CHAPTER XX

476 22 4
                                        

CHAPTER XX

"Huwag! Huwag! Maawa ka sa akin! Huwag!"

Napabangon si Zac mula sa isang masamang panaginip.

Nakita niya ang kanyang sarili sa loob ng isang puting kwarto sa loob ng ospital. Masakit pa rin ang kanyang ulo nang pinilit niya ang kanyang sarili na tumayo. Umupo siya sa gilid ng kama nang may pumasok namang isang lalaking nurse sa loob.

"Oh! Gising ka na pala," ang sabi nito habang ngumunguya ng bubble gum at pumwesto sa paanan ng kama at may sinulat sa papel na dala. Napatingin si Zac sa bintana at nakita niyang madilim na sa labas.

"Anong nangyari?" tanong niya sa nurse. "Kanina pa ba ako nandito?"

"Natumba ka kanina sa San Sebastian Grillhouse. Tumawag agad ng ambulansya 'yong babaeng nagtatrabaho doon kaya naman nadala ka kaagad dito sa ospital. Mukhang stress at pagod ka kaya ka natumba. Masakit pa ba ang ulo mo?"

Tumango lang si Zac ng ulo. Naalala niya ang mga imaheng nakita niya at scenariong nasaksihan niya bago dumilim ang paligid. Gumapang ang takot sa buo niyang katawan nang maalala niya ang mga 'yon. Pinalobo naman ng lalaking nurse ang nginunguyang bubble gum. Pumutok ito at muling nginuya.

"Ito, aspirin. Inumin mo para mawala 'yong sakit."

"Salamat." Kinuha ni Zac ang gamot mula sa kamay ng lalaking iyon at ininom ito kasabay ng tubig na inabot rin sa kanya.

Pumasok naman sa loob ng kwartong iyon ang kapatid ni Zac na nakasuot din ng uniporme nitong pang-nurse. "Kuya, anong nangyari sa'yo?" ang pag-aalala niya. "Ako nang bahala dito CJ."

"Okay," ang pagsang-ayon naman ng kasamahang nurse ni Rex habang nginunguya nito ang bubble gum sa bibig bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"Napagod lang ako," ang sagot lang ni Zac kay Rex na kagaya nga sa sinabi no'ng nurse na si CJ kanina, habang nakaupo pa rin siya sa gilid ng kama. Hindi niya pinagtapat sa kapatid ang tungkol sa mga nakikita niyang imahe sa tuwing naba-blackout siya.

"Mukhang ang katawan mo naman ngayon ang 'di sumasang-ayon sa ginagawa mo. Magpahinga ka naman, kuya." At umupo sa tabi ni Zac si Rex. "Hindi ko tuloy alam kung sasama pa ba ako doon sa Nurse Camp o hindi. Mukhang dapat na may magbantay sa'yo eh. Nag-aalala rin ako kuya," ang sabi ni Rex habang nakatalikod siya ng tingin kay Zac. Nagulat si Zac sa sinabi ng kapatid dahil ni minsan ay hindi ito nagpakita ng pag-aalala sa kanya. Siguro sa mga kilos, pero hindi katulad nitong ipinahahayag niya sa pagsasalita. Binatukan niya si Rex.

"Ako pa talaga ang sinabihan mo niyan. Ako pa na kuya mo. Kaya ko ang sarili ko at hindi ko kailangan ng magbabantay sa akin. Hindi ko alam kung ano 'yang Nurse Camp na sinasabi mo pero babanatan kita kung hindi ka sumama doon."

"This coming Thursday na ang Nurse Camp. Parang teambuilding na rin siya ng mga nurses na dito nagtatrabaho sa San Sebastian Hospital. Three days 'yon, hanggang Satuday, at sa isang abandonadong ospital ito gaganapin. Nasa labas na iyon ng Barangay San Sebastian, kuya. Malayo dito sa atin."

"Eh 'di mas mabuti. Malayo sa killer."

"Ano bang pinagsasabi mo? Mas kinatatakot ko ang kaligtasan mo."

"Malakas ang kutob ko na hindi ako sasaktan ng killer."

-----

Mag-isa na lamang ngayon si Zac sa loob ng kanyang kwarto. Matapos ang pag-uusap nilang magkapatid ay tinawag si Rex ng kapwa nito nurse dahil may gagawin pa raw sila. Nagpaalam na rin naman si Zac sa kapatid na uuwi na siya maya-maya. Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa bintana. Tumingin siya sa labas at napatingala sa maliwanag na buwan.

KILLER.COMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon