•KAHARIAN NG INGLATERRA AT ESPAÑA•

0 0 0
                                    


TAONG 1501

“Nasa labas na ho ang, Prinsepe ng Inglaterra Kamahalan” Tuliro pa rin ang isip ko nang marinig iyon.

Napagtanto ko na panahon na.

“Lalabas na ako” Yun na ang nasabi ko. “Teka.”

“Ano ho iyon?” Pagmamadali nila,

“Ano itsura ko?” Ngumiti sya sa akin, isa sa mga babaeng taga paghintay ko si Helena, at kaibigan ko.

“Na..paka ganda Prinsesa, Namumukod tangi kayo” Ngumiti rin ako di ko masasabing masaya ako. o baka kaba ito.

“Salamat. tayo na.”

*****

ARTHERIS

Papalapit na sya. Ayan na...
Inaaninag ko pa ang mukha nya,

“Pinakikilala! Katharina. Prinsesa ng Aragon,”

Lumabas na sya mula sa tarangkahan ng Kanilang tinutuluyan magmula nang makarating sila rito sa Inglaterra.

Napatunganga ako,
Nasa harap ko na sya.
Nagbigay galang sya,

Gayon rin Ako ngunit... hindi maalis ang tingin ko sa kanya.
Sya na ba talaga iyan? sya na ba ang nakakausap ko sa mga liham na pinapadala namin sa Isat-isa
Hindi ko inasahan na
Ganyan sya ka ganda.

Tumingin sya sa Isa-isa sa mga Gwardya personel ng Hari at mga Aliping tagapagsilbi na kasama ko.

“Pinapakilala ang,” Lumingon sya sa nagsalita “Ang Kamahalan Prinsipe ng Wales, Prinsepe Artheris” Tumingin nga sya sa akin.

Umayos ako ng tindig,
Tumungo lamang ako. Tila hindi ko alam kung maiilang o masisiyahan ako.

___________________ ****

Naglakad lakad kami sa Lawak ng Dogmersfield Hampshire. Nakapalibot saamin ang mga Gwardya ng Hari, mula sa kaharian ng Inglaterra at España. Pati na rin ang mga aliping tagapagsilbi ng Prinsesa, mayordoma at mga babaeng tagapaghintay. pati mga Personel na Yemeon.

“Masaya akong sa wakas Nakilala na kita.” nauna na akong magsalita.

“Gayon rin ako. sa katunayan Matagal ko rin hinintay ito.”

“Gusto kong.. Gusto ko maging komportable ka sa akin. Alam ko bata pa man tayo ngunit, sinisigurado ko sa ‘yo na, magiging mabuti akong magiging Asawa mo at makikinig sa mga ka-kailanganin mo.” Ngumiti sya ng malawak, maging ang mga mata nya ay nagalak sa aking ni wika.

“sa mga... Liham pa lamang na iyong ibinigay na Aalagaan mo ako, po-proktektahan, palagay ko’y hindi ako nagkamali no‘ng sinabi mong, Nasasabik ka na makita ako. na gusto mo ako yakapin na nais mong makita ang mga ngiti ko” Kumunot ang aking noo.

“Sinabi ko?”

“Oo. na Gusto mo akong hagkan, na Papahalagahan mo ako, na Mahal mo ako, sinabi mo-”

“At Sumagot ka sa mga iyon?”

“Sye-syempre..”

Umiling-iling ako. Imposible. Hindi ako ang mga iyon.

Hindi na ako nakapagisip. umalis ako. Iniwan sya.

“Artheris-” Bigla na lamang sya umalis. Wala na akong nagawa,

Ayos naman lang sa akin, ngunit... anong nagawa ko?

....
Matapos ang Isang araw.
sa Isang piging ay Bigla na lamang sya umalis,
gusto ko malaman kung ano bang dahilan, sinundan ko sya

“Bakit ka nakikipag sayaw sa kanya?”
Nakasunod ako sa kanya habang mabilis nag lakad.

“Kaibigan mo sya, Sayaw lamang iyon anong mali?”

RANDOM STORIES, BY MY IMAGINATION Where stories live. Discover now