C1

246 54 36
                                    

PLEASE, SAY YES.


         "Oh Romeo! Romeo!" Bungad ko sa sarili pagkagising ko palang. Na-lss ako sa pinanood ko kagabing movie na Romeo and Juliette, na hanggang ngayong pag-gising ko ay hindi ko makalimutan ang linya na 'yan.

Pinanood ko ang movie na 'yon dahil narinig ko sa mga abnoy kong kaklase na nakakaiyak raw. Kaya ayon, pinanood ko rin.

Totoo namang nakakaiyak.

Nakakaiyak kasi wala akong maintindihan. Tangina walang subtitle. Para silang nag sasalita nang alien language.

Hinding hindi ko na uuliting panoorin iyon. Bwesit lang.

Handa na sana akong muling humiga sa aking kama nang bigla nalang bumukas ang pinto ng aking kwarto at iniluwa nito si Mama.

"Derna! Umagang umaga nag-iinit ulo ko sayo! Maligo kana at may pasok ka pa!"

"Oh Juliette!!" Iniabot ko ang aking kamay sa kaniya mula sa malayo.

"Sinong Juliette!?" Nagpamewang siya sa pintuan at bahagyang nagsalubong ang kaniyang mga kilay.

"Mamamo." Tumayo na ako sa kama at humakbang palayo sa direksyon niya.

Alam kong maya maya lang ay mabibigwasan na ako.

"Ha!?" Lumakas ang boses niya at unti-unting humahakbang palapit sa akin.

"Hakdog na brown." Sagot ko muli sa kaniya.

"Na-engkanto ka ba!?"

"Secret."

Pagkasabi ko palang nang linya na 'yon, agad nang may lumipad na tsinelas sa akin.

"Pinagiinit mo ang ulo ko! Pumasok ka!"

"Eh, Ma! Ang aga-aga nag-iinit rin ulo ko sayo. Hindi ako papasok! Magpapractice akong mag acting! Sasali ako sa Pbb!" Umirap ako sa kaniya.

"Anong acting!? pbb!? Ang pangit mo hindi ka makakapasok ro'n!"

Nanlalaking mata akong tumingin sa kaniya at dinamdam ang sinabi niya. Anong konek ng acting ko sa pagsabi niya sakin ng pangit? Ang sakit ha!

Mapapa-wow ka talaga sa sakit magsalita ng inako. Grabe ka Ma. Inaka.

Umiling ako sa kaniya at bahagyang humakbang papunta sa harap niya. Dahan dahan akong lumuhod saka tumingala sa kaniya at tinignan siya nang may malungkot na ekpresiyon.

"Ang sakit! Ang sakit sakit ng mga ginawa mo sakin! bakit!? Hindi mo na ba ako mah- Aray!"

Hindi ko natuloy ang aking sinasabi sa kadahilanang binatukan na niya ako.

"Maligo ka na sabi! May pasok ka pa!" Nakapamewang na sabi ni Mama.

Dahan dahan akong tumayo sa pagkakaluhod ko at madramang humarap sa kaniya.

"Oo na, oo na. Lagi mo nalang akong ginaganito.. Siguro hindi mo ako tunay na anak.."

Akmang hahawakan ko na sana ang pisngi niya, nang hindi iyon matuloy dahil nakita ko ang mukha niyang halatang hindi tatalab kay Mama ang acting skills ko.

Mabilisan niyang inabot ang Isa niya pang tsinelas nang hindi ko napansin agad.

"Wag Ma!"

"Tigilan mo ako sa katangahan mo ha!? Ang pangit mo na nga, wala ka pang talent!"

"Eh ikaw din nam-"

"Aba sasagot ka pa?!"

"H-hindi na po..." Sagot ko kay mama dahil naka-amba na naman siya ng batok sakin.

Brutal talaga

"Maligo ka na at baka malate ka! Umayos ka sa school ha!? Sinasabi ko sayo! Nakakahiya sa Lola mong nagpapa-aral sayo!"

Banta niya sakin kaya umirap nalang ako sa hangin dahil naalala ko nanaman sila.

Bakit ba kasi nila ako pinag-aaral! Ayokong mag-aral lalo na't sa lahi nila nanggagaling ang perang ginagastos sa akin. Okay lang sana kung sa iba kinuha ni Mama 'yong pera. Pero kasi.. kung pwede naman kasing hindi na ako mag aral eh!

