C6

97 37 24
                                    

PLEASE, SAY YES.

          It's been two weeks since that hilarious scene happened, but my mind was still in there. Patanong hindi ko makakalimutan iyon, araw araw akong nilalapitan ng demonyo.

Bullshit shuta tangina putangina shutangina shutanginamers gago idiot puta pakyo!

Sa dalawang linggo na iyon ay hindi ako tinigilan ni Pres. Gustong gusto ko siyang patulan at sapakin pero mukhang alam nito ang kahinaan ko dahil everytime na mag-a-attempt akong patulan siya, agad niyang pinapaalala ang pwedeng mangyari.

Isa siyang may magandang reputasiyon dito sa school. Paniguradong kapag pinatulan ko ang pang-iinis nito, ako ang agrabyado.

Ako ang lalabas na masama dahil hindi malinis ang pangalan ko sa school na 'to.

Ako ang kinukulit tapos kapag pinatulan ako pa maguguidance.

Wala akong takas sa pang-iinis niya.

Tapos na ang klase ng dalawang subject ko. Magiging totoo ako, wala akong natutunan. Nakinig naman ako pero walang pumasok sa utak ko.

Hindi ko rin alam ang sarili ko.

Nag-ayos nalang ako ng gamit ko dahil gusto ko na ring kumain. Nakita kong nagsilabasan na ang iba kong kaklase para siguro mag recess na rin.

Wala akong kilala kahit isa sa mga kaklase ko. Tuwing malapit ako sa kanila, agad na silang lumalayo. Parang takot na mapalapit sa'kin at masama sa mga away.

And I understand them. Ayaw nilang madumihan ang pangalan nila kapag naging kaibigan nila ako.

Dahil do'n, hindi ko na rin sila pinapansin pa.

Handa na sana akong lumabas para kumain, nang may mangalanit sakin sa'kin.

Now, meron nang pumapansin sakin. Siya lang ang lumalapit sakin. Alam kong nagtaraka na rin ang nakapaligid sa'min dahil sa paglapit nang lalaki sakin. Hindi nila alam, ininis lang ako nito.

"Honebabyloves! Recess?" Gigil kong tinikom ang bibig ko saka pumikit at tinirik ang aking mata.

Pigil na pigil akong sapakin siya kung alam niyo lang.

Kung hindi lang talaga ako malalagot kay Mama kung ma-guidance ako eh..

Humarap ako sa kaniya at tinaas ang tingin sa kaniya.

Matangkad ito kaya pahirapan ang pagtingala sa kaniya.

"Tigilan mo ako. Hindi mo talaga magugustuhan ang gagawin ko sayo." Madiing sambit ko.

Akala ko natakot na siya sakin, pero nagulat ako nang ngumiti lang ito ng pagkalaki laki.

Hindi siya ganito dati. Hindi siya ngumingiti noong nagdaang araw.

Dahil sa ngiti niya, mas lalo akong nakaramdam ng pagka-irita. Inirapan ko siya at akmang aalis na sa harap niya, nang pigilan ako nito at hawakan ang mga braso.

"Honebabyloves."

"Tigilan mo ako shutangina ka! Sabing wag mo'kong tawagin niyan! Kita mo ito?" Turo ko sa nakataas ko ng kamao. "Dadapo ito sa mukha mo kung ipagpapatuloy mo 'yan." Banta ko sa kaniya pero nginisian niya lang ulit ako at ibinababa ang kamao ko gamit ang napakalaki niyang kamay.

Please, Say Yes.Where stories live. Discover now