kulay pula ang buwan, blood moon!

Kapag ganyan ang buwan dito ay nawawala raw sa sarili ang ilan sa mga Vampire at pumapatay ng tao para makainom ng dugo. Holyshit!

Pero syempre kahit may lahi akong vampire ay hindi ako mawawala sa sarili dahil hindi pako tuluyan naging Vampire. I mean, batang vampire palang ako hahahaha! (Gets nyo?)

Agad akong pumasok sa loob at sinara ang pinto ng Veranda, cheneck ko rin ang main door kung naka lock na. ALam nyo na, may kasama akong Vampire sa iisang bubong kaya dapat na mag-ingat ako. Malay natin ako pa ang maging biktima at matagpuan nalang bukas ang bangkay ko

"Awww!!!"

Napatakbo ako sa kama ko at nagtaklob ng kumot. Ano bayan, hindi naman ito first time mangyari pero natatakot parin ako

natatakot sa sariling lahi self?

Oo nga no, may lahi din akong Vampire kaya bat bako natatakot???

Blaggg!!!

"Ahhh!!!" Tili ko dahil sa gulat, paano ba naman may kumalabog sa pinto ng kwarto ko, nasundan pa yun ng sunod sunod na kalabog

Tang*na! Tang*na! Tang*na!

Ito na nga ba ang sinasabi ko, bakit ba kasi dito pa ko na reincarnated sa lugar ng mga halimaw? Kinagat kona ang kumot ko habang nakatingin doon sa pinto

sino bang may gawa non? Ang halimaw kong Ama ba? Wag naman sana

kung sino mang god or goddess ang nakakarinig sakin. Please help! Ayaw ko pang mamatay

BLAGGG!!!

Malakas na kalabog pero hindi nayun sa pinto ko, parang sa kabilang pader

"Arg!!!" Hiyaw ng boses sa labas

Sh*t! Ano na bang nangyayari sa labas? Kahit kinakabahan ay dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto. Wala ng ingay, wala ng kalabog. Anyari?

naghintay pako ng ilang sandali pero wala ng ingay. Dahan dahan kong binuksan ang pinto, bahagyan ko lang ito binuka saka sumilip

nanlaki ang mata ko sa nakita. May lalaking malaki ang katawan na nakatalikod sakin, and worse is may kawal sa harap nitong nakatagilid sa pader at iniinom nya ang dugo. HAwak nito ang gilid ng ulo at balikat ng kawal para masipsip ang dugo sa leeg

napatakip ako sa bibig ko, pinipigilang sumigaw. Kitang kita ko ang mukha ng lalaking nakatagilid, nakatirik ang mata nya at sumusuka na sya ng dugo

kahit nakatalikod ang lalaking malaki at maskulado ang pangangatawan ay kilalang kilala kona sya. Sino paba edi ang halimaw kong Ama na may lahi ni satanas

napaatras ako ng bigla syang lumingon sa gawi ko. Isasara kona sana ang pinto pero agad nyang naiharang ang kamay nya. Para syang mabangis na hayop na nakatingin sakin, ang mga mata nya ay naging lightening-red. Ang mahahaba nyang pangil ay nagngingit ngit at may dugo pa

sa takot ko ay agad akong tumakbo palayo at nagtago sa ilalim ng kama ko

this is my worst night ever!

Kinakabahan nako, paano kong matulad ako sa lalaking yun. Naalala ko sa original story na nawalan din ng kontrol si Steve at muntik nya pang mapatay si Milla kung hindi lang malakas ang power of love nila

Eh yung halimaw kong Ama kaya, nawalan din ba sya ng kontrol ngayon? Paktay! Wala namang power of love sa pagitan namin eh kaya paktay na talaga ang buhay

Napatili nalang ako ng may humila sa paa ko palabas. Ng mapagtanto kong ang Ama ko yun ay agad akong nagpumiglas

"What are you doing?" Kunot noong tanong nya

"Bitawan moko, hindi mo ko pwedeng patayin, may biktima kana diba? Kaya sapat nayun" sigaw ko, may nahawakan akong bottle at agad yun binato sa mukha nya

sapol!

"What the hell is happening to you?" Galit nyang sigaw habang nakahawak sa mukha nya

napatigil ako at pinakatitigan sya. Teka nasa tamang pag-iisip ba sya? Akala ko nawawala na sya sa sarili nya. Ne-record ko sa utak ko ang mga ginawa ko kanina. Sh*t!

Ano na naman bang kabaliwan ang nagawa ko????

"Crazy little kitten" walang emosyong sabi ng Ama ko. Napaiwas nalang ako ng tingin

"Ano ba kasing ginagawa mo dito at sa harapan kopa talagang naisipan mong mang murdered?"

oo nga pala, ganon ba sya ka merciless para pati ang sarili nyang tauhan ay pinapatay nya?

"Don't look at me like that, he is an Enemy so he deserve it" saad nya

"Enemy, Wee?" Me

"Tsk! Stupid" sabi nya bago tumalikod

"Teka iiwan moko dito?" Tarantang tanong ko at sumunod sa kanya

pagkatapos ng nangyari paano ako magiging palagay nyan

natigil ako sa paglalakad pagkakita sa lalaking biniktima ng aking Halimaw na Ama. Langya! Y-yung...yung lamang loob nya....

may bigla nalang tumakip sa mata ko

"Don't look" monster said. Pilit kong tinanggal ang kamay nya, aba kahit na malaswa ay gusto ko paring tignan. Nakaka curious kaya kahit nakakasuka

Inalis nya na ang kamay nya sa mata ko pero wala na ang lalaki, ang mga paalis na kawal nalang ang nakita ko. Mukhang nilinis na nila, sayang!

"You don't want to be alone right?" Tanong ng Ama ko, i nodded "then sleep beside me"

"Hind, nagbago na pala ang isip ko gusto ko ng mapag-isa" pagbawi ko at agad na pumasok sa kwarto ko

Mas malalagay yata sa panganib ang buhay ko kapag nakatabi ko sya kaya wag nalang

ni lock ko ulit ang pinto saka pumunta sa kama para matulog na

•••

ilang oras na ang lumipas pero hindi parin ako makatulog. Bumangon ako at kinuha ang dalawang unan at kumot ko saka naglakad papunta sa closet

Binaba ko muna lahat ng damit kong naka hanger at ginawang banig. humiga nako at sinara ang pinto

wala akong pakealam kung malawayan ko ang mga damit na to, ang mahalaga ay makatulog ako. Maya maya lang ay nakatulog na ko

Reincarnated As The Unwanted Child Of Emperor (Completed)Where stories live. Discover now