C15

81 23 10
                                    

PLEASE, SAY YES.


          "Joke." He said and chuckled. "Tara na mag t-time na." He added.

Tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan at nagsimula na siyang maglakad.

Joke lang 'yon?

Kinabahan ako do'n ah..

Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang puso. Ang bilis parin ng tibok nito na para akong tumakbo ng 1000 meter kung tumibok.

Sana wala akong sakit. Hindi ko pa napapatawad ang mga nanakit sakin tapos mamamatay lang ako. Tss.

"Let's go! anong tinutunganga mo diyan?" Lingon niya sakin.

What?! Pagkatapos niya mag joke ng ganon, mag eexpect siya na magiging okay ako agad?

Tanginamo.

"Ito na gago ka! Kung ano ano pinagsasasabi mo!" Sigaw ko sa kanya at nagmamadaling tumungo sa kaniya at kinuha ang camera ko sa kamay niya. Binunggo ko siya sa braso at nauna na maglakad.

Narinig ko ang tawa niya. Nakaramdam ako ng inis kaya nilingon ko siya mula sa likod ko at sinamaan ng tingin. Tinaas niya lang ang dalawang kamay niya na tila inaaresto ko.

Inirapan ko lang siya at tumuloy na sa paglalakad.

Dumiretso ako sa room at dumukdok doon. Bilang lang ang makikita na kaklase ko dito sa loob dahil baka busy din sila sa pagkukuha ng litrato.

Natapos ang klase namin sa umaga ng maayos. Nang magdaan naman ang tanghali. Wala masiyadong nangyari. Discuss lang ang ginawa ng mga teacher namin.

"See you tomorrow class, dismiss." Diretso labas na sabi ng last teacher namin ng hapon.

Inayos ko na itong mga gamit ko na ginamit ko kanina pang practice-san ng perma ko.

Iyon talaga purpose ng notebook ko. Pang permahan hindi paglagayan ng notes. Nakakatamad naman kasi talagang mag sulat.

Balak ko ng lumabas habang nakahawak sa parte ng dibdib ko at iniisip ang joke niya kanina at ang mukha niyang nakangiti sakin.

Bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing naiisip ko siya. Ayoko ng makita si Pres simula ngayon. Siya ata ang papatay sakin. May sakit ata ako sa puso.

Maghapon ko siyang hindi pinansin kanina at alam kong napansin niya iyon dahil hindi ko siya kinikibo. Hindi ko siya pinapansin dahil sa joke niya. Napagtanto ko lang na tuwing malapit at nakikita ko siya, bahagyang bumibilis ang tibok ng puso ko. Siya ang dahilan ng pag bilis nito.

Wala na akong problema sa mga pictures dahil naipasa ko na ito sa phone ko.

Yung camera ko naman, nagulat nalang ako ng nasa desk ko na nung pagbalik ko kanina pagkatapos namin ni Pres sa likod ng STEM building.

Buti nalang binalik. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi ko na isusumpa ang nagtangkang magnakaw nito. Magkapimples sana siya mata.

Malapit na ako sa gate habang nag-iimagine ng bigla nalang may kumalabit sa akin kaya nilingon ko kung sino iyon. 

"Uwi ka na?" Pres asked me innocently.

Sinusundan niya ba ako? Bakit nasa likod ko ito?

Iniwas ko nalang ang tingin ko dahil baka mali lang ako ng akala. "Oo." Tipid na sagot ko ng hindi siya hinaharap.

"Hatid kita." Pag-aaya niya pero wala ako sa mood ngayon.

Kinakabahan ako sa presensya niya. Ayoko siyang makita. Yung puso ko natatanga nanaman.

"Ayoko. Leaves me now alone." Pag tatangging taray ko sa kanya pero narinig lang siyang tumawa ng mahina.

Tatawa tawa ka pa diyan eh, bwesit ka!

Hindi na siya sumagot. Handa sana akong iwan siya at magpapatuloy na sa paglalakad dahil wala na ata siyang ibang sasabihin, nang mapatigil ako ng hawakan niya 'yong kamay ko ng napakahigpit.

"I-I'm sorry, I'm sorry d-don sa sinabi ko kanina sa likod." He said tapos tumakbo palayo.

Hindi makapaniwalang tinanaw ko ang kaniyang malapad na likod. "Ha! Grabe talaga topak non! Mag sosorry tapos aalis."

