CHAPTER 1

162 19 146
                                    


CHAPTER 1



Pagkatapos kong bumili ng kape, bumalik na ako sa opisina at nilapag iyon sa lamesa ni boss. Wala na siyang inutos pagtapos non kaya umupo na lang ako sa sofa at inilibot ang paningin ko sa buong opisina.

“Wow! Ang ganda...” komento ko ng makita ang isang painting sa dingding na nasa likuran ni boss. Isang babae iyon na may hawak na gitara habang nakaupo ngunit wala siyang mukha. Pinasadya sigurong ganon. Maganda pa rin naman kung titingnan.

Bumaba ang tingin ko kay boss ng mapansing nakatitig siya sa akin. Umangat ang kilay ko. Hindi ko pa pala alam ang... pangalan niya. Tanungin ko kaya siya? Hindi naman siguro siya magagalit? Kailangan ko naman talagang malaman iyon?

“Ah, boss!” tumikhim ako. “Ano ho palang pangalan mo?” tanong ko.

Kumunot lang ang noo niya. Napanguso ako. Baka hindi siya nakakaintindi ng tagalog kaya siya ganiyan? Kailangan ba english?

Ngumiti na lang ako bago muling nagsalita. “Hey, boss! What’s your name?” ulit kong tanong.

Lumapad ang ngiti ko ng kumunot ang noo niya.

“Atticus...” tipid niyang sagot bago bumalik sa pagpipirma ng mga papeles. Sumunod ang tingin ko sa maugat niyang mga braso.

I gulped.

Atticus... Atticus lang? Walang second name? Atticus lang talaga? Surname, wala? Napanguso na lang ako. Parang ang mahal naman ng bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Ganito ba talaga kapag mayaman? O siya lang ang ganito?

“Boss, wala ka bang balak umuwi? Mag-aalas-onse na, oh, ayaw mo ba magpahinga? Ayos lang naman—” nabitin sa ere ang sasabihin ko ng bigla siyang tumayo. Napatayo rin tuloy ako.

Tumingin siya sa akin. Natataranta akong nagbaba ng tingin ng bigla siyang lumakad papalapit. Shit! Nagalit ko kaya siya? O baka hindi niya naintindihan ang sinabi ko?

“Don‘t be late for tomorrow.” malamig niyang sinabi bago ako tinalikuran.

Napaangat ang tingin ko ng marinig ang pagsara ng pintuan. Wala sa sarili akong napahawak sa gilid ng sofa. What the? What was that? Kailangan ba talagang ganon siya kalapit?

Napaigtad ako ng muling bumukas ang pinto. Sumilip mula roon ang guard at ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako pabalik sakaniya bilang pagbati.

“Ah, ma’am? Bumaba na raw ho kayo sabi ni Sir.” napakamot siya sa ulo habang nakangiti pa rin.

Kumunot ang noo ko. “Sinong sir ho?”

Kumunot rin ang noo niya sa akin. “Si sir Atticus Saldivar, ma’am. Sino pa ho ba? Siya lang naman po ang boss natin...” nagtataka niyang sinabi.

Nahihiya akong ngumiti sakaniya. Ganon ba? Akala ko kasi may iba pa. “O sige kuya... Saglit lang po!” inabot ko na ang bag kong pamasok ko pa sa school. Ito lang naman kasi ang nag-iisa kong bag. Nakakahiya nga dahil pinagtitinginan ako ng ibang aplikante na kasabay kong mag-apply kanina. Ayos lang naman iyon. Bibili na lang ako ng bago kapag sumahod na ako rito.

Sinukbit ko na ang itim na bag bago sumunod kay kuya palabas. Napayakap ako sa sarili dahil sa malamig na hangin. Anong oras na rin kasi at mukhang wala ng masiyadong mga sasakyan. Siguro maglalakad na lang ako pauwi. Para makatipid na rin.

“Hanggang dito na lang ho ako... Ingat ka ho, ma‘am.”

“Sige, kuya.... Salamat! Mauna na ho ako...” ngiti ko bago ako tumawid sa kabilang kalsada.

Huminto muna ako sa isang maliit na tindahan para bumili ng isang delata ng century tuna. Hindi na rin ako nagtagal roon dahil baka marinig pa ng tindera ang pagkalam ng sikmura ko. Nakakahiya naman iyon.

Dangerous Billionaire (Saldivar Brothers Series #1)Where stories live. Discover now