CHAPTER X
“You received it too last night, right? DeadGurl’s messages?”
Takot at pag-aalala ang umukit sa mga mata ni Lily nang tanungin niya si Carol isang umaga habang papunta silang dalawa sa loob ng Colegio de San Sebastian tungkol sa mga mensaheng natanggap niya kagabi galing sa isa sa mga members ng SSYC, si DeadGurl.
“Do you really think it’s real? Naniwala ka naman?” ang prangkang tanong ni Carol na hindi nakakaramdam ng kahit na anong takot o pangamba, “…prank lang yun ng bata. Maraming ganyan talaga sa mga texts. You never know what really happened just from texting, Lily. Uso ang mga ganyang prank text messages ngayong panahon.”
Nakarating na sila sa loob ng kanilang Computer Lab. Doon ang kanilang first class that day. As an IT students, madalas talaga silang humarap sa computers.
“Good morning, Shanon!” ang magandang bati ni Carol kay Shanon nang makita niya ito na nakaharap na sa isa sa mga computers. Tumayo si Shanon na may kasamang pagngiti at nakipagbeso sa kaibigang bumati sa kanya.
“Oh? Anong nangyari sa’yo, Lily?” ang pag-aalala ni Shanon nang makita niya ang namumugtong mga mata ni Lily.
“Hindi ata nakatulog dahil doon sa mga mensahe ni DeadGurl.” Ang sagot ni Carol, “…hindi naman yun totoo, right, Shanon?”
“Damn right! I was with Eric the whole night at nakakainis ang mga texts messages niya. Mukhang sineryoso nga ang mga promises ko. Hell! It’s just a text! This is just a clan. Anong tingin niya sa binuo kong grupo, pamilya?” napalitan ng nagngingitngit na galit ang kaninang magandang ngiti ni Shanon, “…tine-testing pa ata kung totoo yung mga promises ko by making up a killer na gustong pumatay sa kanya. Nainis ako ng sobra! That DeadGurl is lucky na wala akong load kagabi kundi makakatikim siya sa akin.”
“You see, Lily… Hindi naniniwala si Shanon sa mga texts na yun kaya wag na rin tayong maniwala. That DeadGurl is crazy… Wag ka nang mag-alala ng husto.” Ito naman ang sinabi ni Carol bago siya umupo sa upuan niya sa pagitan nina Shanon at Lily. Habang papaupo si Lily ay dumating na ang kanilang professor. Maya-maya’y nakarating na rin si Lisa habang hinahabol ang kanyang hininga.
“I’m sorry sir…” ang pagpapaumanhin ni Lisa sa professor nila sa harap. Ngumiti lang ang teacher bilang responde, “…hi, Lily! Grabe! Akala ko late na ako dahil ang daming tao sa grill at… gurl! Hoy! Okay ka lang ba?”
“Huh? A-ah… W-Wala to. Okay lang ako, Lisa.”
“…okay, for your final grade, your group will create a system…” nag-eexplain ang professor nila tungkol sa isang group project na kailangan nilang ipasa by the end of the semester. Napagdisisyunan ng grupo ni Shanon na sa kanilang bahay sisimulan ang project pagka-next week dahil may personal computer ito na may access ng wifi at may sarili ring laptop na naglalaman ng kakailanganin nilang softwares.
“I.m excited for next week… It’s gonna be sleepover guys!” ang excited na tili ni Carol kina Shanon, Lily, at Lisa.
----------
Habang naglalakad ang apat sa hallway papunta sa susunod nilang klase ay nababagabag si Lisa sa kakaibang ikinikilos ni Lily.
“Lily…? Ano bang nangyari? Bakit parang kanina ka pa tahimik?” ang nag-aalalang tanong niya.
“It’s about that DeadGurl’s messages pa rin siguro. Jusko, Lily? Forget that na!” ang naiiritang suway ni Carol kay Lily.
“Iniisip ko lang kasi… Paano kung totoo ang lahat ng yun? Paano kung may gusto talagang pumatay sa kanya? Paano kung tayo lang ang hiningian niya ng tulong…? Kasi… tayo lang ang inaasahan niyang tutulong sa kanya… Sana… Sana… Tumawag na lang ako ng pulis kagabi… Sana…”
ESTÁS LEYENDO
KILLER.COM
TerrorLimang kwento ng kababalaghan at katatakutan ang magdurugtung-dugtong dahil sa isang masaklap na massacre na nangyari.
