C11

73 30 25
                                    

PLEASE, SAY YES.


         "That's all for today, class dismiss." Anunsyo ng last teacher namin bago umalis.

Sa wakas, natapos din..

Mag hapon lang akong nakatunganga sa upuan ko at nagiimagine habang nagsasalita ang mga teacher ko. Nong tanghali wala naman masyadong nangyari. Bukod sa matatalim na mga tingin si Sheena at mga titig ni Pres na hindi maipaliwanag, ay wala nang interesanteng nangyari.

Nag aayos na ako ng gamit ko para diretso uwi nalang dahil wala akong gana magloko. Tatalikod na sana ako at handa ng umalis nang mamataan kong bahagyang lumapit si Sheena kay Pres.

Inilikod niya sa kaniyang tainga ang kaniyang buhok na nasa patilya niya. "Gab, sabay na tayo umuwi.." Ipit na boses niyang aya sa lalaki.

For the ninth time, I feel irritated.

Pabebe amputa, hindi naman ganyan boses niyan. Pansin ko lang, tuwing kaharap o nakikita niya si Pres ay nagiiba ang kaniyang boses.

Desperada.

Ipit na ipit 'yong boses kingina. Parang kanina lang eh ang laki laki ng boses niyan nong inaaway niya ako.

Patawa ka sis.

"Sig-"

"Gab, sabay na tayo umuwi" Pang gagaya ko ng boses ni Sheena at nag me make face pa.

Napalingon sila sa akin at ako naman ang natigil.

Inangat ko ang kamay ko at sinenyasan silang mag tuloy lang sila sa pag uusap."Bakit? Tuloy niyo pagpapabebe nyo. Wag niyo ako pansinin." Inalis ko ang tingin sa kanila at umirap sa paraang hindi nila makikita.

"We're not naman nag papabebe Derna ih.."

Aba sasagot ka pang dipungal ka!?

Tigilan mo ako tanginamo nang gigigil ako sa boses mo.

Si Pres naman ngiting ngiti na tila nagugustuhan ang kinikilos ko.

Gustong gusto din magpalandi.

"Ayusin mo nga boses mo tanginamo!" Hindi ko na napigilang sabihin sa kaniya dahil sa iritasyon na namumutawi sa katawan ko.

Nanlalaking matang tingin niya sakin at bahagyang namula ang ilong at mata.

Naiiyak na naman.

"Hindi naman talaga kami nag papabebe Derna. Sabay lang talaga kami lagi umuuwi." Sabi niya ng may pagmamalaki na boses.

As if I care tss..

"Oh, eh ano naman? May list ka ba ng nagtanong?" Supladang sagot ko sa kaniya.

Ang pabebe niyang mukha kanina ay napalitan ng inis, nangunot ang kaniyang noo at nangilid ang luha.

Aaminin ko. Hindi ako komportable kapag nakapaligid siya kay Pres. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa sagutan namin o sadyang irita lang talaga ako sa kaniya.

"Sabay ka na samin Derna." Sabat ni Pres kaya gulat ko siyang binalingan ng tingin.

Seriously?

Inaaya niya akong sabay kaming tatlo umuwi? Baka hindi niya kayanin kapag nasapak ko bigla itong babae niya.

Mga tanga ba sila.

Isa pa, makikita ko lang paglalandian nilang dalawa.

Baka bigla ko silang masukahan

Iwee.

Please, Say Yes.Where stories live. Discover now