#01

324 5 1
                                    


re: part 012
a narration

━━━━━━━━━━━━━

Sierra

The whole morning, iritang-irita lang si Sierra sa kaniyang work area. May mga araw naman na ganito talaga, especially kapag peak seasons na sasabayan pa ng biglaang malalaking issues sa showbiz at politika, dagdagan pa ng mga pang-araw-araw na balita: be it biglaang aksidente sa EDSA, karumal-dumal na pagpatay sa probinsya, komento ng isang artista patungkol sa isa pa na trending agad sa social media. Kasabay ng lahat ng 'yan ay iyong laging may hinahabol na deadline o hindi kaya'y marketing peak pa ng buong kumpanya.

Pero ngayon, iba.

Wala sa mga dahilan na 'yon kung bakit buong umaga ay mainit ang ulo niya, at mas yamot pa siya kumpara sa tuwing nangyayari iyong mga normal na dahilan kapag ganito siya-kahit pagsabay-sabayin pa. Ni hindi siya makapagtrabaho nang maayos!

She was used every day to buy herself a cup of matcha latte a few hours before lunch and during the afternoon, around four to five in the afternoon. Pero ngayong araw, hindi siya nakalabas kanina, at alam niyang hindi ulit siya makakaalis ngayon o maya-maya. Worse, naiisip niya na ang mga posibilidad na mag-overtime para lang hintaying maubos ang mga tao at makaalis siya nang payapa.

That's when I thought they'll all get lost.

Midya ba naman ang trabaho at buhay niya.

She thought that the people around her would immediately shut up after responding a single and solid no, dismissing the rumors, sa isa sa mga matapang na nagtanong sa kaniya tungkol sa usap-usapang umiikot sa kumpanya-kung totoo bang dating sila, 'di umano, ni Miguel Lorenzo, o kung sila na ba.

But boy, she was so, so wrong.

Nagulat na nga siya na talagang may nagtangkang magtanong, mas lalo pang hindi niya inakala ang mga naging takbo ng mga pangyayari sa maghapon. Na mas lalo namang tuluyang nakapagpa-inis sa kaniya. Kasi kahit pala sinabi niya nang hindi, ang kumalat pang balita ay idine-deny niya lang daw!

Pambihira!

Gusto niya na lang umuwi at itulog lahat. Hoping na kinabukasan, magkaroon ng bagong pagkakaabalahan iyong mga tao, na tapos na ang mga tao sa paligid niya na pag-usapan siya.

It might be the worst thing to think about her but at that moment, hinihiling niya na sana magkaroon ng balita tungkol sa ibang tao sa kumpanya, sa mga kasamahan niya sa trabaho na maaaring pag-usapan ng lahat, o magkaroon na lang sana ng isyu ang ibang artista na talagang kakalat hanggang sa kadulu-duluhang pulo sa dulo ng bansa-malipat lang ang atensiyon mula sa kaniya.

Hindi niya rin kasi talaga lubos akalain na ganoon na pala kakilala ang dating kaibigan, naging kaklase sa ibang kurso, at ang kaniyang associate editor noon sa pahayagan noong kolehiyo sila. Miguel Lorenzo.

Miguel Lorenzo Tiu, editor-in-chief ng PLUMA! Highly rated media outlet ang TV3, pinaka-sikat na channel ang channel nila forda people sa national TV at YouTube. Even their radio broadcasting channels!? And physical magazines and newspapers!

Right. Maybe, Brooke was definitely right.

That afternoon, few people were just watching her moves. Pinakikiramdaman siya. A few more had the audacity to watch her in eagle eyes under her freaking watch. Walang nag-iiwas ng mata. Walang hiya-hiya.

To Brooke, kahit siya ay hindi niya na mabiro dahil baka sa kaniya lumabas at mag-transform ang Dragonball Sier or Hulk Hier, her words, na sa durasyon ng pagkakaibigan nilang dalawa, ay dalawang beses niya palang nakikita, and well, nararanasan. Dahil walang iba, sa kaniya lang ipinakikita ni Sierra ang lahat ng siya-unfiltered, true, transparent. That people would never ever imagine to be existing.

what was that?Where stories live. Discover now