PART I- JAIRA’S STORY: A KILLER PROTECTOR
Mag-dadalawang linggo na nang mabasa ko ang isang karumal-dumal na balita sa dyaryo na nag-udyok sa akin para gumawa ng isang true to life blog sa internet. Dalawang linggo ko na ring pinag-aaralan ng mabuti ang krimen at pinag-iisipan kung anong dapat kong gawin.
Ngayong araw ay nasa harap ako ng San Sebastian High School para kausapin si Jaira Valdez, ang nakababatang kapatid ng nag-iisang survivor sa TresMaria’s Massacre na si Jero Valdez. Third year high school si Jaira, dating aktibo sa paaralan, sa mga activities at sa studies niya. Pero nag-iba ang lahat simula nang may nangyari sa kanyang kuya Jero.
“Hi Jaira, ako nga pala si Ezekiel Reyes, but you can call me kuya Zac.” Ang pagpapakilala ko sa batang dalaga habang nandoon kami sa may canteen ng school. Nakita ko kasing mag-isang kumakain dito si Jaira kaya naman nilapitan ko na. Napapansin ko ang di magandang pagtingin ng ibang estudyante kay Jaira. Nagtitinginan sila at nagbubulungan…
Hindi sumagot si Jaira sa akin, pero nakita ko ang pagpatak ng kanyang luha. Pinunasan niya ito, “Bakit mo ako kinakausap?” ang biglang tanong niya.
“Ano namang problema kung kausapin kita? Gusto kitang maging kaibigan.” At nginitian ko siya.
“Wag! Walang gustong kumaibigan sa akin… Kasi akala nila…ahuuuhuuu…” di na napigilan ni Jaira ang umiyak at humikbi sa pagitan ng kanyang mga braso.
“Akala nila ano? A-Anong ibig mong sabihin?”
“Akala nila ako ang pumatay sa mga kaibigan ko…” at tinitigan ako ng mga namumugtong mata ni Jaira nang alisin niya ang kanyang mga braso sa kanyang mukha.
“Ano?!” lalo akong naguluhan. Pumatay sa mga kaibigan niya? May nagaganap rin palang patayan sa loob ng San Sebastian High School?
YOU ARE READING
KILLER.COM
HorrorLimang kwento ng kababalaghan at katatakutan ang magdurugtung-dugtong dahil sa isang masaklap na massacre na nangyari.
