Special Chapter

7.2K 212 62
                                    

Nakaupo ako sa isang duyan at pinapanood ang mga nangyayari sa mundong ginawa ko para sa mga ligaw na kaluluwa, mula sa malaking salamin sa harap ko

"Hayyy!" Hinga ko ng malalim at humiga sa duyan habang may malawak na ngiti. I am happy that the girl I chose succeeded. The god of time saw the future of my world, after he told me meron na agad pumasok na solusyon sa utak ko. Kung nagkataong nangyari ang nakita ng God of time ay mawawalan ako ng control sa mundong ginawa ko at maapektuhan din ang ibang Gods at Goddess

so i ordered Emperor Harris to kill his clan. Nagawa nya nga at napigilan non ang pagkawasak ng mundo, pero dahil sa paghihiganti ng kapatid nyang si Kaizen or Lotus ay pwedeng matuloy ang pagkasira ng mundo ko

so i make a plan B. At yun ay ang kumuha ng isang kaluluwa sa Earth. Napili ko si Jennie, a girl na walang ibang ginawa kundi ang magbasa. The novel she thought she read is not true, nilagay ko lang yun sa memorya nya para magkaroon sya ng idea sa mga gagawin nya sa mundo ko

namatay talaga sya hindi dahil plinano ko. Pero dahil sa hiling ni Harris ay wala nakong nagawa kundi ang buhayin sya muli. Pagkatapos ng ginawa nya sakin ay paano bako makakatanggi?

At saka pagkatapos ng unang pag uusap namin ay nangako ako sa kanya na pwede syang humingi ng isang favol sakin

Lumitaw sa garden ko si Danesa (ang totoong danesa) sya rin ang pusa ni Jennie na pinangalanan nyang Cookie. Pffft!!!

She bowed

"Greeting the God of Light" pagbati nya

"So...?"

"He want to see her"

My eyebrows rise, akala koba naipaliwanag kona sa taong yun na nasa ibang mundo ang pasaway nyang anak?

"Pabayaan mo sya" baliwalang sabi ko

"He said, kapag hindi natin sya pinayagan ay sya mismo ang sisira sa mundo mo"

kahit kaylan talaga...

_______________________________________________

JENNIE'S POV

Nasa klase ako at binabasa ang favorite novel ko, i mean my own novel. Ako ang sumulat nito. Pagkabalik ko kasi dito sa mundo ko ay nalaman kong wala naman talagang novel na The Empire. Kaya pwede ring totoo talaga ang mundong napuntahan ko at hindi nobela

ang title ng Istoryang ginawa ko ay "Reincarnated to the Emperor's unwanted Child"

ang istorya nayan ay kung ano ang nangyari sakin sa loob ng mundo nayun. Wala akong pakealam kung magalit sakin ang may kagagawan ng pagka reincarnated ko dahil pinagkalat ko ang tungkol sa mundo nayun. Kasalanan nya nayun dahil ako ang pinili nya

unfair naman kasi kung wala akong mapapala sa ginawa kong misyon. Duh! Ang hirap kaya. Nakagat pa nga ako ng isang Vampire tapos wala akong mapapala? Unfair!

Bigla nalang may kumalabog sa armrest ko, pagsulyap ko ay isang maugat na kamay ang nasa armrest ko. Amoy na amoy ko ang mabangong pabango nito, i think this is our new professor. Patay! Bad luck na agad ako sa first day nya

nag-angat ako ng tingin at bumungad sakin ang lalaking nakasalamin, ang mga mata nya ay kulay pula na parang dugo, ang buhok nya ay kasing itim ng dilim. I froze

he was looking at me seriously. Napakurap kurap ako ng ilang beses, baka kasi nagkakamali lang ako. Sge aaminin ko ng namimiss ko nga ang Halimaw na yun pero wag naman sanang umabot sa puntong makita ko ang mukha nya sa ibang tao

ilang kurap na ang nagawa ko pero hindi parin nagbabago ang mukha nya

So thats mean....nandito talaga sa harap ko ngayon ang Halimaw kong Ama?

I stunned, napatingin tingin ako sa paligid kung hindi ba ko nabalik sa mundo nayun pero nandito nga parin ako sa classroom namin

"Bad girl" walang emosyon nyang sabi

The way he speak is the same. Sya talaga to?

Anong ginagawa nya dito?

Tinaas ko ang kamay ko at kinurot ang pisnge nya, baka kasi nananaginip lang ako

bakit ang pisngi nya ang kinurot mo self?

Eh kasi masakit yun kaya sya nalang kurutin ko at saka karamihan sa mga panaginip ko ay hindi ko magagawa ang sinasabi ng isip ko

hindi sya nagsalita at hindi man lang nagbago ang expresyon nya, hinayaan nya lang ako sa ginagawa ko

"Ikaw talaga yan Monster?" Tanong ko, he didn't answer. Napipi naba to sa kagandahan ko?

Wag kayo, libre naman daw mangarap

Tumayo na sya ng tuwid

"You should pay attention to my class if you don't want me to drop you out" istriktong sabi nya bago tumalikod at nagpunta sa unahan

malakas talaga ang pakiramdam ko na sya ang Halimaw kong ama pero bakit sya umaarteng hindi nya ako kilala? Seguro dahil nasa totoo ko ng katawan ako ngayon

"Again my name is Harris Villaraza" pagpapakilala nyang muli "We have a transfers anyway" he said. Paglingon ko sa mga classmate ko ay parang naghuhugis puso ang mga mata nila at hindi na magkamayaw sa kilig habang nakatingin sa bagong professor namin

Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking kulay abo ang mata at kulay Lila ang buhok

"MATHIAS" sigaw ko sa gulat, napatingin sya sakin at kinindatan ako

"How did you know my name? Stalker ba kita?" He ask me

lakas ng apog

meron pang sumunod sa kanyang lalaki na pula ang mata at brown ang buhok

"LOTUS" sigaw ko ulit sa gulat

What the hell! Paano sila napunta dito?

"My name is Kaizen not Lotus" nakangisi nyang pagtatama

"Oh my god, kilala mo ba ang mga Angel nayan?" Kinikilig na bulong sakin ng Seatmate ko

"Mahabang istorya" sagot ko nalang

Hindi ko sila masisisi kung ganyan sila mag reack sa tatlong to, para kasi silang mga anak ni Adonis na naligaw at napadpad dito. Hindi man lang binago ang kulay ng mata at buhok nila. At saka nagkabati napala sila ni Lotus, mabuti naman dahil baka nagkaroon pa ng gyera dito

"You can sit now" saad ng Ama ko sa dalawa

"Thanks my Future Dad" sagot ni Mathias

Future Dad?

Agad na pumunta ang dalawa sa gawi ko at pinaalis ang dalawa kong katabi saka sila umupo, ng nilingon ko sila ay parang wala lang sakanila at nakatingin na sa unahan

Nagsimula ng magturo ang Halimaw kong Ama, mukhang sya ang magiging Terror teacher namin.

                                -The End-









































______________________________________________

A.N

The End na sabi eh! wala na talagang kasunod!

Thanks for reading! I love you all❤️❤️

Reincarnated As The Unwanted Child Of Emperor (Completed)Where stories live. Discover now