CHAPTER XII
Gamit ang bisikleta ay sinundan ni Lisa ang kotse ni Shanon.
Samantala, walang kaalam-alam si Shanon na may kasama na pala siya sa loob ng kotse, “Hmm... Where the hell is Lisa? Wala naman sa bahay nila... Wala naman sa grillhouse... Sa school kaya?” Patuloy lang siya sa pagmamaneho ng kotse nang may mapansin siyang anino mula doon sa salamin sa backseat ng kanyang kotse, “oh, shit!”
Lumingon agad siya sa likod pero wala siyang nakita.
Pagkaharap niya sa harapan ay nasa tabi niya na si Emily. Masamang nakatitig sa kanya. Naramdaman niya yun at napatingin siya sa katabing upuan. Pero walang tao.
Napansin niyang basa ang upuan sa tabi niya. Parang may umupo na kagagaling lang sa swimming at hindi nagbihis. Hinawakan niya ito, basa nga ng tubig. Nagtataka siya kung saan yun galing.
Malapit na siya sa gate ng Colegio de San Sebastian nang tumunog ang phone niya.
Unknown number.
Hindi niya ito binasa at inilapag lang sa upuan ng car niya sabay baba niya. Sa pag-alis niya ay naiwan si Emily sa loob ng kotse, galit na galit.
----------
“Lisa?! Lisa?!!!” inikot ni Shanon ang buong campus, mag-isa lang siya at pasado eleven o’clock na. May lumapit sa kanyang isang security guard.
“Excuse me, ma’am? A-Ano pong ginagawa niyo dito?”
“May hinahanap ako... Si Lisa... Nakita mo ba siya?”
“Ah. Wala na po ditong ibang estudyante... Tsaka gabing-gabi na ma’am. Mabuti pa po’t umuwi na lang kayo.”
“Ganun ba. Okay, salamat.” At sa isip-isip ni Shanon, “...nasaan ka na ba, Lisa?! Hihingi sana ako sa’yo ng tawad at makikipag-ayos pero hindi naman kita makita.”
----------
Nakarating naman si Lisa sa school, kitang-kita niya ang kotse ni Shanon na nakapark lang sa labas nito. Kaagad siyang bumaba sa bike niya at iniwan ito sa gate ng school. Sabay tumakbo siya sa loob.
----------
“Ah, excuse me ma’am.”
“What?!” iritang tanong ni Shanon sa guard nang muli siyang tawagin nito.
“Sa inyo ho ata ang cellphone na to. Nakita kong nahulog niyo sa hallway kanina.”
“A-Ano...?” cellphone niya nga ang hawak ng guard. Pero imposible. Iniwan niya yung cellphone niya sa loob ng car, paanong mahuhulog niya yun sa hallway?
“Salamat.” At kinuha niya yung phone niya at umalis na yung guard. Nagpatuloy sa paglalakad si Shanon habang tinititigan ang phone niya. Thirteen unread messages na.
Natatakot siyang buksan yun. Natatakot siya sa kung anong nilalaman ng mga mensaheng iyun. Pinili niyang itapon ang phone sa mga halamanan na nasa hallway kesa pag-aksayahan niya ng panahon kakaisip kung babasahin niya ba yun o hindi. Biglang may kumaluskos sa halamanan. Gumalaw ang mga dahon. At sabay may tubig na dumaloy mula sa pinagtapunan niya ng cellphone papunta sa paanan niya.
----------
“Nakailang messages na ko pero hindi ako nirereply ni Shanon... Nasaan na kaya siya?”
Takot at pangangamba ang tumatakbo sa dibdib ni Lisa habang ang mga paa niya ay tumatakbo rin sa bawak hallway na madadaanan niya sa loob ng campus.
Bigla siyang nakarinig ng malakas na sigaw, “AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!” Nakilala niya ang bosesna yun, kay Shanon!
Kaya naman mabilis niyang tinungo ang pinagmulan ng sigaw.
YOU ARE READING
KILLER.COM
HorrorLimang kwento ng kababalaghan at katatakutan ang magdurugtung-dugtong dahil sa isang masaklap na massacre na nangyari.