Psh

"Nandiyan na 'yong uniform mo. Binilhan ka ng Lola mo nang bago. Please... Wag mo nanaman sanang sirain. Hahambalusin talaga kita!" Salita niya ulit saka tinuro ang uniform ko sa likod nang pintuan.

Humakbang siya papunta sa pinaglalagyan ng tuwalya ko at agad iyon kinuha. Binato niya sakin iyon na agad ko rin namang nasalo.

About sa sinabi niyang uniform ko na nasira, Napunit. Ay hindi pala.

Pinunit!

Pinunit nung kaaway ko.

Aba sinabunutan ba naman ako habang naglalakad ako papasok sa gate ng school namin. Edi sinapak ko tapos bigla bigla nalang manghihila ng uniform. Tss

"Oo na!" Sagot ko kay Mama.

Tinignan pa ako ni Mama ng ilang segundo bago lumabas sa kwarto ko.

Napayuko ako at bahagyang nangilid Ang luha ko dahil naalala ko nanaman ang nakaraan na iyon.

Kung hindi lang sana nila kami iniwan kamusta kaya kami ngayon.

Iniling ko ang ulo at pilit winawaksi ang naisip.

Wag mo silang isipin Derna! Umagang umaga sinisira nila ang beauty mo.

Pinahid ko ang nangilid kong luha at bumuntong hininga bago naglakad papasok sa banyo dahil baka maabutan nanaman ako dito ni mama at kaltukan ulit ako.

Ang sakit pa naman mangaltok no'n. Abot hanggang bone marrow.

Naligo na ako at ginawa lahat kailangang gawin sa banyo.

"So fresh, So pretty, So sarap! Ang sarap mo talaga Derna." Pagkakausap ko sa sarili saka nag pose sa harap ng salamin. Merong naka peace, naka fuck you, at naka-

Wait!

Bakit!? Ano to!?

Napansin kong may bukol sa noo ko. Hays nadagdagan nanaman ang pimples ng kumare ko!

"Anong karapatan niyong dumami eh wala akong sinabi sa inyong dumami kayo!?" Pinisil ko pa ang pimples ko na patuyo na, Ang satisfying.

"Edi sana gumawa nalang kayo ng sarili niyong katawan at dun magpadami! Ako pa peperwisyohin niyo!" Sabay pisil sa pimples kong tuyo "Aray!! Shuta kang pimples ka!" Tangina! Hindi pa pala tuyo! Ang sakit! dumudugo na.

Bat ko pa kasi kinurot.

"Ano? Diyan ka nalang?"

Napalingon ako sa likod ko at namataan kong nandoon na naman si Mama. Agad akong umalis sa kinaroroonan ko at nagmamadaling tumakbo sa kaniya.

"Ma! Wait lang hindi kaba naaawa sakin? Look!? Pumutok yung pimples ko.."

Sabay lapit ng mukha ko sa kanya

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na ang pangit mo. Lumayo ka nga sakin! Bilisan mo na diyan at kakain na! Malelate kana! O balak mo talagang magpalate!? Ikaw na babae ka talaga!" Agad kinuha ni Mama ang tsinelas niya kaya agad akong tumakbo palayo sa kaniya.

"Ma!!!!!!" Oa na sigaw ko kaya mas lalo atang nainis si Mama dahil may hawak na din niya yung walis tambo sa kwarto ko

Help me I'm gonna die!!!

Hindi pa nga ako nakakasagot sa sinasabi niya hinabol niya agad ako! Grabe ka Ma!

Psh

Sariling tanong sariling sagot??

"Ma papasok ako! Promise!" Sigaw ko pa habang tumatakbo palayo sa kaniya

"Aba papasok ka talaga!" Balik na sigaw pa niya sakin at tuloy parin sa paghabol sakin. Paikot ikot lang kami sa loob, Hanggang sa maramdaman kong parang mawawalan na ako ng hininga.

"Oo na kasi.."

Sabi ko nalang at tsaka umupo sa sahig at tinaas ang kamay palatandang sumuko na ako dahil parang mamamatay na ako sa sobrang pagod. Nang lingunin ko naman si Mama, ayon. Naka higa din sa sahig at hingal na hingal.

Napapala mo.

Please, Say Yes.Where stories live. Discover now