CHAPTER 3

132 19 131
                                    


Warning : SPG


CHAPTER 3



Pumikit ako ng mariin. Oh god... help me.

"What time is it already?"

Napakagat ako sa aking labi. Shit... Bakit ganito? Bakit parang mas nakakatakot ang kalmado niyang tono?

Kinurot ko ang sarili ko at pinilit na sumagot.

"3:50 PM, boss-"

"Uh-huh. And you are 20 minutes late, Ms. Secretary. Are you even aware of that?"

His jaw clenched. I nodded like a kid. Lumunok ako bago bago sinalubong ang mga titig niya. He licked his lips slowly while walking towards me.

Halos manigas ako ng bigla niyang ilapit ang labi niya sa tainga ko.

"You're not allowed to be late, Ms. Secretary. Remember that or else..."

Akala ko ay may idudugtong pa siya pero wala. Wala na. I bit my lips so hard to stop myself from asking. I need to stop myself before i regret something.

Bigla siyang lumayo at tumalikod sa akin. May kinuha siyang susi sa drawer ng lamesa at malalaki ang hakbang na lumabas ng opisina. He didn't even bother to look at me again.

Nanghihina akong napaupo sa sahig. Shit... What was that? Anong? Bakit? Bakit kailangan niya rin bumulong?

Wala sa sarili akong tumayo at umupo sa sofa. Tulala ako sa kawalan habang iniisip ang mga nangyari. Bakit ganon? Bakit ayaw maalis sa isipan ko ng mga mata niya? At ang paos at malamig na tono niya? Pero... Ramdam ko... Alam ko... galit siya. I can feel it.

Naiinis kong sinabunutan ang sarili ko. Malamang galit siya sa'yo dahil lumampas ka sa oras! Mag-ingat ka nga sa susunod, Rae! Huwag kang tatanga-tanga at baka bigla kang mawalan ng trabaho!

Ilang oras lang akong tulala nang hindi na muling bumalik si boss. Galit nga siguro talaga siya. Pangalawang araw ko pa lang sa trabaho at nagkamali na agad ako. Hindi ako mapakali sa upuan habang iniisip na baka tanggalin niya na ako. Sana huwag naman! Kailangan ko ang trabahong ito!

Inis akong tumayo at lumabas ng opisina. Baka mabaliw lang ako sa loob. Wala ng masiyadong tao sa labas. Umuwi na siguro ang iba. I sighed.

Dumiretso ako kay kuyang guard para sana tanungin siya. Halos bumagsak na siya sa pagkakatayo kung hindi lang ako lumapit. Agad siyang ngumiti ng makita ako kaya ngumiti rin ako sakaniya pabalik.

"Nandiyan pa pala kayo, ma'am." pansin niya.

I nodded at him. "Nakita niyo ho ba si boss? Hindi na kasi siya bumalik sa office mula kanina."

Napakamot siya sa ulo, mukhang hindi rin alam kung nasaan si boss. "Ah? Eh? Hindi pa naman lumalabas si boss, ma'am. Baka nasa taas lang, sa isa niya pang opisina. Do'n sa last floor."

"Ganon ba? Sige, kuya! Salamat! Puntahan ko lang muna siya ro'n at baka pwede na akong umuwi..." nakangiti kong sinabi.

Ngumiti rin siya at saka tumango. Wala na akong sinayang na oras at nagtungo na agad ako sa elevator. Pinindot ko ang last floor.

Bumukas ang elevator at bumungad sa'kin ang tahimik na hallway. Napalunok ako sa kaba habang iniisip ang mga horror movies na napanood ko. Huminga ako ng malalim at saka nilibot ang tingin sa buong paligid. Pare-parehas lang ang hitsura ng mga pinto pero may isa ro'n sa dulo ang naiiba. Baka iyon na ang kay boss?

Dahan-dahan akong naglakad patungo ro'n hanggang sa matanaw ko na ang siwang ng pinto. Kakatok na sana ako ng bigla akong makarinig ng mahihinang mga ungol. Napatakip ako sa bibig at bahagyang napaatras dahil sa gulat.

Dangerous Billionaire (Saldivar Brothers Series #1)Where stories live. Discover now