• UNDENIABLE •

0 0 0
                                    

Pumunta ako sa motor ko para paandarin at e ready na, para umalis.

“Saan ka pupunta? Sena” lumapit sya sa ‘kin

“Uh Reindel, Pupuntahan ko yung friend ko na.. laging broken-”

“Ayo‘ko. Di pwede.” Mariin n'yang sabi

“uh, huh?”
-“May mas kailangan tayong gagawin.”

“Ano?” Hinatak nya ako agad, at sinama sakanya.

***

“Kailangan mo rin mag relax, Huwag puro ibang tao. Sarili mo naman. bango no?” Sabi nya, inabot sa akin ang timpla n'yang kape. Tiningnan nya ang scented candle

“Oo ang Bango, tsaka ano ka ba. Okay lang ako” tumango ako at ngumiti sakanya. Bigla syang natawa

“Ano nanaman? Mangaasar ka nanama-” natigilan ako nang dinampi nya ang hinlalaki nya sa gilid ng bibig ko.

“Oh? para ka talagang bata, kalat mo uminom”

Hinayaan ko lang sya. Maya-maya napatingin ako sa mga labi nya. Sya naman ay, sa mga mata ko. Tiningnan ko rin sya at di ako nagpatinag sa titig nya.

Bumaba ang tingin nya sa labi ko. Naglakas loob akong huwag na s'yang tingnan at ilihis ang tingin sa ibang direksyon

“ahh, siguro-”

Inangat nya ang tingin ko sakanya. Nakahawak sya sa ibaba ng baba ko.

“huwag kang umiwas.” Sabi nya na parang mas tunog utos.

Parang nag slow motion nang dumikit ang mukha nya sa mukha at, dumampi ang mga labi nya sa labi ko. Dahan dahan nya itong ginalaw na parang gustong ipahiwatig na sumunod ako. Kaso!

“Hmm.. Ano ba!” Natulak ko sya. Lumayo ako nang bahagya “Anong ginagawa mo?”

“di ba yan ang gusto mo” Saglit akong naguluhan. Nilapit nya ang mukha nya sa akin na parang nangaakit.

“Binigay ko na? Ang mga tulad mong easy to get. Kita mo na? mabilis lang mahalikan-”

Isang malakas na sampal sa kanang pisngi ang Binigay ko sakanya.

“Walangya ka.” Kinuha ko ang gamit ko bago tumayo na. “Talaga bang all this time?” hindi ko sya matingnan, masakit na ganoon lang ang tingin nya “Oo nga‘t Gusto kita. Pero ganon lang ba talaga ako sa ‘yo?” hindi sya sumagot, na parang wala lang. “Kung ikaw walang naramdaman ako-” Pinipigilan ko man tumutulo pa rin ang luha ko “matagal na kitang mahal. Kahit alam ko na hindi ka pa move on sa past mo. Tinanggap ko yun. sana. Hindi mo na lang pinaramdam ang mga pinaramdam mo.”

Yun na ang huli kong sinabi bago lumabas sa music room nya.

(REIN POV)

Pasensya na kung kailangan kitang saktan. Para layuan mo ‘ko. dahil Masyado kang mabuti para sa ‘kin. Hindi ko gustong idamay ka pa sa gulo ng Buhay ko Sena.

RANDOM STORIES, BY MY IMAGINATION Where stories live. Discover now