MEAN |1721 SCOTLAND

1 0 0
                                    

“Hindi maghihiwalay—GINAWA MO NA NGA!” Tumawa ako ng sarkastika. Marahan.

Malalalim. Sa bawat pag hinga, ay sakit sa aking dibdib, nang makita ko muli ang sulat nya. Sulat nya noong nobyo ko pa lamang sya.

“Bumalik na sya” Bulong ko

Nabalitaan ko ang pagbabalik nya sa aming bayan. Marahil, dahil sa kanyang naiwan na marangyang pamilya—at ako’y hindi nya na naiisip. Katulad ng mga pangakong kinain nya.

________________________________KINABUKASAN

SA MAKAHOY AT MAPUNO, NABABALOT NG MGA UGAT, MAGAGANDANG TANAWIN, KAY SINAG NA ARAW, LIWANAG AT MAY TAGLAY NA NINGNING KAPAG TUMATAMA ITO SA BUONG LAWA.

Namamasyal ang dalaga, nag dala sya ng sapat na kanyang makakain, hinandugan nya rin pati ang mga usa na tinuturing nyang kaibigan, nakaupo sa maliit na tela na kanyang nilapag sa gilid ng lawa

“Elspeth?” Nilingon nya ang tumawag

Tumayo sya agad. Ayaw man lang nyang tingnan nang makita nya ito, at kinuha nya na ang mga gamit na dala saka nilalagay sa kanyang bayong, lumapit ang lalake at kilala sya nito, lalo na sya

“Tigil, marahil ba?”

“Magtigil ka Mister Lachlan Mcoallan.” Hindi nakatingin na sagot ni Elspeth

“Nais, kita makausap—”

Tumingin na muli ang dalaga sa kanya, tila may galit sa kanyang mga mata

“Pwes hindi ko. Gusto.”

Tinalikuran nya ito matapos suutin ang kanyang balabal

Ngunit pinigilan sya sa siko ng binata, nag pumiglas si Elspeth ngunit ayaw bumitaw ni Lachlan

“Anong—”

“Hayaan mo ako. Pakiusap”

“Hindi. Magsisinungaling ka lang, ba—bakit nga nagbalik ka pa—bumalik ka na lamang kung saang sulok ka nanggaling. Iwan mo na ako!” Duon ay nabitawan nya na nga si Elspeth

“Alam mong totoong mahal na mahal kita—”

“Handa ka bang pakasalan ako?”

Hindi ito nakasagot

“Ang totoo. Mahal mo ‘ko marahil ngunit hindi sapat, hindi mo makita, ang tulad ‘ko sa harap ng altar—”

”Bata pa tayo noon—kailangan nating mahiwalay sa bawat isa kahit hindi madali—na para akong sinasaks*k sa mga panahon na iyon” Huminga muna ng malalim si Lachlan, hindi sya naiiyak ngunit puno ng imosyon ang mga mata nya “Kung hindi natin ginawa, masasaktan nating patuloy ang mga sarili natin. Nasanay tayo. Na nakakulong sa isat-isa, apat na taon. Kababata mo ako. Masyado tayong nag mahal. Gusto kitang piliin. Sob...ra”

Tumulo ang luha ni Elspeth, at hindi nya pinansin iyon, tunay na kay ganda pa rin nya na mala diwata, may koronang bulaklak na nakapaligid sa trutsang kayumanggi at naka habi nyang buhok, patuloy na diretsong nakatitig kay Lachlan

“At hindi mo ginawa. Dahil pinili mo ang iyong sarili” Tipid syang ngumiti “Syang aking... Naintindihan, ngunit masakit. Bakit kailangan mong magsinungaling. At mangako pa. Nang walang katotohanan”

“Hindi yun. Pagsisinungaling. Pagkat lahat iyon nais ko gawin kasama ka”

Umatras ang dalaga na marahan, umiling ito

“Hindi ba’t sabi ko. Kapag umalis ka.” Tumingin muli sya kay Lachlan “Wala kang babalikan. Wala na.”

“Pakiusap—”

“Pinili kita sinuway ko sila. Nagmukha akong istupida sinundan kita nung gabing iyon. Kahit pinili mo ang sarili mo”

~ Someday, I’ll be living in a big old city
And all you’re ever gonna be is mean
Someday, I’ll be big enough so you can't hit me
And all you’re ever gonna be is mean
Why you gotta be so mean? ~

RANDOM STORIES, BY MY IMAGINATION Where stories live. Discover now