CHAPTER 9

107 6 198
                                    


WARNING: SPG


CHAPTER 9



Slowly, I started kissing him back.

Bumaba ang halik niya sa panga ko pababa sa aking leeg. Napakagat ako sa labi. Kung saan saan tumatama ang mga kamay niya. Saglit niyang hinawi ang suot kong skirt bago marahang pinisil ang mga hita ko.

“Boss...” I whispered and slowly bit my lower lip.

Umangat ang tingin niya sa akin, namumungay na ang mga mata. Pumikit ako ng mariin at inisip kung tama ba itong ginagawa ko. Hinahayaan ko siyang gawin ito. Parang pinatunayan ko lang din ang mga paratang sa akin ng iba.

I shook my head at him. “Boss, stop...”

He chuckled. Tumango siya at saka ako binuhat patungo sa sofa.

“Thank you...” I smiled a bit.

Tumango siya ulit. Hindi ko alam pero bakit parang namumula ang pisngi at leeg niya? Parang nahihirapan siya na hindi ko maintindihan. Sinubukan ko siyang abutin pero iniwas niya ang sarili sa akin.

Tikom ang bibig niya. Sandali niya akong tiningnan bago siya naglakad pabalik sa lamesa.

“I’ll come back here again later. I have more things to do.” he said.

Lumamig ang tingin ko sakanya. Hindi ako sumagot at umiwas na lang ng tingin. Siguro ay sa ibang babae siya magpapalipas ng oras.

Napaismid ako.

So what if he do that? I shouldn’t care. Right. I’m just his secretary.

I chuckled at that. Secretary? Kung ganon, bakit niya ako hinalikan? This is the second time that he did that.

Hindi ko namalayan at nasa harapan ko na pala siya. Lumuhod siya para magpantay ang tingin namin. Umismid ako bago siya inirapan.

Kumunot ang noo niya. “What’s with the sudden change of mood, Ms. Secretary?”

“Bakit nandito ka pa? Akala ko babalik ka na lang mamaya?” sabi ko at sarkastiko siyang nginitian.

Lalong kumunot ang noo niya. Sumiksik ako sa gilid ng sofa at hindi na siya pinansin. Inayos naman niya ang unan na hinihigaan ko.

Sandali akong napaisip. Kung nagpadala kaya ako sa mga ginagawa niya kanina, ano kayang sunod na mangyayari? Sigurado, pagsisisihan ko iyon pagkatapos. Hindi dahil napilitan ako kundi dahil para ko na ding pinatunayan ang mga paratang ng iba sa akin.

Naging maayos naman ang mga sumunod na araw. Hindi pa din mabait sa akin ang ibang katrabaho pero hindi naman sila kagaya ng mga natanggal. For some reason, I don’t think they will throw a fight.

Nakarinig ako ng mahinang bulong galing sa isang cubicle. Kumunot ang noo ko bago tumigil sa paglalakad. Parang sa huling cubicle nanggagaling ang boses. May mabibigat ang paghinga na parang hinihingal.

“Ahh... I told y-you we can do this l-later...” boses ng isang babae.

Tahimik akong naglakad papunta sa sink para maghugas ng kamay.

“Why later?” I heard a chuckle from another girl. Nanlaki ang mga mata ko.

Nakarinig ako ng mahihinang ungol galing sa loob, kasabay ng kakaibang tunog na parang may nagsasalpukan na malagkit. Lalong nanlaki ang mga mata ko. My goodness.

Nagmamadali akong lumabas ng restroom. Sabi ko pa naman, gusto kong pasukan lahat ng banyo sa kada floor. Pero parang ayaw ko na lang gawin.

Pawisan akong bumalik sa loob ng opisina. Dire-diretso ako patungo sa sofa. I’m sweating bullets! Tumakbo kasi ako pabalik.

Dangerous Billionaire (Saldivar Brothers Series #1)Where stories live. Discover now