CHAPTER II

1.9K 49 8
                                        

CHAPTER II

Umiiyak si Jaira doon sa loob ng cafeteria.

Gabi na at pauwi na sana siya nang matanggap niya ang masamang balitang namatay na nga si Aria sa loob ng auditorium. Cause of death ay parehong pareho kay Bianca, inikot ang ulo at tinanggalan ng dalawang mga mata.

Nakasara na ang mga tindahan sa cafeteria kaya pinili ni Jaira na dito ibuhos ang kanyang mga luha. Gusto niyang mapag-isa.

Nagulat siya nang may lumapit sa kanyang isang lalaki at hinawakan siya sa balikat.

“Daniel?” ang sabi ni Jaira nang humarap siya sa lalaki. Umupo si Daniel sa harap niya na nag-aalala.

“Okay ka lang ba?” ang tanong ni Daniel kay Jaira.

“Okay lang ako… Wala to…” at pinunasan niya ang kanyang luha, “…ikaw, kamusta ka na? I’m sorry sa nangyari kay Bianca. I swear, hindi ako ang may gawa nun…”

“Naniniwala ako sa’yo Jaira. Alam kong hindi mo yun magagawa.”

“Pero everybody thinks I did it. Lalo na ngayong pati si Aria ay…huhuhu…” napaiyak muli si Jaira and this time, niyakap siya ni Daniel.

Ilang minuto ring naghikbi si Jaira sa mga bisig ni Daniel nang may dumating, si Selene, na tila nairita sa kanyang nakita.

“Oh my gosh! Sinasabi ko na nga ba eh. Kung buhay lang si Bianca until now, isusumbong ko kayong dalawa!” ang sigaw niya habang papalapit kina Jaira at Daniel.

“Mali ang iniisip mo, Selene…” ang pagtatanggol ni Jaira sa sarili, “…gusto lang akong i-comfort ni Daniel.”

“Comfort? Tinatawag mong comfort ang yakap na yun? I’m not that stupid, Jaira… I know what you’re doing… Nakita ko rin kayo sa chemistry lab, magkasama and doing that yakap-thingy.”

“Selene, tama na yan…” ang pagpipigil ni Daniel kay Selene.

“Wait a sec, ikaw ba ang nagsabi kay Bianca na magkasama kami ni Daniel sa chemistry lab?” ang tanong naman ni Jaira.

“Uhmmm… Oo! A-Ako nga ang nagsabi kay Bianca, dapat niya yung malaman.”

“And you’ve given her the wrong impression. Daniel is just comforting me because of what happened to kuya that day. Selene, wala kaming ginagawang masama.”

Pinipigilan ni Jaira ang galit niya kaya naman umalis na lamang siya.

“Jaira… wait!” ang sigaw ni Daniel at sumunod siya kay Jaira.

Naiwan naman si Selene sa loob ng cafeteria. Mag-isa na lamang siya dito nang maramdaman niya ang pag-ihip ng malamig na hangin sa kanyang balat.

Kinilabutan siya dito.

Nagpatay-sindi pa ang mga ilaw.

Nakiramdam siya sa paligid at nang hindi na niya makayanan ang takot ay nag-atubili siyang umalis sa cafeteria na yun.

Pumunta siya agad sa isang classroom kung saan niya iniwan ang kanyang mga gamit.

Mabilis niyang inilagay ang mga notebooks at libro niya sa bag at maagap na lumabas ng classroom na yun.

Madilim na ang gabi.

Naglalakad mag-isa si Selene sa hallway… pero pakiramdam niya eh tila may mga matang nakatitig sa kanya na sinusundan siya.

Kasabay ng mga nagkukurapang mga ilaw sa paligid ay ang mabilis na pagpintig ng kanyang puso.

Balisang-balisa na si Selene at natatakot.

KILLER.COMWhere stories live. Discover now