C14

120 27 15
                                    

PLEASE, SAY YES


          PEH TIME!

Narito na kami sa room, narereaady para sa photography. I did checked my camera if it's working. At buti naman ay okay pa ito.

Kanina ko pa ito hawak ng napakahigpit. Hindi ko talaga ito binitawan simula kaninang pag balik namin. Yakap yakap ko ito na tila mananakaw ng iba kung mabitawan ko ito.

"Dala nyo ba mga sarili niyong camera?" Tanong samin ni Pres.

Tumango kami sa kanya na halos sabay sabay.

Nakangiti kong hinigpitan ang pagkakayakap sa camera ko dahil 'di na ako mapakali. Saya at kaba ang namumutawi sakin. Saya dahil ngayon lang nagkaroon ng ganito ang school namin. Kaba dahil hindi ko sigurado kung mapipiling ba iyong akin.

Kasi kapag napili ang akin, siguradong matutuwa siya sakin. Kahit galit ako sa kaniya, gusto kong makita niya ang improvement ko sa photography. Kung makita niya man itong makukuha ko, Sana nagustohan niya.

I miss him.. them.

Tama na nga ang kadramahan.

Iniling ko ang ulo at sumulyap kay Pres. Plano kong magpasama sa kaniya sa dahil sa gusto ko lang o takot akong si Sheena ang samahan niya. Bahala na.

Akmang lalapit na ako kay Pres at kalabitin siya, nang maramdaman kong parang naiihi ako dahil sa kaba ko kanina.

Kinalabit ko siya na agad namang nag palingon sa kaniya. "Pres! Hintay niyo ako. Iihi lang ako."

Pagpapaalam ko saka nilapag 'yong camera ko sa desk niya dahil sa aligaga bago lumabas ng room.

Shuta lalabas na..

Mabilisan akong tamakbo sa CR at walang lingon na umupo sa pinakaunang cubicle dahil ihing ihi na ako. Napapaangat pa ang ulo ko dahil sa kaginhawaan.

Pagkatapos kong umihi, naghugas lang ako ng kamay at marahang lumabas na at tumakbo pabalik sa room dahil baka maiwan ako.

Mga walang hiya pa naman mga kagroup ko.

Naabutan kong naguusap usap ang mga kagroup ko pagkarating ko sa room.

"Oh! Derna's here. Let's go na. Sasamahan ko nalang kayo. Tapos na 'yong akin eh." Pag-aaya ni Sheena na parang abang na abang sa pagbalik ko.

Napatingin sila sa akin saka sila tumango kay Sheena.

Nakangising tumingin sakin si Sheena pero hindi ko na siya pinansin.

Susunod na sana ako sa kanila dah nagsimula nang lumabas ang mga kaklase ko, ng maalala ko 'yong camera ko na hindi ko hawak.

"Saan 'yon?" Bulong ko sa sarili habang nag kakamot ng ulo.

Nag-uumpisa na akong mag panic ng maalala ko na inilapag ko 'yon sa desk ni Pres. Agad akong napalingon sa desk niya pero wala akong namataan doon.

I'm so sure na doon ko iniwan 'yon. O baka sa iba?

Lumapit ako sa desk niya at tinignan ang paglagyanan niya ng book dahil baka tinago niya lang, pero wala akong nakita roon kundi ang mga papel niya lang.

Bumuntong hininga ako bago napagpasiyahang hanapin nalang sa iba dahil baka namisplaced ko nga talaga. Hinanap ko kung saan saang sulok ng classroom namin pero wala talaga.

"What are you doing?" Napalingon ako sa nagsalita na si Jace.

"Jace 'yong camera ko nakita mo ba?"

"H-ha? Baka naiwan mo sa CR?" Parang kinakabahang ani sagot niya sabay lingon sa direksyon ni Sheena.

Please, Say Yes.Where stories live. Discover now