Humakbang na ako paalis at pumunta sa paradahan ng jeep at agad pumasok. Naghintay lang ako ng ilang minuto hanggang sa mapuno ang jeep saka ito umandar.

Nang makarating ako sa bahay, hindi ko nakita si Mama kaya tumungo na ako sa kwarto ko at agad humiga.

Marahan akong nagbuntong hininga at inisip kung may sakit ba talaga ako o epekto lang ito ng kagandahan ko.

"Ma!" Tumayo ako sa pagkakahiga ko.

Nakarinig ako ng mga kalampag bago bumukas ang pinto sa kwarto ko.

"Ano!? Shutakang babae ka! Kung maka sigaw ka! Ang OA mong dipungal ka anong problema mo!?" Bungad ni mama pagkabukas niya ng pinto.

"Ma.. wag kang magugulat ha.." Madramang ani ko. 'Yong sobrang lungkot na tono para maramdaman niyang may problema ako.

"Ano!?" Tanong niya saka nakapumewang na tumayo.

"Ma...may sakit ako.." Agad na sabi ko ng nagteteary eyes pa.

"Ha!? Oo anak baliw ka! 'yon ang sakit mo! Inistorbo mo pagluluto ko para lang diyan, eh, matagal ko ng alam iyang sakit mo na iyan!"

"Ma.. seryoso nga kasi! tumitibok ng mabilis 'yong puso ko kanina!" Unti unti akong lumuhod sa harap niya na parang nawasak ang puso.

"Shutaka! tumayo ka diyan. Naiirita nanaman ako sayo Derna ha!" Lumapit sakin si mama saka pinapatayo ako pero hindi ako napilit na tumayo.

"Ma.. 'Yong puso ko.. tumitibok.."

"Aba malamang buhay ka! Halika dito at sasakalin kita para tumigil 'yang pagtibok ng puso mong bobo ka!" Nanlalaking mata at butas ng ilong akong napatayo at nagmamadaling lumayo sa kaniya.

"Ma naman ih!" Ngumuso ako ako at yumuko. "Bumibilis talaga tibok ng puso ko. Totoo Ma! Hear it from my boobs!" Dagdag ko pa at bahagyang hinawakan ang susu ko't nilapit sa kaniya. Tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Baka pagod ka kaya bumilis ang tibok ng puso mo! Normal 'yon tanga, pero ikaw hindi normal! Maligo kana bago pa kita makutusan! kakain na mamaya!" Sigaw sakin ni Mama bago lumabas sa kwarto ko.

Eh!

Hindi nasagot yung tanong ko! Paano kung..kung may sakit ako sa puso!? No! No!

Tulala akong naglakad papalapit sa harap ng salamin. Ilang minuto kaming nagtitigan ng sarili ko bago maalala 'yong mga pictures na kuha ko.

Patalon akong pumunta sa kama ko at agad inabot ang phone saka binuksan iyon.

"Hala ang ganda nito! Ito maganda rin. Pero maganda rin 'to." Slide lang ako ng slide sa mga kuha ko hanggang sa hindi na puno at tanawin ang makita ko.

Si Pres na nakatulog.

Bumilis nanaman bigla 'yong tibok ng puso ko.

Bwesit ka talaga kahit kailan Pres! Iiwasan na kita para iwas sa kamatayan.

Bago pa ako mamatay sa kakaisip ay ni-slide ko na ang picture at bumungad sakin ang picture naming dalawa at tinitigan yon.

"Ang pogi kahit tulog." Wala sa wisyong banggit ko.

"Omg sinabi ko ba 'yon!? No pangit siya! Pangit!" Pag tatanggi ko sa sarili ko.

Bumuntong hininga ako ng ilang beses bago bumaling sa pintuan ng kwarto ko ang aking mata dahil bumukas  nanaman iyon. Namataan ko si Mama na magkasalubong ang kilay.

"Hoy Derna! Sabing maligo ka na! Nandiyan ka pa rin! Para kang baliw at kinakausap mo ang sarili mo!" Sigaw ni Mama sa pintuan ko saka umalis na ulit.

Inismiran ko lang siya. Kung pwede lang mag palit ng Mama eh.

Umirap ako sa hangin saka tumungo na sa cabinet ko at nilabas ang pajama ko dahil wala akong balak maligo ngayon.

Tinatamad ako.

Please, Say Yes.Where stories live. Discover now