PART IV- DANNY’S STORY: THE GAME OF GUESSING THE KILLER
“Wait! Ikaw talaga yan? As in? You’re Ezekeil Reyes, the famous blogger of ‘The Other Side of the Seriel Killer’?” Tinitigaan pa ako ni Nica nula ulo hanggang paa at inamoy-amoy. I just met her with Kasandra, or she prefer to be called as Kaye, ang five-month old girlfriend ng kapatid kong si Rex, sa loob ng bahay.
“Yeah. That’s me.” Sagot ko kay Nica.
“Aaaahhh!!!! Number one fan mo ako, Ezekeil Reyes---“
“Zac. You can call me Zac.” Ang sabi ko sa kanya na mukhang yayakapin pa ata ako na pinigilan ko naman.
“Pagpasensiyahan mo na yang si Nica. Ganyan lang talaga yan.” Ang mahinhing sabi ni Kaye. May kakaibang ngiti ang dalaga, maamo at maganda. Sa bihis niya pa, masasabi mong isa siyang modernong Pilipina samantalagang si Nica. Let’s say a complete opposite of Kaye pero maganda ang pormada.
Si Kaye ay nakapagtapos ng Psychology pero mas pinili niya ngayon maging volunteer sa isang home for the aged dito sa San Sebastian. Natutuwa siya sa kanyang ginagawa. In fact, doon sila nagkakilala ng kapatid ko na isa namang nurse, na one time bumisita ang team niya sa mga matatandang may sakit doon sa home for the aged. Rex is a working regular nurse sa San Sebastian Hospital and I’m proud to say na bunga yan ng pagod ko bilang salesman. Maaga kaming iniwan ng parents namin and... yeah... I don’t want to talk about it.
Nica, on the other hand, ay may-ari ng isang shop ng mga damit. She graduated fashion designing and decided na magpatayo ng isang maliit na shop which, ang sabi niya, ay lalago because of her intelligence in fashion.
“Ang galing mong gumawa ng blog, Zac. Akalain mo yun, kathang-isip mo lang. Na-catch mo talaga attention ko doon tsaka nung killer na si Hilario De Guzman, na-gets ko yung feelings niya. Nakakaawa siya, umiyak pa nga ako dun sa part na---“
“Okay, that’s enough, ladies. Mala-late na tayo sa ceremony.” Ang interruption ni Rex nang makalabas siya ng kanyang kwarto. Opening kasi ngayon ng coffee shop ng isang kabarkada nila kaya kailangan nilang umattend.
“I’m looking forward to meet you again, Zac!” and this time hindi na ako nakaligtas sa mahigpit na yakap ni Nica.
“Aaaah... okay... okay...”
“Mauna na kami...” ang sabi ni Kaye.
“Kuya...” ang paalam naman ni Rex.
“Okay, mag-iingat kayo.”
Nang makaalis sila ay biglang tumunog ang telepono.
“Hello?”
“This is Police Department. Magandang umaga. Gusto ko sanang makausap si Mr. Ezekeil Reyes... Nandiyan ba siya?”
Na-recognize ko ang malaki at malalim na boses ng lalaking yun mula sa kabilang linya, “PO1 Danny Montero...”
“Reyes...”
“Zac...” ang klaro ko sa kanya sa pag-address sa akin, “...tawagin mo akong Zac, Danny. Bakit ka napatawag?”
“Reyes... o Zac. Kailangan ko ng tulong mo...”
“Hmm...” gusto ko sanang tumawa ngunit napangiti na lamang ako, “...ang pulis na nanlait sa akin at hindi maniwala, ay humihingi ngayon sa akin ng tulong?”
“Zac... Kailangan ko ng tulong mo... Tutulungan mo ba ako o hindi?”
“Kung paiiralin mo ang ugaling yan, hindi ko ata mabibigay ang hinihingi mongh tulong, Danny.”
Tumahimik sandali si Danny. Hindi ako nagsalita dahil gusto kong marinig ang sasabihin niya.
Huminga ng malalim si Danny bago siya nagsalita, “Parang awa mo na, tulungan mo ako...”
Nakaramdam ako ng kakaiba sa tono ng boses niya. Desperado. Na kahit na humingi siya ng tulong sa nababaliw na katulad ko ay gagawin niya, mahanap lang ang killer.
Pumayag ako sa gusto niya. Sa tingin ko, mas mapapadali ang paghahanap namin kung magsasanib kami ng pwersa. Ngayong nasa side ko na ang pulisya, mahahanap ko na rin kung sino ang tao sa likod ng TresMaria’s Massacre.
YOU ARE READING
KILLER.COM
HorrorLimang kwento ng kababalaghan at katatakutan ang magdurugtung-dugtong dahil sa isang masaklap na massacre na nangyari.
