CHAPTER XIV

969 29 3
                                        

CHAPTER XIV

“Nakikita niyo po ngayon sa harap ng screen ang sinasabing get-up ng naturang killer na pumaslang sa bente tres na dalagang si Ms. Cheska dito mismo kung nasaan kami ngayon, sa loob ng Frittos City...”

 

Halos magkapareho ang sketch na nakikita ngayon ni Zac sa harapan ng telebisyon doon sa sketch na nakakubli sa kanyang mga palad. Panghihinayang ang naramdaman niya. Hindi dahil alam na ng mga pulisya ang parehong impormasyon na nalalaman niya tungkol sa killer, pero dahil mahihirapan na siyang mahanap ito. Ngayong naisapubliko na ang itsura ng killer, maaaring magpalit ng kasuotan ang killer na ito habang isinasagawa ang karamaldumal na pagpaslang sa susunod niyang biktima. Ito ang kinatatakutan niyang mangyari kaya pinigilan niya si Rex sa pagsasalita. Ngunit tila matigas ang ulo ng reporter na si Aiza at ang may hawak ng kaso na si Antonio. Mukhang naghahabol ng kasikatan.

“Kuya, pwede ba tayong mag-usap.” Natigilan sa pag-iisip ng malalim si Zac nang tawagin siya ng kapatid. Humarap si Zac kay Rex, “...itigil mo na ito.”

“Anong pinagsasabi mo, Rex?”

“About that obsession sa killer na yan!” tumaas na ang boses ni Rex, “...kuya, hindi na normal eh. Ipapahamak mo lang kaming mga taong nasa paligid mo. If there’s anyone here to blame kung bakit namatay si Cheska. Ikaw yun kuya. I don’t see any reason kung bakit siya papatayin. Except you, who is crazy chasing after that killer.”

Hindi makapagkumento si Zac. Kung tutuusin, tama siya. Bakit nga ba madadamay si Cheska? Anong motibo ng killer para patayin ang babaeng iyun. Pwera na lang kung may koneksyon siya sa may TresMaria’s Dormitory.

“You promise me you will stop this.” ang sabi ni Rex na puno ng galit.

“Yes. Pangako ko.”

----------

Gabi na nang makauwi si Danny sa kanilang tahanan.

Ibinaba niya ang susi ng minamanehong police car, badge at relo sa lamesang nakapwesto sa ilalim ng hagdanan. Mabilis namang bumaba si Eloisa sa hagdanan at sinalubong ang ama. “Dad!” sabay mano niya.

“Ang mommy mo?”

“Nasa kusina po, nagluluto.”

Dumiretso agad si Danny sa kusina para makita ang asawang si Lucy. Dito ay naabutan niyang naghahanda na ng hapunan ang maybahay.

“Oh, Hon. Magbihis ka muna bago tayo kumain.” ang sabi ni Lucy kay Danny na may kasamang ngiti. Sumunod naman ang asawa.

Matapos makapagpalit ng t-shirt si Danny ay tumunog ang kanyang cellphone. Isang unknown number ang nakita niyang tumatawag sa kanya. Mabilis niya itong sinagot, “Hello?”

“Hello, Danny...” isang kakaibang boses ang narinig ni Danny mula sa kabilang linya. Isang malalim at mala-electronikong boses na para bang robot na tila sinadyang baguhin para hindi makilala ang kausap.

KILLER.COMWhere stories live. Discover now